"Rafaela..."
Nagulat nalang tawagin siya ni Pierre. Halos malaglag siya sa kamang kinauupuan nila. Pero salamat naman at natandaan na nito na hindi Elle ang pangalan niya.
Saglit siyang tumigil sa paglalagay ng benda sa likod nito. Nabunot na niya ang bala at nalinis na rin niya ang sugat. Mukang gumagaling na ang tinamaan niya.
Ang galing, hindi man lang umaray. Seryoso lang na nakatitig sa kawalan.
Ano kayang nangyari? Natuluyan na yata. Mukhang kailangan nang maipasok ito sa Assylum.
"Rafaela." Ulit pa nito.
"Yes?" tanong niya. Ok na sana, kaso buong pangalan talaga? "Pwede bang Raffy nalang."
Dinig pa nya ang paghinga nito ng malalim. "Do we have deal?"
Umismid siya. Di pa nga pala siya umuoo. Mas inuna niya kasing maiiakyat ito sa unit niya na walang nag-uusisa. Buti nalang at nabuhusan niya agad ng bleach ang pinagbagsakan nito at nalinis agad ang dugo. Buti nalang talaga at may supplies siya sa kotse.
Ito din ang kinaganda ng mga bagong tayo palang na condo. Bukod sa di pa naiinstall ang mga CTV, konti palang ang mga kapitbahay kaya kaunti lang ang aalahanin niya.
"Alright," sagot niya dito.
Sabagay wala namang mawawala sa kanya sa deal na yun. Pabor pa nga eh.
"Pag-iisipan ko," sabi niya. Itinuloy nalang niya ang paglalagay ng dressing sa sugat nito. "Wag mo lang akong tatakasan uli, baka mapaaga ang gusto mong mangyari."
Nakita niya ang pagngiti nito. Pero sa kabila noon, kitang kita niya sa mata nito ang lungkot. Naging close siguro sila noong Valerius. Lungkut-lungkutan ang peg ng mamang manyak.
Huminga nalang siya ng malalim at tinapos na ang pagbenda. "Sino si Isabelle? Alam mo, pamilyar yung pangalan nun."
Humugot ito ng mahabang paghinga. Seryoso parin ang mukha. Malayo sa persona nitong ipinakita sa kanya kanina-kanina lang. Walang bahid ng kamanyakan. Sa totoo lang, nakakaawang tingnan. Parang batang pinagdamutan ng kendi.
"My reason." Mahinang sabi nito sa kanya.
Reason? Anong klaseng reason.
Naalala na niya, nabanggit ito ng Kuya Kiel niya. Isabelle yung pangalan ng bestfriend ni Ate Raven na sinubukan nilang hanapin. Nakidnap daw kasi ng isang bampira. Inabangan pa nga nila sa isang lumang hotel noon na kuta din ng Valerius pero wala naman silang naabutan. Nasabi sa kanya na posibleng alam ni Pierre kung nasaan ito dahil tinulungan itong tumakas dati.
Wait. Di ba Isabelle din ang pangalan ng bagong mate ng head ng Valerius? Iisa lang ba yon?
Oh.
Napagtagpi-tagpi na niya kahit magulo. So si Isabelle na to, nainlove na doon sa lalaking kuminidnap sa kanya. Tapos itong si Pierre naman--
"So mahal mo yung Isabelle," sabi niya dito habang nililigpit na ang mga ginamit niyang panlinis ng sugat. "Ang saklap naman, mas pinili niya yung--"
"Shut up." Tumingala ito ng nakapikit, marahang sinuklay ang mamasa masa pang buhok.
That confirms it.
Kaya pala. Na broken hearted. Tapos eto pa ang nangyari doon sa babae. Kaya pala suicidal.
Gets niya na.
"Three days na nangyari yon. Wala ka nang magagawa kahit balikan mo pa sila," sabi niya dito.
Umupo na ito ng maayos. Namula-mula ang gilid ng mga mata. Halatang gustong umiyak. Nakakaawa talaga.
Napanguso siya. Bakit ba parang mas maappeal sa kanya ang nag eemote na lalaki? Mahabagin ba talaga ang puso niya?
Huminga uli siya ng malalim. "Tulungan mo din akong alamin kung sino ang mga pumatay sa kanila."
Kumunot ang noo nito at nagmulat ng mata. Tumingin sa kanya. "Why?"
"Anong why? Ayaw mo ba? Hindi mo ba gustong managot ang may gawa non?"
"Why do you want to do it?" Tanong nito uli.
"Malamang may kinalaman ang iba sa samin. Puro gunshots ang mga dingding. May mga pagsabog din. Imposible namang mga kauri niyo din ang mga gumawa noon."
"I don't get it." Sabi pa nito.
"Hunter's Code. Live and let live. Kung wala namang ginagawang masama, wala namang sinasaktang tao, hinahayaan lang namin," paliwanag niya.
"Hindi namin pwedeng sugurin ng basta basta ang isang Nest kung trip lang namin. May malaking rason dapat. At ni katiting wala akong makita para gawin yon sa Valeruis. Unless... May kalaban bang ibang Coven sila?"
Baka naman kasi napag-utusan lang ang mga kasamahan nila. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon eh, karamihan sa kanila nag aapply ng maging goons ng mga Vampire Covens. Nilulunok na ang pride para sa pera.
Umiling ito.
"Mukhang mahirap," sabi niya. "Ganto nalang ha,"
"Tutulungan mo akong hanapin ang kuya ko. Tutulungan kitang hanapin ang may gawa noon sa kanila. Para quits."
Tumingin lang ito sa kanya ng diretso. Kinilabutan siya bigla. May kung anong laman ang titig na yon na di niya mabasa.
Unti unti itong umusog sa kama at lumapit sa kanya.
Pakshet. Wala nga pala itong pangtaas. Ramdam na ramdam niya ang init na galing sa katawan nito.
Ew. May period siya. Super gutom na ba? Ew.
Ew..
Ew...
"P-Pierre?" ito nalang ang nasabi niya ng kinuha nito ang kamay at marahan hinalikan ang palad. Nakapikit pa ito.
"Would you do that for me?" Kinilabutan siya sa paraan ng pagkakasabi nito. Di niya maipaliwanag.
"Would you end--"
Mabilis niyang binawi ang kamay at umiwas ng tingin.
Pakshet na yan, bakit ba nito kailangang gawin yon? Ang init tuloy ng pisngi niya.
Saka bakit kailangan siya pa ang gumawa? Pwede namang magsuicide nalang ito mag isa.
Bahala na, sige na nga.
"Gagawin ko na rin yang request mo," sabi niya dito. "Deal?"
"Deal."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...