Napalabas si Raffy sa kwarto ng marinig ang malakas na ingay. Parang may sumabog.
Nilakasan niya ang pakiramdam. Baka sinusugod na sila ng mga kalaban.
Teka sandali. Sino nga ba ang kalaban? Mga bampira? Pakshet. Hanggang ngayon di parin niya naisisiksik sa utak niyang bampira na rin siya.
Wala naman siyang magagawa pa kundi tanggapin ang nangyari sa kanya. Ganoon ang buhay nilang mga hunters. It's either mamatay sila, o magiging tulad ng mga hinuhunt nilang mga bampira.
Tapos kapag naging bampira naman, sila naman ang huhuntingin ng mga kasamahan nila. Parang cycle lang.
Nahagip ng paningin niya ang Kuya Kiel niya. Papaakyat ito ng hagdan na parang may bitbit na kung ano sa balikat. Saka lang niya na napansing tao pala iyon.
"Kiel! Ibaba mo ako!" Dinig niyang sigaw nito.
Si Ate Raven pala.
Pumasok ang mga ito sa isa mga kwarto. Mukhang naglock na rin ng pinto.
Anong meron?
Mukha namang walang sumusugod na kalaban, kalmado pa ang mga katulong maliban sa mangilan-ngilang pabalik-balik na may dalang mga panlinis.
Bumaba siya ng hagdag para mag-usisa. Nanibago siya sa paligid dahil ilang araw na rin siyang di nakakalabas ng kwarto.
Isa pa, hindi siya makapaniwalang bahay ito ng kapatid niya.
Oo, nakita pa niya noong pinapatayo ito. Alam niya ring maraming pera ang kuya niya. Pero di naman niya akalaing ganto ito kayaman.
Parang palasyo sa laki. Ang mamahal ng mga gamit at furnitures, nakakatakot dumikit o hawakan. Pati ang paintings na nakasabit sa mga dingding galing sa mga kilalang painters. Yung malaking crystal chandelier na nakasabit sa pinakakisame ng sala, kung ilalagay sa condo niya, imposible yatang magkasya.
Tapos ang dami pang bantay. Mga bampira din na mukhang goons. Lahat nakashades at naka-armani kahit mainit. Pakiramdam niya, bahay ito ng isang tiwaling goverment official. O kaya mafia boss.
O kaya hari na nang--
"Rafaella? Is that you, six-four-eight?" Nagulat siya ng may tumawag sa kanya. Pamilyar ang boses na yon.
"Friedrich?!" Lumingon siya dito at napanganga. Si Friedrich nga!
Napatakbo siya sa lalaki at yumakap. Huling nagkita sila ay noong idi-nilever niya yung bangkay nung dating head ng Schwarze. Noong cli-naim ni Friedrich ang posisyong iyon. Hindi niya akalaing dito pa niya ito makikita uli.
"I miss you! What are doing he--"
Duguan ang noo nito. Punit ang suot nitong hawaiian shirt na nagmukha nang basahan dahil sa grasa. May mga galos din ang katawan na papagaling pa lang.
Napaatras siya at napatakip ng ilong. Nakakaamoy siya ng dugo. Bigla niyang naramdaman ang pagkulo ng sikmura. Kailangan niya talagang matutong magpigil, hindi pa talaga siya sanay sa katawan niya.
"What the hell happened to you?!"
"Ah, Mein Schatzi. Your sweet, about-to-be sister-in-law threw a motorcycle at me, a big one," sabi nito sabay ngisi. "Never pissed her off while she's pregnant."
So iyon yung nadinig niyang pagsabog. Yung Ducati ba ang inihagis? Pakshet, ang lakas pala ni Ate Raven, naisip niya.
"But why would she do that?"
Ngumisi lang uli ito. Pinunasan na nito ng kamay ang dugo sa noo. "Your brother probably told you about Yulia, my dear. She was here."
Napabilog nalang ang bibig niya. Pakshet. Kaya pala.
Nag-World War na pala, sayang at di niya napanood.
Naiintindihan naman niya. Kahit siya mismo, magwawala din kapag nalamang nasa pamamahay mo yung kabit ng mate niya.
"Did she left?" tanong niya.
Tumango ito.
Ay sayang. Wala na talaga pala siyang naabutan.
Pero nakakapanghinayang parin yung Ducati, naiisip niya.
"So, you're a vampire now Rafaella. You were turned by the prince," sabi nito. "And he marked you." Tinagilid pa nito ang ulo para masipat ang mark niya sa leeg.
"Ja..." ngumiti nalang uli siya ng pilit.
Pinaalala pa ang tukmol.
"Wie geht es deiner Frau?" tanong niya. Kinakamusta niya ang asawa nito. Bukambibig kasi ni Friedrich iyon nung nasa assylum pa sila at alam niyang nagkabalikan na ang dalawa. May usapan silang ipapakilala siya nito doon kaso naging busy na siya dahil sa paghahanap ng kapatid niya.
"Ah, ja... ja.. my Victoria. She lives here too. We all are. Sie werden sie bald treffen."
'You'll meet them soon.'
Eh? Parang nest lang? Kaya pala ang daming bantay sa paligid. "Where is she?"
"She went on an errand with that big black guy...sein Name ist mir entfallen." 'I forgot his name.'
"Dominic?" Yung malaking bartender na inutusan ni Pierre na magbantay sa kanya doon sa lumang bahay? Yung tinakasan niya?
"Ja. He's Victoria's assistant. I think I forgot to tell you that she's part of the Soliel Coven. Angelique's and Pierre's aunt actually."
Small world talaga. Magkakakilala pala sila. Hindi naman imposible yon, kakaunti nalang talaga ang bilang ng mga purebloods.
Nakarinig siya ng mga yabag na papunta sa kanila. Agad siyang hinila ni Friedrich at pinaharap sa paparating na iyon. Iniharang pa nito ang katawan niya na parang takot na takot.
"Hey! What the--"
"Anong nangyari?" tanong nang babaeng naka-puting damit. Matangkad ito, kulot-kulot pa ang mahaba at nakalugay nitong buhok.
Napanganga siya. Kamukha ito ni Mama Mary sa unang tingin. Maamo ang mukha saka...buntis?
"It's ok, Miss Isabelle. Just a simple lover's quarrel. Go back to your room, please...please.." Sambit ni Friedrich. Takot nga ito. Napadiin pa ang kapit nito sa balikat niya.
Nakakapagtaka naman, naiisip niya. Isa sa pinakamalakas na bampira si Friedrich na nakilala niya. Mabuti nga at naging kaibigan niya ito kung hindi--pakshet na--mahirap itong maging kalaban. Ilan nga sa mga kasamahan niyang hunters ang napatumba nito nang hindi man lang ito nagagalusan.
Pero bakit ito matatakot kay--teka, tama ba ang narinig niya? Ito si Isabelle? Ito yung babaeng minahal ni Pierre noon?
Pakshet!
Tumitig si Isabelle sa kanya na parang nagtataka.
"Miss, ok ka lang?"
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...