36: Bite Me

6.5K 180 44
                                    

"Whoa!" Sigaw ni Raffy nang makarating na sila sa lugar na sinasabi ni Pierre. Bumaba na siya sa motor at nagtanggal ng helmet.

"Asteg! Pang-haunted house ang dating! May nagshooting na ba dito ng shake rattle and roll?"

Ang laki naman kasi talaga. Mukhang mansion ng Addams Family. Bahay ba ito ng tukmol?

Napalingon siya kay Pierre. Bumababa na rin ito at nakatingin sa bahay.

"You need to rest. Mag-uumaga na." Sabi nito. Medyo napapangiwi ito at napapahawak sa balikat. Iniinda parin nito ang tama.

"Ok ka lang?" Tanong niya.

"Yeah," sagot naman ni Pierre. Nilagpasan siya nito at dumiretso sa maindoor ng napakalaking bahay. Pinihit nito ang doorknob ng malakas at nasira. Naitulak na nito ang maluwang at iginiya siyang pumasok. "Come in, Elle."

"Wala bang mumu diyan?" Tanong niya bago pumasok sa loob. Napapikit siya ng biglang lumiwanag ang paligid.

"May kuryente dito?" tanong niya.

Ang lawak ng sala, ito ang unang bumungad ng nagmulat siya. Parang nasa Spanish era. Ang ganda ng mga furnitures. Nakakahiyang umupo dahil mukhang mamahalin. Pati yung chandelier sa itaas ng kisame napapangnga siya.

May mga malalaking kwadrado ding nakasandal sa pader. Mukhang di pa naikakabit.

"Generator," sagot ni Pierre. "Pinaparenovate ko pa. Sorry kung magulo."

Sa lagay nito magulo pa?

"Saan tayo matutulo--" natigilan si Raffy ng biglang napaluhod si Pierre sa sahig. Nakahawak ito sa dibdib at humihingal.

"Hoy! Anong nangyari sayo!"

Hinubad na niya ang backpack at mabilis niya itong nilapitan. Inalalayan niya papapunta sa isang sofa doon. Di pa man sila nakakaabot ng bumagsak uli si Pierre. Napahiga na ito sa carpet.

"Pakshet naman!"

Pinagpapawisan na ito ng malapot at napansin niyang lalong kumalat ang itim na linya nito sa leeg. Bumibilis na rin ang paghinga. Binuksan na niya ang jacket ni Pierre nakita nga niya ang tama nito. Tumagos pala iyon sa dibdib, basang-basa ng dugo ang tshirt nito. Pati yung jacket duguan na rin.

Sarado na ang sugat pero mukhang maraming dugong nawala dito.

Ba't di ko agad napansin.

Ayos naman kasi ang tindig nito kanina. Ni hindi nga dumudugo ang sugat nito galing sa likod. Kaya pala,sa harap pala lahat umagos.

"Sira ulo ka! Malala na yung tama mo, di ka nagsasalita!"

Mukhang silver ang balang ginamit, kung bumaon iyon, mamatay si Pierre.

"O-ok lang ako," sabi nito. Pinipilit pa nitong tumayo pero bumagsak din uli. "J-just go. Lumayo ka muna. Baka kung anong magawa ko."

Patay na! Kailangan nito ng dugo ngayon din. Dagdag pa yung collar nito. Lalo lang lumalala dahil sa mabagal ang pagaling noong sugat.

Hinawakan niya ang leeg ni Pierre. Doon sa lock noong collar. "Ich li--"

Bigla nitong hinawi ang kamay niya. "What the hell are you doing?!"

"Tatanggalin ko na. Mamatay ka na."

"NO!"

Napanganga nalang siya. Aba't bakit ayaw?

"J-just-- Just leave it. Umalis ka na." Taboy nito.

"Naman. Lakas ang lakas ng tama mo. Papalayain ka na nga eh," sabi niya. Hinayaan nalang niya yung collar. Ang importante, makainom ito ng dugo. "Wala ka bang blood packs dito?"

