"Isabelle."
Mabilis ang naging paandar ni Alejandro sa kotseng sinakyan nila. Balewala na sa kanya ang lahat ng sakit sa katawan. Mas nangingibabaw ngayon ang kagustuhang makita si Isabelle. Hindi man niya pisikal na nararamdaman, alam niyang nasasaktan ito. Alam niyang kailangan siya nito.
Itinigil niya sa tapat ng isang mataas na gate ang sasakyan. It's was instinct, alam niyang nandito si Isabelle.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Bantay sarado ang lugar na iyon. Security cameras were all over the place. Marami ding bampira sa loob.
"Hindi tayo maaring pumasok, mahal kong bunso. Nararamdaman kong pag-aari ito ng iyong dating kabiyak. Hindi natin ito--"
Hindi niya iyon pinansin. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas.
"Alejandro!" Nadinig pa niyang pigil ng sariling ina. Sa kabila pala ng matagal nitong pagkakakulong ay inaalala parin nito ang batas ng lahi nila.
D*mn those laws!
So what if it not his territory? Na malaking kasalanan para sa kanila ang pumasok nang walang paalam sa teritoryo ng iba? His mate is inside that f*cking gate, at kailangan niyang makita ito.
Natigilan siya nang may isang lalaking humarang sa harap niya. Hindi niya ito kilala pero alam niyang kasama itong sumugod sa hotel kanina.
"Kaibigan ko may-ari ng bahay na ito. Hintay lang," sabi nito. Bumaling ito sa may likuran niya. "Bulan, ako na bahala."
Kumunot ang noo niya nang lumingon sa sinabihan nito.
So his mother know this man? Siguro ay nakilala nito ang lalaki nang makalaya ito sa Paradiso.
"Isa siyang matagal nang kaibigan, Alejandro. Siya rin ang naging katuwang ni Catalina. Kakampi natin siya." Tumango nalang siya at tumingin sa lalaki. Hindi niya ito kilala pero may tiwala siya sa sinasabi ng ina.
Ang lalaking iyon na rin ang nagdoorbell sa gate. Ilang segundo din ang lumipas pero walang sumasagot.
D*mmit. His family needs him and he's here, waiting for someone to answer a f*cking doorbell?
Buong lakas niyang itinulak ang makapal na bakal na gate sa sobrang inis. Nayupi ito at mula sa yuping iyon, marahas niya itong tinuklap at hinagis papalayo.
"P*ta! Sabi nang hintay eh!"
Hindi na niya pinansin pa ang sigaw ng lalaking yon. Tumakbo na siya papasok.
Nahagip pa ng paningin ang ginawang pagpigil ng ina sa mga papalusob na armadong lalaki sa kanya.
She can handle it. Alam niya kung gaano ito kalakas.
She's an Ancient Blood. At ngayon tuluyan na itong nakalaya, alam niyang walang laban ang kahit sino mang magtangka dito.
Marami pa siyang makasalubong na mga tauhan ng bahay na iyon pero mabilis niya itong iniwasan. Nadaplisan man siya ng mga bala, tuloy parin siya sa pagtakbo. Hindi na niya ininda pa ang mga hapdi ng mga tamang iyon.
"Tigil!"
Saglit siyang huminto. Nakita niya nakatutok na ang mga baril ng mga bantay sa kanya. Napapalibutan na siya.
About twenty to thirty. Matataas ang kalibre ng mga baril nito. High grade silver bullets, he was sure of it. Pero wala na siyang pakialam doon. Pinatulis na niya ang mga kuko. Umangil siya nang malakas at hinayaan ang sariling palabasin ang halimaw na nasa loob niya.
"Hold your fire." Dinig niyang utos mula sa pamilyar na boses. Agad siyang lumingon sa pinanggalingan nito.
Kilala niya ang lalaki. Ang mate ni Angelique. Buhay pa pala ito at bampira na din. Kung ganoon malamang buhay din ang dating kabiyak niya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...