8: Death Deal

9.6K 194 30
                                    

Whoa.

Ito nalang ang reaksyon ni Raffy ng makita ang laman ng email. Pictures, marami. Kay Diego galing, isa sa malalapit na kasamahan niya.

Pano kaya nakakuha nang pictures yung tukmol na yon? Ang astig.

Paradiso.

Yun yung nakasulat doon sa picture ng malaking gate pag scroll niya.

Hindi niya akalaing may ganito palang nest ang Valerius dito sa Pilipinas. Sa kabila ng pagkawasak ng mga dingding saka mga gamit, mukang di pangkaraniwan ganda ito.

Ang laki. Ang lawak. Maganda ang location at pagkakagawa.

Naunahan siya sa pagdiscover nito. Pero ok na rin. At least libre ang impormasyong binigay sa kanya ni Diegs.Patay na patay talaga sa kanya ang isang yun.

Wala na yung mga bangkay, karamihan abo na.

May balita ring namatay na ang iba. Sumabog ang private jet ng kasabay halos ng pagsugod dito.

Ubos na ang main family. One pregnant woman. One child. Dalawa pang babae tapos yung dalawang lalaki kasama yung head nila. May mga katulong pa na hindi na mabilang.

Look it up. Kailangan ko din ng impormasyon sa kanila kung sino yung kumuha sa mga bangkay. Sayang, pera din yun.

PS: Wala ka namang kliyente. Labas tayo minsan, treat ko.

Nagbugtong-hininga siya pagkabasa ng mensahe nito. Adik talaga yung tukmol na yon.

Pero grabe. Ilan ba talaga ang namatay? Lahat ba talaga naubos?

Ayon sa naalala niya at nabasa, may ganto rin na nangyari noon. Na annihilate ang isang buong Coven sa isang pagsugod lang.

Sangre-Real yung Coven pagkakatanda niya. Vampire line na direct sa Ancient Blood, mga original vampires. Yun ang huling gera ng mga bampira. Nineteen-fourteen pa noong nagsimula iyon, natapos lang kasabay ng pagtatapos ng World War 1.

Sinugod ng Schwarze Coven dahil inggit ang Sang-Real ayon sa pagkakatanda niya. Pero nang natalo ang Schwarze, nanahimik na ang mga ito at di na gumawa pa ng gulo ang natitirang mga myembro.

Dito kaya, ano kayang motibo ng mga sumugod sa Valerius? Nang mga pumatay sa kanila? Saka sino?

Isa pa naman sila sa pinakatahimik na Coven. Bihira lang gumawa ng gulo sa mga tao.

Mahirap kapag lumabas sa media ito.

Nadinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. Tapos nang maligo yung isa pang tukmol. Sumilip siya sa pinto habang nakaupo sa harap ng laptop. Napangiti siya.

Bagay naman pala dito yung tshirt lang. Mas simple. Bumagay yung silver collar nito sa leeg. Mukang choker lang na accessory.

Medyo bagsak ang buhok nito ngayon. Di na mukhang pineapple. Nakita niyang lumingon ito. Kumunot ang noo.

Napanguso siya.

Sungit naman, sa isip-isip niya. Parang ito ang may mens sa kanila.

Bumalik ang tingin niya sa laptop. Doon niya naalala ang isang detalye tungkol sa bihag niya.

Naging envoy nga pala ito sa Valerius. Medyo matagal din yun at malamang mga kilala niya ang mga ito.

"Um, Pierre," tawag niya. "Hoy," Di siya sanay na tawagin ito sa pangalan. "Lika dito. Tingnan mo to,"

Hindi ito sumunod. Nakatayo lang. Nakatitig lang sa kanya.

Yung period ko na naman. Umirap nalang siya. Tumayo na siya sa silya st lumayo.

Di niya alam kung anong magiging reaksyon nito. Magagalit ba? Diba inalipin ito ng ilang taon din?

"Baka gusto mo lang makita yung nangyari sa dati mong Coven na..."

"What?" tanong ni Pierre. Ang layo parin ayaw talaga siyang lapitan.