"W-wala... Please Elle.. Leave me."

Napapikit na si Pierre ng mariin. Mukhang hinang-hina na.

Kinuha niya ang swiss army knife niya sa bulsa. Inilabas ang kutsilyo at sinugatan ng mababaw ang pulso.

"Ayan. Inumin mo muna yung akin."

"F*ck it! Ano ba?!" Napaupo si Pierre sa ginawa niya, napaatras pa. Lalo tuloy itong napangiwi sa sakit dahil sa biglaang pagkilos.

"Ang arte nito. Wala naman akong sakit."

"H-hindi yon," umiling-iling pa ito. "Just don't--"

"Ano ba! Kapag hindi ka nakainom ng dugo, mamatay ka," aniya. Lumapit na siya. Itinapat niya ang pulso sa bibig nito. "Do it."

Iniwas nito ang mukha. "You'll regret it, Elle."

"Hindi, kailangan mo to. Ang arte mo talaga."

Nabigla nalang siya ng hapitin siya nito papalapit. Napahiga siya sa carpet habang nasa ibabaw naman niya si Pierre. Nakadagan ito sa kanya at damang-dama niyang nababasa na ang suot niyang damit nang dugo nito.

Nakatitig ang mga mata ni Pierre sa kanya. Pulang-pula na. Unti-unting bumababa ng mukha nito sa leeg niya.

Aba. Ayaw kumagat sa kamay. Gusto sa leeg talaga!? Arte much!

"You'll regret it, mon amoure." Bulong nito.

Ano ba yung mon amur? Bakit tunog tinapay?

Naramdaman niya ang kamay nitong nasa bewang niya at gumagapang pataas. Humahaplos pa ito sa dibdib niya.

Ano ba naman. Mamamatay na nga, na mam-manyak pa.

Hindi na niya ito itinulak at hinayaan nalang. Baka lalo lang lumala ang damage nito sa katawan at matuluyan na.

"Just do it, your highness," sabi niya.

"Bite me."

Naramdaman na niya ang labi ni Pierre sa leeg niya. Ipiniling pa niya ang ulo para lalo nitong maabot ang ugat niya doon. Pero imbis na kagat ang gawin nito, maliliit na halik lang pababa sa collar bone niya ang ginagawa.

Kinikilabutan tuloy siya. "Ano ba... kagat na..."

Umakyat uli ng halik nito sa leeg ng daha-dahan. Nang bumaon na ang pangil nito, napapikit nalang siya.

Masakit, oo, pero sa bawat higop na ginagawa ni Pierre sa dugo niya, may kakaiba siyang nararamdaman.

Maiinit.

Kumakalat na iyon sa buong pagkatao niya. Napahawak siya sa batok nito. Hindi na niya mapigilang mapa-ungol sa dahil sa ginagawa nito sa kanya.

Bakit ganito?

Ilang beses na siyang aksidenteng nakakagat ng bampira dahil sa pagiging hunter pero hindi pa niya nararanasan ito. Ang init. Ang sarap sa pakiramdam.

Maya-maya pa ay tumigil na si Pierre. Tinanggal na ang pangil sa leeg at dinampian ang parteng kinagat nang halik.

"Elle," bulong nito. Nagmulat na siya ng mata at nakita niya itong malalam na nakatitig sa kanya. Ilang pulgada lang halos ang layo nito sa mukha.  

"I can't help it... I'm sorry." Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya.

Hindi na siya nakasagot ng dampian na siya nito ang halik sa labi. Mababaw lang at saglit pero tumindig ang lahat ng balahibo niya sa ginawa nito.

"B-bakit?

Bumagsak ang katawan ni Pierre sa kanya. Bumagal ang paghinga nito, mukhang nakatulog na. Hindi tuloy siya masyadong makahinga dahil sa pagkakadagan nito.

Doon na siya nahimasmasan.

What the hell happened?!

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon