75: Sacrifice

5.6K 183 50
                                    

WARNING: BLOOD

Hawak ni Raven ang kamay ni Isabelle ng magising ito. Nakita niya ang pagngiwi ng kaibigan. Tapos na ang dalawang oras na taning ni Fritz at alam niyang humihilab na naman ang tiyan nito.

"Ah! A-ang sakit!"

"Shh. Kaya mo yan."

Napapikit lang ito ng madiin. Nakita niyang butil-butil na pawis nito sa noo. Kasabay noon ang marahas na paggalaw ng sanggol sa sinapupunan nito.

"A-Alejandro.. Si Alejandro? G-gusto ko siyang makita..."

Napakagat siya ng labi. Kahit na nasasaktan ito, ang lalaking iyon parin ang iniisip. "Isabelle, wag mo muna siyang alalahanin."

Patuloy lang ito sa pagdaing. Awang-awa na siya.

Nadinig niyang bumukas ang pinto.

"Here, Erze." Bungad ni Fritz. "Still one cm. No progress. We can't have a normal delivery like this." Sabi pa nito habang pinapapasok sa kwarto ang kasama.

"You've done your part, I'll take it from here." Sagot naman ng babae.

Tumango lang si Fritz at lumabas na ng pinto.

"Princesse du Soliel," magalang na bati sa kanya ni Erze. Nakasuot ito nang puting damit na hanggang tuhod. Walang make up at nakapusod ang buhok. Pero hindi maiaalis dito ang pagiging elegante.

Bumaling ito sa nakahigang si Isabelle. "Isabelle of Valerius, I finally have a chance to meet you."

"R-Rave...sino siya?" tanong ni Isabelle. Natangka pa itong tumayo pero agad na lumapit si Erze at pinigilan ito.

"Don't move," sabi pa nito. Inilalayan pa ang kaibigan niyang humiga uli. "Breathe slowly and calm yourself down."

"Erze, what are you doing here?" tanong niya.

"It was the King's order, Angelique, I have no idea. But then Friedrich told me that that this woman was about to give birth and he needs my help," kaswal na sagot nito. Ngumiti ito at humarap kay Isabelle. "My name is Erzsébet, my Lady. I was invited to your wedding but-"

"Erze.." Saway niya. Masama na ang lagay ni Isabelle tapos ipapaalala pa nito ang mga masamang nangyari. Saka bakit naman ito papapuntahin ni Kiel dito? At bakit kailangan ni Fritz ang tulong nito?

Lumapit ang babae sa kanya at bumulong. "I find it amusing, Angelique. You are still helping the woman who stole your first husband."

"She is my friend." Sagot naman niya.

Tumaas lang ang kilay nito. Hindi naman nito alam ang pinagdaanan nila ni Isabelle, wala na siyang pakialam sa opinyon nito.

"Oh forgive me," ngumiti lang ito at humarap kay Isabelle. "Let me see the child, please. I'm an experienced midwife, I was the one who delivered your friend here and her brother."

Kumunot ang noo niya. Kung tama ang pagkakaintindi niya, nandito ang babaeng ito para magpaanak kay Isabelle. And d*mn, their mother died while giving birth. Kinabahan siya. Parang hindi niya kayang ipakagtiwala si Isabelle dito.

Pero huli na, nakita naman niya ang pagtango ng kaibigan.

Lumapit si Erze. Hinaplos ang bahagya ang tyan ni Isabelle. "The child is healthy--oh!" Napaigtad ito nang biglang gumalaw ang bata sa loob noon. "Very healthy indeed,"

Sa kabila noon, nakita niya ang pagngiwi ni Isabelle. Tuloy parin ang sakit na nararamdaman nito.

"But you are not. You haven't feeding well this past few months and it has affected your body unfavorably," tuloy na sabi ni Erze. Tumayo na ito at humalukipkip. Nababasa niyang hindi maganda ang tingin nitong lagay ni Isabelle.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon