13: Half Truth

8.8K 169 24
                                    

 

Hindi siya naniniwala. Imposible.

Alam niyang buhay pa ang kapatid niya.

Ito ang tumatakbo sa isip ni Raffy habang tumatakbo din ang sasakyan. Si Pierre pa ang nagprisinta na mag drive. Alam nito ang lugar kaya siya pumayag.

Hindi naman dahil sa tiwala na siya dito, may deal na sila. Alam niyang tumutupad sa pangako ang mga kagaya nito. Hangga't may kasunduan, hindi ito gagawa ng masama laban sa kanya.

Pero talagang kinakabahan siya. Pano kung totoo nga?

F*cksh*t. Binuksan niya ng bintana sa tabi niya. Naglabas siya ng isang sigarilyo sa compartment box sa kotse. Inilabas niya rin ang lighter sa bulsa at nagsindi ng isa. Bumuga siya ng usok mula doon.

Relax Rafaella, relax. Baka nagloloko lang to. Hawak mo ang ibidensya buhay pa ang kuya mo.

"Elle, stop that." Saway ni Pierre sa kanya. habang nagdridrive. Mabilis nitong natanggal ang sigarilyo sa bibig at agad hinagis papalabas.

Tiningnan niya ito ng masama. Wala itong reaksyon at patuloy lang sa pagmamaneho.

"Para kang si Kuya." Mahina niyang bulong.

"What?"

"Nothing."

Huminga nalang siya ng malalim.

Kotse niya ito pero napipigilan siya. Kapatid niya lang ang nakakagawa noon sa kanya.

"Elle."

"It's Raffaela. Pwede Raffy nalang?"

"l like Elle," sagot nito. "Mas bagay sayo."

Umismid nalang siya. "Bahala ka."

She hated that name. Bakit ba kasi iyon ang naiisip niyang ibigay dito noong unang magkita sila?

Inilabas nalang niya uli ang lighter niya.

"Buhay pa si Kuya," sabi niya. Tumingin lang si Pierre sa kanya ng saglit habang pinaglalaruan niya ang lighter na hawak.

"Binigay niya ito sakin. Pinadala niya noong birthday ko noong nakaraang buwan kaya imposible yang sinasabi mo. Nagtatago lang yon kasi..." saglit siyang natigilan. Bakit nga ba nawala sa isip niya yon? Namatayan nga pala ito.

"depressed yon kasi wala na si Ate Raven. Patay na patay yun sa kapatid mo."

Hindi nagsalita si Pierre. Huminga lang ito ng malalim.

Wala na siyang imik buong biyahe. Wala na siyang magawa.

Dalawang oras na din. Puro talahiban na yung nakikita niya sa gilid ng kalsada. Mukhang nasa liblib na lugar na sila. Sa probinsya yata siya nito dadalhin.

Maya maya pa ipinirada na nito ang sasakyan.

"Here we are,"

Tumingin siya sa paligid. Napalunok siya. Nakita niya kung saan siya talaga dinala nito.

Hospital.

Pasyente ba dito ang Kuya niya?

Ayaw pa sana niyang bumaba pero pinagbuksan na siya nito ng pinto. Wala siyang nagawa kundi lumabas. Hinawakan nito ang kamay niya.

Trueblood talaga ang isang ito. Maiinit. Papasa na bilang tao.

Contrary to popular belief, maiinit ang balat nila. Ang mga infected na tao lang na naging vampire lang malalamig ang katawan.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon