88: Cry for the Moon

4.3K 162 43
                                    

WARNING: GRAPHIC SCENES





Madilim parin.

Nandito parin ako.

Pinilit ni Raffy na iangat ang katawan. Nanginginig na siya, nangangawit na ang balikat sa pagkakasabit niya sa mga kadenang yon.

Hindi na niya kaya.

"Ako na uli, pano ba yan?" Dinig niyang sambit ng isa sa mga lalaking naroon. Naamoy pa niya ang nakakasulasok na hininga nito. Dinig na dinig din niya ang mga halakhakan ng iba pa.

"Ang sarap ng pabonus ni bossing."

"Tirahin niyo na habang masikip pa."

"Tanga, di malalaspag yan. Bampira na yan!"

Mga hunters. Iniwan siya ng demonyong yon sa mga alagad nito pagkatapos siyang pagsawaan. Hindi pa nakuntento sa pinaggagawa sa kanya.

Wala na siyang lakas pa para lumaban. Hinayaan nalang niya ang mga ito sa gustong gawin sa katawan niya.

Hindi na rin niya mabilang pa kung ilang beses na siyang binaboy ng mga lalaking ito. Sukang-suka siya sa bawat labas-masok na ginawa sa kanya. Gustuhin man niyang manlaban, hindi na niya magawa dahil nakakadena siya

Kung noon ay nalamatan na ang pagkatao niya, sa pagkakataong ito ay durog na durog na.

Ano ba talagang kasalanan ko sa mundo?

Gusto niyang talagang itanong iyon. Alam niyang ilang nilalang na rin ang binawian niya ng buhay noong hunter pa siya.

Siguro nga. Ito na ang kabayaran sa lahat.

"Ang sarap tangina." Ungol ng lalaking gumagamit sa kanya.

Pumikit nalang siya ng mariin at yumuko habang tuloy parin ang pagsulong nito sa loob niya. Ramdam niya ang higpit ng kapit ng mga kamay sa balakang niya habang bumibilis ang pagkilos.

Akala niya malakas siya. Na pagkatapos na nangyari noon, wala na siyang kinakatakutan pa. Akala niya matapang na siya.

Pero mali. Naulit uli ang bangungot ngayon. At wala na naman siyang nagawa.

Hindi pala niya kaya.

Sana magsawa na sila. Sana matapos na ang lahat. O sana tapusin nalang siya para di na siya mahirapan pa.

Biglang tumigil ang paligid. Lumayo ang alagad ng demonyong nagpapasasa sa katawan niya. May nadinig pa siyang mga kalabog kasabay ng impit na paghiyaw.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata.

Pula. Dugo. Madaming dugo. 

Umaagos sa paanan niya. Amoy na amoy niya.

Katapusan na niya siguro.

"Elle...Elle...I'm here." Naramdaman agad niya ang init na yumakap sa hubad na katawan.

Totoo ka ba? Nandito ka na ba talaga?  "P-Pierre..." halos hangin nalang ang lumalabas sa bibig. Naubos na ang boses niya sa kasama ng diwa niya. Wala nang natira pa.

Mabilis ang pagkalas ng silver na cuffs niya mula sa kadena. Agad siyang natumba sa mga mga balikat nito.

"Hush..Sandali nalang."

Natanggat na ang kadena sa paanan. Lumuwag na ito at tuluyang kumawala.

Hindi niya ito magawang tingnan. Wala na siyang karapatan para tingnan pa ito. Hindi na siya ang babaeng minahal nito. Winasak na siya ng mga demonyong yon.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon