"Ty mne nuzhen, Kiel."
'I need you.'
Russian.
Ilang taon na rin nang natutunan niya ang lenguaheng iyon. He was eighteen then, bagito palang siyang hunter.
"Ostanovite eto. It's over, Yulia," sagot niya dito. "Go back to Sanctuaire."
Huminga nalang siya nang malalim nang marinig ang paghikbi nito. Nasa paanan pa nito ang mga maletang bitbit nang makarating dito sa Pilipinas. She was looking for him. Mabuti nalang at alerto si Vicky sa mga pumapasok na bampira sa bansa, sa airport pa lang ay na nakuha na nila at dinala sa Penthouse.
Napakapit nalang siya sa batok. Mukhang malaking problema ito.
Napatingin siya kay Vicky na nakatayo sa may pinto ng kwarto. Tahimik at nakataas lang ang kilay habang nanonood sa kanila. May iba pa dapat itong asikasuhin pero eto nga at iba ang iniintindi.
May umatake sa opisina nito kani-kanina lang. Mga Schwarze. Kaya ngayon, nag-aalala siyang madadagdagan na naman ang proproblemahin nila.
"Pwedeng lumabas ka muna habang nag-uusap kami," sabi niya kay Vicky.
Pinandilatan lang siya nito nga mga mata. This is her territory pero mas nakakataas parin siya. Kailangan nitong sumunod.
"I said, leave."
"As you wish, My KING." Mariing sambit ni Victoria. Nakita pa niya ang pagkuyom ng palad nito bago pabalibag na sinara ang pinto ng lumabas.
P*ta, mukhang malalagot siya sa babaeng yon mamaya, naiisip niya. Pero sana ay hindi ito magsumbong kay Raven kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya.
Mas lagot siya.
Bumaling nalang uli siya kay Yulia na nakatayo parin sa harap niya at patuloy parin ang pag-iyak.
Alam niyang walang itong ibang malalapitan sa ngayon. Wala na ang buong Coven nito. Nag-iisa nalang ito sa buhay.
Naawa siya. Awa na lang talaga.
Ilang taon na rin ng iwan niya ito, nang tapusin na niya ang relasyon niya dito. Bukod sa hindi naman talaga niya masabing mahal niya, magkaiba sila ng uri noon.
Noon. Kaya nga nito sigurong naisipang makipagbalikan sa kanya dahil bampira na din siya ngayon.
Aksidente silang nagkita sa Japan. Noong panahong hinahanap pa niya si Raven doon. Noong panahong malapit na siyang mawalan ng pag-asang makikita pa niya ito.
And Yulia was there. Kasalanan niya rin naman kung bakit ito umaasa ngayon sa kanya.
"Please. Will you stop crying,"
Nakayuko parin ito habang patuloy ang pag-iyak. "Why are you even here?" tanong niya.
"I came for you, lyubov moya," sambit nito sa kanya. Hilam na ng luha ang mga pisngi nito at namumugto na ang mga mata.
Hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi siya sanay magpa-iyak ng babae. Sa ibang aspeto ng pag-iyak, oo. Pero kasunod na noon ang pag-ungol at pagsigaw ng pangalan niya.
P*ta. Ano bang pumapasok sa utak ko?!
"This is not the safest place to stay right now, Yulia. I'll ask Erze to arrange your flight back to France."
Tumalikod siya pero naramdaman naman niya ang pagyakap nito. Pumulupot ang kamay nito sa dibdib niya.
"I was with you first.."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...