"So kakilala mo ito?"
Tanong ni Raffy kay Pierre na nakaupo lang sa isang silya. Nakamasid lang. Tahimik lang ito noong ginagamot niya ang babae sa kama.
Mabuti at wala gaanong internal organ na natamaan. Gumaling agad ang sugat pagtapos niyang mahugot ang bala dito, mabagal nga lang kumpara sa ibang bampira. Pero nakumpirma naman niyang Trueblood ito dahil maiinit ang katawan.
Mahina nga lang. Napabagsak agad eh.
"She's Catalina. Alejandro's cousin," seryosong sagot ni Pierre sa kanya.
Valerius nga. Main family. Nakaligtas ang babaeng ito sa pagsugod sa Paradiso
"Ok na ba siya? She's not awakened yet. Hindi siya sing lakas namin."
"Oh," nasabi nalang niya. Kaya pala.
Napatitig siya sa babae. "Medyo ok na. Ilang taon na siya?"
Ang alam niya, nagiging ganap na vampire ang mga trueblood pagdating nila ng late teens o kaya mid twenties. Pag tungtong sa adulthood saka palang sila nakakaramdam ng pagkauhaw sa dugo. Bago noon, parang tao lang sila.
"About twenty I guess."
Twenty?
Parang nanlumo siya sa narinig.
"Twenty?"
Mas matanda siya pero bakit ang tangkad ng babaeng to? Mga five-eight or five-nine. Hindi katanggap-tanggap. Four-eleven lang siya.
"Yes? Why?" tanong ni Pierre.
"Wala. Wala. Kukuha lang ako ng pangpalit niya," iniwan niya ang babaeng walang malay. Nabandage-an na niya ang tama nito pero kailangan niya paring palitan ng damit. Napuno na kasi ng dugo ang blouse at pantalon.
"Pakibantayan, sandali lang ako." Sabi niya kay Pierre bago lumabas at pumunta sa kwarto niya sa kabila.
Binuksan niya ang kabinet at nag hanap nang pwedeng maisuot nito. Paksh*t na yan, sana may magkasyang damit niya dito. Puro extra small ang damit niya. Baka siguro yung mga panlalaking damit niya kasya.
Paano kaya nakaligtas ang isang yon? Napa-isip siya. Pwede kayang nakaligtas din yun iba?
Yung Isabelle kaya? Yung girlie nung haring manyak. Ano kayang nangyari doon?
Kung buhay pa nga, itutuloy pa ba nito yung kasunduan nila? Hindi na ba niya ito kailangang patayin?
Napatigil siya sa pag-iisip ng makarinig siya ng sigaw. Kasabay noon ang malalakas na kalabog. Parang mga hinahagis na bagay.
Pakshet! Naku! Baka minamanyak na nung tukmol si Catalina!
Patakbo siyang pumunta sa kwarto. At ayun nga ang nadatnan niyang eksena.
"Would you stay still!" Sigaw ni Pierre. Nakapatong ito sa babae habang hawak ang magkabilang braso nito sa kama.
Familliar scene ha. Ibang tao nga lang ang nasa ilalim ng manyak at hindi siya.
"Hör auf damit."
Agad na napaalis ito sa ibabaw ng babae. Nakahawak sa leeg at napaupo sa gilid ng kama. Hirap na namang huminga.
Alam niyang di pa ito nakakarecover dahil kanina, kaya malamang, mas masakit ang epekto ng collar ngayon. Buti nga at nakakaupo pa ito.
"Manyak! Wala pa akong ilang minuto ha!" Saka niya ito pinalo ng malaking unang napulot niya sa lapag.
"I-it's n-ot what you think, Elle." Sabi nito sa kanya habang mabilis na kumukuha ng hangin.
Aba defensive!
Napatingin siya babae. Nababasa niya sa mukha nito ang pagkalito. Takot.
Di na siya nagtaka. Katulad lang din ng madalas na nahuhuli nila ang reaksyon nito.
"S-sino ka ba?" tanong nito sa kanya. Matinis ang boses at takot na takot. "Bakit mo kasama ang demonyong yan?"
Wow! Demonyo. Nag level-up ang tukmol. Sa kanya manyak lang.
"You're name is Catalina right? Valerius?"
Tumango ito. "Cat," sabi nito.
Napaatras ito sa may headboard ng kama. Sa may pinasulok. "Hunter? Hunter ka?"
"Wag kang mag-alala, safe ka dito. Di ko kasama yung humuli sayo kanina." Nakita pa niya ang malaking pasa nito sa braso. Manilaw-nilaw pa. Bago lang. Gawa iyon ng pagpiglas nito kanina malamang.
"Safe?" Tanong ni Cat. Napatingin ito kay Pierre.
Takot sa manyak ang isang to.
"Hoy! Mahal na hari! Tumayo ka diyan. Lumayo ka sa kanya!" Sigaw niya dito. Agad naman itong sumunod at tumayo sa likod niya. Hawak hawak parin ang leeg.
"Elle, wala akong ginawa." Paliwanag pa nito.
"Shut up." Walang ginawa. Eh bakit mukhang ginera yung kwarto. Tapos nakapatong pa sa babae.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nanikip ang dibdib niya sa naabutang eksena kanina.
Kasalanan niya. Dapat di niya iniwan yung babae na kasama ito.
"B-bakit kayo magkasama!?" Di parin umaalis sa sulok si Cat. Halatang takot parin. Iniekis pa nito ang mga braso sa dibdib.
"He's my slave." Sagot niya.
Ewan. Wala naman kasi siyang maisip na dahilan kung bakit nga ba niya kasama ang tukmol na ito.
Napapanganga lang si Cat.
"Elle?"
"Tumahimik ka nga, Pierre."
"Trust me, di kami masamang tao," sabi niya uli sa babae. "We want to help."
"Help?" mariin nitong sabi. "I don't need your help. Lalo na sa lalaking yan!"
Aba matinde. Nag ooffer na nga tulong, ayaw pa? Ang choosy, nagmamaganda. Sabagay maganda nga naman talaga.
"Cat. Just tell us what happened," sabat naman ni Pierre. "What happened to Isabelle? To her child."
"Brutto figlio di puttana bastardo!" Sigaw nito sabay bato ng isang unan sa kanila. Nakaiwas siya. Sapol naman si Pierre sa mukha.
Italian yon pero mura. Ngayon lang siya nakarinig ng ganoon. Galing pa sa babae. Ba't ang tindi ng galit nito sa tukmol na to?
"Hanggang ngayon pa ba naniniwala kang sayo ang batang yon?!" Tuloy pa ni Cat.
What the f*ck?! Ano daw?!
Sinong bata?
"Ano yon?" tanong niya. Napatingin siya kay Pierre. Namumutla ito. Hindi iyon dahil sa lason sa collar na suot nito. "Ba't hindi ko alam yon?"
"Elle, I'm..."
"Oh no Miss, he didn't tell you?" sabi ni Cat.
"He raped Isabelle."
What the f*ck!
Oo nga manyak to. Pero rapist? Napalayo siya dito.
Pano nito nagawa? Hindi ba mahal nito yung babaeng yon?
"Elle...let me explain."
"Lumabas ka muna ng kwarto, Pierre. Mag-uusap kami,"
Pinakakalma niya ang sarili. Pinipigilan niya ang panginginig niya. Malapit na niyang kunin ang baril at paulanan ito ng bala.
Mapapatay niya ito ng wala sa oras.
"Elle..." Nakikiusap na ang tono nito.
"Get out!"
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...