63: Down and Under

5.6K 172 31
                                    

It was the weirdest dream that she had.  Parang flashback ng mga alaala pero sa sigurado siyang hindi sa kanya ang mga iyon.

Nakita niya ang sarili niya doon. Noong bata pa siya habang nakasuot ng hospital gown. Kumakain siya ng cake at kalat-kalat na ang icing noon sa mukha niya.

"Rap-Rap. You're messy." Sabi ng may-ari ng alaala. Pinunasan pa nito nang kamay ang icing sa mukha niya. Namula ang pisngi niya pagtapos noon.

Marami pa siyang eksenang nakita. Parang mahabang pelikula lang na nadownload sa utak niya. Lahat karamihan nasa ospital siya. Mukha siyang masaya doon. Pero minsan, nakikita rin niyang nakatingin siya kawalan at tulala. Pero agad ding sumisigla pag tinatawag ng pangalan niya nang kung sino mang may-ari ng alaalang yon.

Weird talaga. Natatandaan niya yung hospital, doon sila dinala ng kuya niya matapos silang pasukin ng mga hunters. Pero di niya matandaan na nangyari yon.

"D-dito ka lang, please. Ayokong mag-isa." Dinig niyang sinabi niya minsan. Gabi noon at may bagyo.Natatakot siya. Sumunod naman angmay-ari ng alaala at sinamahan siya. Binantayan siya kahit sa pag-tulog.

Pero wala talaga, hindi niya matandaang sinabi niya iyon kahit kanino.

Kanino ba talaga ang alaala to?

"Rafaella.." Boses yon ng kapatid niya. Patay na nga siguro siya. Nasa langit na at kasama na niya ang Kuya Kiel niya.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Puti ang kisame ng langit. May magarbong chandelier pa sa taas noon. Malamig pa ang paligid at malambot ang kamang kinahihigaan niya.

Ang bongga naman langit nito, naisip niya

"Kuya."

Nakita niya itong nakaupo sa isang silyang malapit doon. Nag-aalala ang hitsura. Humaba na ang buhok nito at mukhang lumaki pa lalo ang katawan. Nakaitim itong tshirt at bakat na bakat ang mga muscles.

"Ok ka na?" marahang tanong nito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa noo niya. Maiinit ang mga kamay nito.

Wierd. Patay na sila diba? Dapat malamig na kung kaluluwa nalang.

"Sorry kung ngayon lang ako. Di sana nangyari ito," sabi nito sabay hinga ng malalim. "I thought, I'll lose you."

Malakas ang tibok ng puso nito, dinig na dinig niya. Pati ang paghinga at paglunok.

Doon siya napabalikwas nang bangon.

Buhay sila! Buhay siya! Pero pano nangyari yon?!

Tinamaan siya ng bala kanina.  Naramdaman pa niya ang sakit noon sa dibdib niya. Sigurado siyang mamatay na siya noon pero...

"Si Pierre?"

Nasaan na ang tukmol na yon? Ang alam niya natanggal pa niya ang silver collar noon sa leeg.

Nakita niya ang pagkunot ng noo ng Kuya niya. Galit ito. Mukhang alam na nito na ang lalaking matagal na nitong hinahanap at si Pierre ay iisa. Pero alam din kaya nito ang tungkol sa kanila?

"He turned you. You've changed." Sagot ng kapatid niya.

"Eh?"

Ilang segundo siyang natulala. Changed? Turned?

"Sinalin niya ang dugo niya sayo. Bampira ka na Raf."

Bumaba siya ng kama. Naghanap agad siya ng salamin. May nakita siya sa may dresser at doon sinipat ang sarili.

Namumutla siya pero para wala namang nagbago. Napansin niya na nakasuot na siya ng maluwag na pajama. Agad niyang kinapa ang dibdib. Wala siyang maramdamang sugat doon. Sinilip pa niya ang loob ng damit para makumpirma yon.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon