10: Into the Daylight

9.1K 180 12
                                    

Nagising si Raven na mag-isa nalang sa kwarto. Wala na ang posas mga kamay, at kahit papaano, may lakas na siya. Maayos lang na nakapatong sa kanya ang comforter pero wala parin siyang damit na suot.

D*mmit Kiel. 

Huminga nalang siya ng malalim

Wala naman siyang naramdamang kakaiba sa katawan. Sigurado siyang walang ginawa ang hunter na yon sa kanya.

Umaga na. Nakikita niya ang liwanag sa siwang ng kurtina.

Dahan-dahan siyang tumayo sa kama at naglakad sa banyo para maligo.

Kailangan niya yon. Kailangan mawala sa sistema ang kahit anong markang iniwan ni Kiel sa kanya. Hanggang ngayon ramdam na ramdam parin niya ang lahat ng nangyari kagabi.

Pero mukhang kahit anong kuskos niya sa katawan, wala ring silbi. Nararamdaman pa niya ang mga halik nito sa kanya, ang maiinit na haplos ng kamay nito.

Napapikit siya ng mariin at hinayan nalang ang napakalamig na tubig na dumaloy sa katawan niya.

Kailangan niyang magising. Kung masamang panaginip ito, kailangan niya talagang magising.

Bakit ba kailangan nitong mabuhay? Bakit ba ito kailangang bumalik para ipaalala ang lahat?

Sh*t talaga.

Kailangan siyang umisip ng paraan para makaalis dito.

Kinuha niya ang robe matapos maligo at lumabas ng banyo. Nagulat nalang siya ng bumukas ang pinto ng kwarto. Mahina na talaga ang senses niya.

Mukhang isa sa mga staff ng hotel. May dala itong isang rack ng damit. Nagulat pa nga ito ng makita siyang gising. Napayuko ito sa kanya at nagpaumanhin.

"Who sent it?"

Hindi ito sumagot. Mukhang hindi siya naintindihan.

Ah. Nevermind.

Magkasize sila. Magkasing haba din ng buhok. May ideya na tumakbo sa utak nya

"Hey." Pumitik siya at umangat ng tingin ang babae.

Good.

Tinitigan niya ang mga mata nito. Agad namang bumagsak ang babae sa paanan niya.

Napangiti siya. Sa pagtatago niya, unti-unti niyang pinalakas ang psych niya. Nagagamit na niya ito ng maayos. Tulad nito. Madali siyang nakakapagtulog sa isang titig lang. Malaking tulong para maitago ang presenya niya sa mga tao.

Ang di niyang maintindihan ay kung bakit madali itong nagawa ni Kiel sa kanya kagabi. True blood siya. Hindi dapat siya basta+basta tinatablan ng psych noon.

At wala ito dapat na kakayahang bigyan siya ng mark.

Umiling nalang siya. Walang ng panahon para mag-isip pa. Agad niyang binitbit ang babae sa kama. Tinanggal niya ang uniporme nito at kinumutan.

Pinigilan niya ang sariling kagatin ito. Hindi pwede. Gagawin niyang pain ang babae para makatakas siya. It could give her enough time, mapagkakamalan siya ang natutulog sa kama. Mahahalata nga lang agad kapag may kagat ito. Maaamoy agad ang dugo.

Konting tiis.

Isinuot niya ang damit. Medyo masikip sa bandang dibdib ang blouse babae kaya di nalang niya binutones ang ilang butones doon. Kinuha niya rin ang net nito sa buhok. Inayos niya ang lahat sa kwarto saka lumabas na ng pinto.

Hindi siya papayag na mahuli nalang ng basta-basta.

****

MADALI SIYANG nakalabas ng hotel na di siya na napapnsin. Nasanay na siya sa pagtatago at pagtakas, hindi na iyon bago sa kanya.

Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy kahit maliwanag ang araw. Sh*t. Dapat pala ay nagdala siya ng kahit coat man lang. Ang nipis pala ng unipormeng suot. Bukod pa doon sa parteng di niya maibutones. Nanginginig tuloy siyang naglakad sa kalsada habang nakaharang sa dibdib ang isang braso.

Nasa gitna na siya ng Tokyo. Wala pala siyang ni isang kusing na dala. Huminga siya ng malalim at humalo sa maraming tao. Mukang rush hour na at marami nang papasok sa mga trabaho. Naglakad  na din siya ng mabilis. Sinundan niya lang ang agos ng mga ito. Kailangan niya lang makalayo.

Maya maya pa naramdaman na niya ang pagkalam ng sikmura. Ang pagkauhaw. Kailangan na niya ng dugo.

Sh*t. Problema ito. Idagdag pa ang mataas ang araw. Parang hinihigop nito ang natitirang lakas niya.

Kahit maraming tao sa paligid, mahihirapan siyang makakuha ng biktima ngayon. Dirediretso nalang siya. Wala rin siyang magagawa kung tutunganga.

Unti-unti na rin siyang nakakaramdam na siya nang panghihina. Kailangan niya muna ng masisilungan bago maghintay nang gabi. Lumiko siya sa isang eskinita, sa tabi ng isa mga matataas na building.

Tago ang lugar. Walang makakikita sa kanya. Mabuti at malilim din. Naupo muna siya sa isang tabi.

Kauting tiis muna, paalala niya sa sarili. Kailangan niya munang magapahinga sa saglit.

"Sh*t." Mahina siyang napamura ng maramdaman ng presensya sa paligid.

Tao. Apat.

Napatayo siya sa kinaupuan.

Gang? Yakuza?

D*mmit. Mukhang hindi pangkaraniwang Yakuza.

Hunters. Nasundan siya.

Hindi na siya tumakbo. Para saan pa, napapalibutan na siya ng mga ito.

Kitang-kita niyang papalapit ang isang lalaki sa kanya.

"You come wi us." Sabi nito sa kanya sa matigas na accent.

Bakit ganoon ang kilos ng mga ito? Parang kakaiba. Mga lasing ba?

Nakashades. Katulad din ng mga kasama. Pero kitang kita pa rin niya ang tattoo nito sa kamay.

May mga dalang armas ito. Bukod pa amoy ng pulbura ng mga baril, may mahahabang katana itong bitbit.

Sh*t. Silver.

"Kiite imasen ka?" tanong ng isa.

Nadinig mo ba akoYun yata ang tinanong sa kanya. Ilang buwan palang siya dito. Hindi pa siya masyadong bihasa sa lenguwahe nila.

Di siya nagsalita. Pinag-aralan niya lang and paligid. Kung anong hakbang ang gagawin niya. Dalawa sa kanila ang may baril. Delikado to kung silver din ang bala ng mga yon.

Bahala na.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon