51: Collide

5.9K 188 43
                                    

Paikot-ikot si Raven sa kwarto na inihanda para sa kanila. Gabi na at wala pa rin si Kiel. Nag-aalala na siya. Alam niyang may nangyayaring di maganda at ayaw nitong ipaalam.

Inikot nalang niya ang tingin sa paligid. Maluwag ang kwarto. Yun nga lang, kama lang at isang bedside table ang laman. Mukhang tama ang butler kanina, hindi nga ang mga ito nakapagprepara ng maayos sa pagdating nila. Naririnig pa niya hanggang ngayon ang paikot-ikot at nagmamadali nilang mga yabag sa labas ng pinto.

Sa totoo lang, sila rin ay ay di preparado sa pag-alis nila sa Sanctuaire. Matapos nilang magbihis ng mas komportableng damit ay sinundo na sila ng helicopter papuntang airport sa Paris. Doon na sila sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Wala silang nadala kahit ano.

Napabuntong-hininga nalang siya. Kinuha niya ang isang manipis na jacket at sinuot. Kumuha na rin siya ng pocket money sa nag-iisang bag na nabitbit nila at lumabas ng kwarto.

Siguro ay pumunta si Kiel kina Vicky. Mas mabuti siguro na sumunod siya.

"Where are you going, My Queen?" tanong ng butler sa kanya ng naabutan siya nitong papalabas. Kausap nito kanina ang ilang maids doon at may inuutos na kung ano. "The King said--"

"Yes I know." Nag-utos nga pala si Kiel dito na wag siyang papalabasin. Mabilis siyang bumalik siya sa kwarto at sinara ang pinto. Mukhang kailangan na naman niyang takasan ang mga ito.

Tumingin siya sa balcony sa kwarto. Nasa third floor iyon at overlooking ang malawak na pool at ang garden. May mga nakabantay doon na security. Nakita pa siya ng isa at mukhang ni radyo ang ginagawa niya.

Kumunot ang noo niya. Preso ba ako dito?

Bumalik sa loob ng kwarto at naglakad-lakad uli. Di talaga siya mapakali. Bakit ba kailangan bantayan siya ng ganoon? Sigurado talagang may nililihim na naman si Kiel, naisip niya.

Napansin niyang ang nakasarang bintanang nahaharangan ng makapal na kurtina. Sa may likod na bahagi yon ng bahay nakatapat. Hinawi niya ang kurtina non at ini-slide para buksan..

Tama nga siya. Natatanaw niya mula roon ang taas nang pader ng kalapit na bahay. Napatingin siya sa baba at walang nakabantay sa bahaging iyon.

Bwumelo siya at maingaat na tumalon sa pader. Wala siyang ginawang ingay o kaluskos man lang. Bumaba siya sa kabilang pader at napansin niyang walang tao sa katabing bahay. Swerte, naisip niya. Isinuot niya ang hood ng jacket at dahan-dahang lumabas ng gate doon. Nakalabas narin siya ng subdivision ng walang nakakapansin sa kanya. Di niya tuloy napigilang mapangisi sa sarili.

Isa sa mga natutunan niya sa ilang buwang pagtatago ang mga pagtakas na tulad nito. Di niya akalaing magagamit parain pala niya ang skill na ito hanggang ngayon.

Huminga siya ng malalim ng makarating siya sa abangan ng sasakyan. Somehow she missed this.

Yung amoy ng pollution sa Pilipinas.

Napailing siya. Masama ito. Hindi niya dapat paglihiian ang mabahong usok ng mga sasakyan dito. Hindi healthy sa magiging anak nila.

Papara na sana siya ng taxi ng may biglang sumalubong sa kanyang magandang babae. Bampira din, nararamdaman niya. Halos kasing tangkad niya at kulay brown ang alon-alon nitong buhok. Nakacropped leather jacket at naka jeans. Nakaboots pa. Mukhang hindi tagarito, naisip niya. Masyadong maiinit ang Pilipinas para masuot ng gantong porma.

"Princess," nasambit nito nang parang gulat na gulat. Nakaawang pa ang bibig. "I mean, My Queen," yumuko ito sa kanya. Mabuti nalang at di masyadong napansin ng mga tao sa paligid.

"You know me?" tanong niya. Alerto parin siya. Alam niyang delikadong lugar ang Pilipinas ngayon. Baka isa din ito sa mga kalaban.

Bigla itong ngumisi. "I know your father very much," sabi nito. Mabilis siyang hinablot at niyakap. "Oh my shet! Ikaw nga! Parang nayayakap ko na rin uli si Julien ko!"

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon