Hating-gabi na.
Nakahiga si Raffy sa kama habang hawak ang cellphone niya.
Kahit anong gawin niya, di niya macontact si Diego. Nakarating naman yung mga yon sa HQ nila sa Baguio. Nakapagmessage pa ito sa kanya. Pero ngayon, ni ha-ni ho wala na. Ilang linggo na.
Ano bang nangyari sa kanila ni Cat?
Naman. Gusto niyang pa naman may makausap ngayon. Nalilito siya.
Pero ano namang alam ni Diego sa love-love na yan? Wala ngang naging girlfriend yun simula nang nakilala niya yun.
"Nakakainis!" Napasabunot nalang siya sa sarili.
Napahawak siya sa leeg. Doon sa parteng kinagat siya ni Pierre. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwalang minarkahan siya ng tukmol na yon. Tapos nainlove pa sa kanya.
Bakit?
Oo nga't dati pa niya napapansin na iba ang level ng pag-alala nito sa kanya. Yung pag-aasikaso nang todo. Kahit na paminsan-minsan, minamanyak siya.
Di pala minsan. Palagi.
Hindi naman niya akalaing nagkakaroon na ng feelings yon. Akala niya likas na pagmanyak lang talaga yon. Tinatawag lang init ng katawan.
Pero hindi ba, mahal ni mahal ni Pierre si Isabelle? Pano kaya kapag nalaman nitong buhay pa ang babaeng yon?
Vampires can only love once.
Di na sila magmamahal uli once na nakita nila ang kapares nila. Kaya nga maraming nagpapakamatay na bampira kapag namatay na ang mate nila. Kaya nga nga diba gustong mamatay noon ni Pierre noong nalaman nito ang nangyari sa Paradiso?
Napakagat siya ang labi. Niloloko lang siya noon. Hindi totoong mahal siya nito. Wala lang sigurong itong mapagbigyan ng mark at siya ang napagdiskitahan ng tukmol.
Tumayo siya sa kama. Kailangang mapakalma ang sarili para makatulog na. Bukas siguro pwede na sila byumahe papaalis dito.
Hinalungkat niya ang bag. Sigurado siya na may naibaon siyang ilang stick ng sigarilyo.
"Pakshet." Napamura nalang siya sa naalala niya. Naiwan niya yung lighter na bigay ng kuya niya sa condo dahil sa pagmamadali niya
May yosi nga wala namang lighter. Letse!
Ibinato niya ang bag at nahulog isang bagay galing sa bulsa doon.
Yung pendant.
Agad niya itong pinulot. Humarap siya sa salamin at isinukat iyon.
"Hmm. Not bad." Sakto lang ang haba ng chain sa leeg niya. Bagay din sa kutis niya ang pagkaantique ng silver noon.
Silver? Weird, naisip niya. Bakit naman silver ang ginamit dito kung mga bampira ang gagamit.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng tugtog ng piano. Malungkot ang musika. Dahan-dahan siyang lumabas nang kwarto para sundan kung saan galing ang tunog.
Nakabukas ang ilaw ng isang kwarto sa hallway. Nakabukas din ang pinto. Pumasok siya dahan-dahan.
Si Pierre. Napabuntong-hininga siya ng makita ito. Siguro mas mabuti na kausapin niya ng masinsinan ito ngayon. Matagal-tagal pa siguro silang magsasama at di pwede ang pinaggagawa nito. May deal sila. Wala sa usapan ang nangyayari ngayon.
"Gabi na." Sabi niya dito.
Saglit itong tumigil at humarap sa kanya. "Sorry. Did I disturb you?"
"Hindi naman. Hindi pa naman ako tulog," sagot niya. Kumunot ang noo niya sa ayos nito. Wala na namang pang-itaas. Nananadya na yata. Kanina pa nagdidisplay ng muscles ang tukmol. "Di ka ba sisipunin niyan? Bukas pa yung mga bintana dito, malamig."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...