AUTHOR'S NOTE:
Happy lang! Walang ending!
Bwahahahahaha. Walang kinalaman po ito sa book 3.
*Wink*
Twenty two years after the Second Vampire War.
Somewhere in Batangas, Philippines
2:35AM
"Blade, we're in position."
Dinig niya iyon mula sa communicator nila. Naaninag niya mula sa itaas ng isang lumang billboard ang isang kasama sa kabila ng malakas na ulan. Naghinintay naman sa kabilang lane ng kalsada ang sasakyang back-up nila.
"Copy, Bullet, Van. Ready." Sabi niya sa mga ito habang dinadama ang lamig ng panahong nanunoot na sa kanya.
A shipment. Ito ang target nila. Matagal lang natengga sa pier dahil sa truck ban pero ngayon ay nakalabas na.
Ayon sa impormasyon, may mahalagang bagay na laman ang container na inaabangan nila.
Shipment mula mismo sa Sanctuaire, ang main base ng mga bampirang hina-hunt nila. Mga royalty ang mga nakatira doon kaya lahat ng mga bagay na lumalabas sa lugar ay pinagkakainteresan ng tulad nilang mga hunters.
Espesyal ang isang ito. Sa pagkakaalam nila, maski mga matataas na opisyal ng Council ng mga iyon, hindi alam ang tungkol dito. It's a weapon or some sort, hindi nila sigurado kung anong hitsura.
Swerte nga nila dahil sila ang unang nakatunog.Papalapit na ang truck. Wala na halos dumadaan sa highway dahil sa lakas ng ulan kaya solong-solo nila ang daan.
Bumusina ito kahit malayo pa. Nakaharang siya sa dadaanan nito. Tumigil din ito nang papalapit na sa kanya.
"P*ta! Magpapakamatay yata!"
"Tanga pare! Nasiraan ata, tingnan mo may sasakyan sa gilid. Laman tyan din yan."
Napangisi siya sa narining.
C'mon get out of there. Mas mapapadali ang trabaho niya.
Lumapit ang lalaki sa kanya. Naamoy pa niya ang dugo mula sa damit nito.
Bampira. Mukhang biktima nito ang totoong driver ng truck na yon. Akala siguro maiisahan sila ng mga ito. Alam niyang di lang hunters na tulad nila ang may interes dito.
"Problema mo?"
Di siya umimik. Lumingon ito sa kasama at tumawa. "Tang-na. Utak ang nasira dito, may espada ta's nakatrench-coat pa!"
Ngumisi siya. Hindi na niya ito hinayaan pang lumingon sa kanya. Mabilis niyang binunot ang espada at pinuntirya ang leeg nito. Tumalbog pa sa basang semento ang pugot na ulo.
Umangil ang kasama nito at naglabas na ang pangil. Handa nang umatake sa kanya. Pero bago pa ito makaporma at bumagsak na ito sa lupa. May balang tumama sa ulo.
"Tss. Bullet, akin na yon."
"Sorry bro." Dinig niya din ang pagtawa nito sa communicator nila. Inangat niya ang tingin dito sa taas ng billboard at sineyasan ng gitnang daliri. Alam niyang nakita nito ang ginawa niya dahil lalong lumakas ang tawa.
"G*go ka."
"Oy, kayong magkapatid ha," dinig niyang saway ni Van sa kanila. Lumabas na ito ng sasakyan at nagpabasa na rin ng ulan.
"Sayang oras." Sambit pa ng babae at pumwesto na sa likod ng container. Mukhang sinisimulan nang buksan ang package nila. Dinig pa niya ang pagkutingting nito ng mga locks noon.
Bumaba ang tingin niya sa mga bangkay nasa lupa. Humahalo na sa semento ang mga dugo nito. Sinipa niya ang ulo ng isa papalayo sa katawan.
Napangiwi siya.
Ilang taon na siyang hunter. Dapat sanay na siya. Pero hindi parin siya mapakali kapag nakakakita at nakakaamoy ng dugo. Pakiramdam niya bumabaligtad ang sikmura niya.
"F*ck it. Negative!" Dinig niyang sambit ni Van mula sa likod. Nabuksan na nito locks
Tumakbo na siya para lapitan ito."Nagpakahirap tayo para dito?" Dinig niya ang panghihiyang nito.
Puro bloke ng sa tingin niya'y lumang damit ang nandoon. Walang importanteng laman.
Umiling si Van at lumayo. "Bullet, baba na dyan. Nang-hunt tayo ng ukay-ukay. Letse,"
Ilang araw nilang tri-nack ang container na ito. Saka mga bampira ang nagmamaneho ng truck. Imposible namang wala itong kinalaman sa misyon nila.
"Ano? Ihahanap kita ng size mo?! Brief?! Mag-isa ka!" Singal ni Van sa communicator. Mainit na ang dugo ng leader nila pero nagawa pang magbiro ng kapatid niya.
Sira-ulo talaga, naisip niya.
Tatalikod na sana nang may maramdaman siya. Parang nakakarinig din siya ng boses.
"Find me..."
Kumunot ang noo niya at bumalik ang paningin sa mga bloke ng mga damit.
May mali dito.
"D*mn." Inilabas niya ang espada at sinimulang hiwain ang mga ito.
"Hoy, Blade! Ano yan! Sayang maibebenta pa yan!"
Wala siyang paki-alam. Basta alam niyang may hinahanap siya. Kailangan niya itong matagpuan.
"Blade!" saway ni Van sa kanya. Habang inihahagis ang mga damit na iyon papalabas. "Ano bang problema mo--"
Natigilan din ito ng makita ang resulta ng paghahalungkat niya. May espasyo ang gitnang bahagi noon. At sa lapag noon, may natutulog.
Babae.
"Oh. I'll be damned," sambit ni Van na natulala din. "Bullet, may nakita si Blade." Sambit nito at lumayo sa kanya. Mukhang inihahanda na ang sasakyan.
Dahan-dahan niyang binuhat ang babae. Buhay ito pero nanghihina. Dahil siguro sa tagal nang pagkakakulong sa loob. Bata pa, sa tingin niya mas bata sa kanya nang ilang taon. Mahaba ang buhok nitong itim na itim.
Maganda. Parang manika.
"My prince..." ungot pa nito at sumiksik sa dibdib niya. Ang lambing ng boses. Nakaka--
"Sh*t." Napamura nalang siya sa biglang naramdaman. Parang pamilyar ang babaeng ito, naisip niya. Pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Dahan-dahan itong nag-angat ng ulo. Kita-kita niyang tumitig ang mga kulay violet nitong mga mata sa kanya nang magmulat.
"Finally..."Ngumiti ito nang matamis.
"You found me."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...