Kanina pa paikot-ikot si Raffy sa kwarto. Hindi siya mapakali. Ilang araw na mula noong tumawag si Diego sa kanya. Hindi parin ito nag-uupdate sa ng balita sa pinagagawa niya.
Ni hindi rin niya matrace kung saan na sila nagpunta. Pinagamit niya ang kotse niya sa dalawa dahil may tracker na nakakabit doon. Ang huling bigay ng data ay noong tumawag din si Diego sa kanya para ipaalam na nasa Batangas na sila.
Yun lang.
Pagtapos noon, nawala na nang parang bula yung signal.
"San ba nagpunta ang biik na yon?" Inis niyang tanong sa sarili.
Nag-aalala tuloy sila. Kahit na sabihin pang isa sa pinakamagaling na hunter si Diego, ilang taon na rin simula ng matigil ito sa field. Kaya nga lumobo yun nang ganoon dahil walang exercise. Hindi niya alam kung ganoon parin itong kagaling makipaglaban kung sakaling may humarang sa kanila bampira o mga hunters.
Pakshet! Wag naman sana.
Bumuga siya sa usok galing sa sigarilyo. Di na siya sanay sa lasa. Minsanan lang kasi niya itong ginagawa. Pagna-iistress siya o kinakabahan. Isa pa, ayaw na ayaw ng Kuya niya na naninigarilyo siya. Di daw bagay sa babae.
Pero ang weird, pinadalhan siya ng lighter nito noon birthday niya?
Napatingin siya sa hawak na lighter. Doon sa pangalang na nakaukit doon. Naaalala niya na walang return address yung maliit na kahong iniwan nalang basta sa pinto niya. May maliit na birthday card pero walang pirma.
Ngayon di na siya sigurado kung sa kapatid nga niya galing ito. Kung patay na nga ang kuya niya sino naman ang mag bibigay noon?
"Elle." Marahan niyang binasa ang nakasulat sa lighter. Ang Kuya lang naman niya kasi ang may alam ng palayaw niyang iyon. Kaso maladas Raffy o Rap-rap parin ang tawag sa kanya.
Ipinangalan lang naman kasi sa kanya yung 'Elle' dahil doon sa hula ng matanda sa Quiapo noon palaboy pa sila. Yung hulang makakapangasawa daw siya ng prinsipe at yayaman siya.
Hindi naman siya naniniwala sa hulang yon. Yumaman nga siya, ilang milyon na rin ang pera niya sa bangko. Kaso walang prinsipe.
Matapos ang nangyari sa kanya, di na siya umaasa pa na dadarating pa yon.
"Elle," nadinig niyang tawag ni Pierre sa kanya kasabay nang pagkatok sa bahagyang nakabukas na pinto. "Malapit nang maluto yung pagkain."
Napanguso siya. Hindi nga prinsipe, hari naman ng kamanyakan ang dumating sa buhay niya. At wala siyang patulan ang tukmol na to.
Mamatay muna siya.
"Susunod na." Sagot niya.
Inilapag niya ang lighter sa lamesa. Pinatay niya na ang sigarilyo sa asthray at nilagay ang cellphone sa bulsa.
Siguro makakapag-isip na siya kapag nakakain na.
Di pa siya nakalabas ng pinto ng nag vibrate ng cellphone. Unknown number ang lumabas sa screen pagtingin niya dito.
Kakapalit lang niya ng number at iisang tao lang naman ang nakakaalam ng ginagamit niya ngayon. Sinara niya agad ang pinto at ni lock.
"Rap-Rap...Si Dieg--"
"ALAM KO!?" Sigaw niya nang sagutin na niya ang tawag. "Saang lupalop ka ba nagsuot?! Alalang-alala kaya ako!"
"Raf. Sorry naman," sabi nito sa kanya. Hinihingal ito. Nadinig pa niya ang pag-upo nito sa kama dahil sa pagcreak ng spring. "May humabol samin. Pinasabog ko na kotse mo para ma-distract sila."
Sa kanila? Kung ganoon kasama parin nito si Cat.
Teka. Wait..
"Pinasabog mo yung sasakyan ko!" Sigaw niya. Sira ulong baboy to! Last year ko lang nabili yon!
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...