"Yung sa Valerius. Balita ng mga kasama ko naubos na sila. May sumugod sa nest nila. Para--"

Nabigla nalang siya at nasa harap na niya ito. Ang bilis parin ng kilos kahit na may silver collar? Parang di man lang nito iininda ang epekto noon. Nakita niyang may itim na guhit na itong lumalabas sa ugat.

"They're all dead. Sabi sa balita sumabog din yung private jet nila. Sayang, may buntis pa naman. Kahit na hunter ako, may awa din naman ako sa inosente ha."

Napatingin ito sa laptop niya. Nakita niya ang pag-igting ng banggang nito.

Mukhang galit. Galit na galit.

Lalo na nang nakalagay sa screen noon ay yung duguang na kwarto na may kalat kalat na damit na pang babae.

"Isabelle..." Dinig niyang bulong nito.

"Sinong Isabelle?"

Saglit itong lumingon sa tabi ng table. Andoon ang susi ng kotse niya.

Bigla nalang itong dinampot at dumiretso sa pinto. Hinatak iyon ng malakas kaya nasira saka tuloy-tuloy sa hallway.

Ay pakshet! Tatakas!

Di niya inasahan yon ha.

Mabilis niyang kinuha ang baril at sinundan ito. Nakita pa niya ang pag sakay nito ng elevator. Huli para makapasok pa siya.

Sh*t talaga.

Stairs.

Tumakbo na siya papunta doon.

Kailangan nyang magmadali. Kung di niya ito mauunahan, kailangang masundan niya.

Mahina si Pierre ngayon. Kayang patumbahin nang kahit na sino. Pag nakalayo ito at may pagala-galang ibang hunters, patay na.

Mabilis siyang nagpadausdos pababa sa railings ng hagdan. Nang makarating na siya malapit sa second floor ay tinalon na niya at na tumakbo sa parking area.

Sabi na nga ba. Mukang mangangarnap pa. Papapunta na ito sa kotse niya.

Itinutok niya ang baril at nagpaputok. Bumaon ang bala sa bandang taas ng likod ni Pierre. Sa may balikat.

"Halt!" sigaw niya ng tumakbo na siya papalapit. Kita pa niya ang pagbagsak nito sa semento.

G*gong to. Tatakasan pa ako.

"Sira ka rin," sabi niya dito ng makalapit. Bahagya siyang yumuko sa parang tingan ang damage na nagawa niya.

Nakahawak lang si Pierre sa leeg at nakangiwi sa sakit. Gumana yung command niya sa collar. Lalong dumami ang itim na linya nito sa balat. Lalo pa't may silver bullet ding nakabaon sa katawan nito.

"Gusto mo na bang mamatay?"

Tumihaya lang ito. Tapos ay humugot ng malalim na hininga. Tumitig sa kisame. Sa kawalan.

"Will you let me?" marahang tanong pa nito. "Pwede mo bang gawin yon?"

Suicidal pala ang isang to. Bakit? Ano bang meron sa Valerius? Sino ba kasi yung Isabelle na yon?

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. May silbi ka pa sakin." Sagot niya.

Ngumiti ito. Tapos tumawa.

Sira na talaga. Hindi naman ulo ang tinamaan niya.

"Pag wala na akong silbi gagawin mo?"

"Why not, kapag nakita ko na ang kapatid ko." Sagot niya. Mas mabuti pang sakyan nalang niya ang trip nito.

"It's a deal then?" tanong nito. Umupo ito ng dahan dahan. Tumulo ang dugo nito sa likod kung saan bumaon yung bala niya.

"Deal?"

Kinabahan siya. Mahirap kasing makipag deal sa mga bampira. Mahirap makawala. Tradisyon na nila yon, kailangan mo tuparin ang napagkasunduan niyo kung may masamang mangyayari sayo.

"Tutulungan kita. Kapag nakuha mo na ang gusto mo. Kapag nahanap mo na ang kapatid mo," dahan dahan itong tumayo.

"Kill me."

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon