Bumalik ang tingin ni Raffy sa lalaki. Bahagya pa siyang nalito sa nakita. Kamukhang-kamukha nito ang lalaking nabaril niya kanina na ngayong nakabagsak nang padapa sa sahig. Patay na. Hindi na niya marinig ang tibok ng puso.
"Surprised? That's my twin, actually. I owe you one." Sabi nito na may ngiti pa sa labi.
Twin? Kapatid? Bakit pinabaril sa kanya?
"W-what the hell is happening?" Lito niyang tanong. "What the hell are you?!"
Ngumisi lang ito. "It's complicated, dear. But as promised--Ciao!"
Bigla itong tumakbo. Mabilis. Nagawa pa niyang magpaputok pero nadaplisan lang niya ito.
Tuluyan nang bumasak si Pierre sa tabi niya pagtapos noon. Itinabi na niya ang baril at agad itong dinaluhan.
"Teka... wag ka munang gumalaw." Sabi niya. Nag-aalala na siya. Sa may bandang balikat pala tumama ang balang iyon. Hindi niya malaman kung paano niya aalisin iyon dito. Alam niyang malapit na itong malason ng silver.
"It's ok. This is nothing," marahan siya nitong hinawi. Nakita niya ang pagtulis ng kuko nito. Mabilis na itinusok iyon sa dibdib at maya-maya pa, nakita niya ang balang binunot galing doon saka itinapon iyon sa sahig. "Sana'y akong may silver sa loob ng katawan ko."
Kahit na, alam niyang paubos na rin ang lakas nito kakagamit ng psych. Maraming nang dugo na rin ang nawala.
Isang malalim na lunok ang ginawa niya. Naapektuhan rin na siya ng amoy noon.
"That was Pollux, Elle. He used his psych on you to kill his own brother," sabi nito habang nakangiwi sa sakit.
"I was caught of guard. Hindi ko inaasahan yon. Hindi ko agad nalaban ang psych niya kaya hindi ako makagalaw kanina."
Pinilit nitong tumayo. Inilalayan niya ito.
Naguguluhan siya. Bakit naman ipapatay noong lalaki ang sariling kapatid?
"He can command anyone who listen to his voice using his pysch, ganoon siya kalakas. Hindi basta nakakawala hangga't hindi mo nagagawa ng inuutos niya," napatingin ito sa bangkay ng lalaking nabaril niya.
"D*mn it. Mahirap ito, mahirap na silang kalaban ngayon."
Kaya ba gumalaw ng kusa ang katawan niya para barilin yung isang lalaki? Kaya ba siya napasunod agad? Marami pa sana siyang gustong itanong pero hinayaan na niya lang iyon. Mas importante ang kalagayan ni Pierre.
"Ok ka na?" Tanong niya nang sumandal ito sa isang dingding doon. Unti-unti na itong gumagaling. Yung nasa dibdib nitong sugat kanina, papasara na rin. Marahan niyang hinawakan ang parteng yon.
He hissed. Mukhang nasasaktan parin ito.
"Kaya mo pa ba?" Marahan niyang hinaplos ang mukha nito.
Ngumiti lang ito sa kanya. "Basta nandito ka, kaya ko."
Pakshet na yan. Hanggang dito ba naman nagpapatweetums! Pero, oo na. Kinikilig siya.
Naramdaman niyang may paparating. Agad niyang dinampot ang baril at itinutok doon.
"Rap-Rap!" sigaw nito sabay taas ng kamay na may hawak ding baril. "Ako to! Wag kang magpapaputok!"
"Pakshet! Diego!?"
Si Diego nga!
May napansing siyang kakaiba dito. "Ba't ka pumayat?!"
Mabilis siyang lumapit para yakapin ito. Payat na nga. Napang-aabot na niya ang kamay nang pumulupot ang braso niya sa bewang nito. Nararamdaman din niya ang tigas ng masel na nasasandalan niya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...