Prologue: Hunter
Nakatayo si Diego habang minamasdan ang bangkay sa may paanan niya. Lalaki. Edad bentesingko pataas. Mukhang palaboy lang sa kalsada. Wakwak ang leeg pero kakaunti lang ang dugong tumagas. Kasalukuyan itong nilalangaw na.
Mukhang kanina pa ito, naisip niya.
"Boss, ako na bahala dito. Kickback nalang mamaya, alam mo na." Sabi niya sa isang pulis na nagkokordon doon. Busy naman ang ibang kumukuha ng detalye ng crime scene. Tumango lang ang pulis at ngumisi. Mukhang nagkakaintidihan na sila.
Mabuti nalang at iilan lang din ang usisero. Mas madali ang trabaho niya.
Pampalipas badtrip lang ito, naiisip niya.
Inindyan siya ng kaibigan niya kaya siya napadaan sa Manila, dapat sana ay nagpapalamig na siya sa Baguio ngayon. Sakto naman niyang nakita ang isang pulis na kilala niya at binalitang may natagpuang bangkay sa may Ortigas.
Naglakadlakad siya sa paligid. Malawak ang abandonadong building kung saan natagpuan ang bangkay. Maaraw pa sa labas. Sigurado siyang nandito pa ang may gawa.
Pasimple siyang bumaba siya sa pinakabasement. Sinigurado niyang walang nakasunod sa kanya. Makalat doon at puro tambak ng kahoy at mga bakal. Madilim pero nasanay na ang mga mata niya sa ganoon.
Walang ingay siyang naglakad. Dahan-dahan. Hanggang sa nakarinig siyang kaluskos.
Jackpot!
"Labas na. Huli ka na," aniya habang nakangisi. "Di naman kita sasaktan. Alam ko kung ano ka."
Unti-unti ngang lumabas ang isang bulto sa likod ng mga kahoy.
"Si-Sino ka?" tanong nito. Babae ang boses.
"Ikaw ang may gawa noong nasa taas diba?" Tanong naman niya dito.
Nadinig pa niya ang paglunok ng babae. "H-hi-hindi ko s-sinasadya. G-gutom na gutom ako."
Napailing nalang siya. Mukhang aksidente itong naging bampira o kaya ay napagtripan lang. Alam niya na ipababawal na ng High Council nang mga nilalang na yon mag-turn ng isang tao kung di naman kukupkupin, kung di naman isasama sa Coven nila. Pero mukhang di naman sumusunod lahat.
Padami na ng padami ang rogues ngayon. Hindi na talaga disiplinado ang mga bampira, palibasa bago lang ang hari nila.
Problema na kapag nakapatay ang mga rogues. Tulad ng isang to. Baka kumalat ang balita. Patay na, magkakagulo na.
Nilabas na niya ang baril niya. Napaatras ang babae dahil sa ginawa niya.
"Papatayin mo ba ako?" tanong nito sa kanya. May lakas pa ng loob magtanong, naisip niya. "Please gawin mo na. Ayoko na. Ayoko na—"
Isang bala ang pinakawalan niya. Tumama sa dibdib ng babae at bumagsak sa sementong sahig.
Lumapit siya para tingnan ang lagay nito. Alam niya buhay pa, sinigurado niya. Mas malaki yata ang makukuha niyang kita kung buhay ang madadala niyang bampira.
Mukhang batang-bata pa ang isang ito. Nakamaiksing damit na hapit na hapit sa katawan. Katulad ng karaniwang suot ng mga kabataang mahilig mag-bar. Malamang puti iyon dati pero kulay abo na sa sobrang dumi. Bakas pa sa bibig nito ang dugong galing doon sa bangkay na nakita nila kanina.
Nagpadala na siya ng mensahe sa mga contacts niya. Na may nakita siyang bampira na walang kinikilalang Coven. Binigay niya rin ang descriptions ng nahuling rogues at ang lokasyon nila.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...