77: Thoughtless

6.5K 178 37
                                    

AN: Dapat nakaprivate ito but since di ako makagamit ng pc at mobile lang ang pwede, hindi ko magawa. Sa susunod nalang siguro. Kaya din po matagal ang update. Sorry sa mga maghihintay. But anyway...

WARNING: SPG

"Wake up, Elle."

Napamulat si Raffy sa bahagyang pagtapik sa kanya ni Pierre. Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya. Masyadong intense ang nangyari kaninang pag-rescue nila kay Alejandro kaya siya tinablan ng pagod.

"Saan na tayo?" Tanong niya sabay hikab at kusot ng mga mata. Madilim doon pero malinaw niyang naaninag ang paligid. Iba na talaga kapag bampira na.

Sa parking lot, sa building condo niya.

"It's just for tonight. Kailangan din nating makaalis kaagad dito."

"Bakit nga dito?"

"Alam nila Sofia ang bahay ko. Malamang hinahanap na nila ako doon." Sagot namn nito sa kanya bago bumaba ng kotse.

Kumunot ang noo niya nang husto. Naalala niyang may binanggit ding Sofia yung lalaking puti ang buhok na kambal killer.

Bakit naman nila hahanapin si Pierre? Dahil sa pagpapatakas nito kay Alejandro?

Pero sa bagay, mas ok na dito. Kung magho-hotel naman sila, madali naman silang makikita ng Kuya Kiel niya. Maraming network yon doon, mahirap na.

Nadinig ang pagbukas ng pinto sa tabi niya. Nakita niyang nakalahad na ang kamay nito para alalayan siyang bumababa. "Wow, gentleman ha."

"I'm always gentle." Ngisi nito sabay kindat. May kinuha ito sa backseat at isinukbit sa balikat. Tapos noon ay sabay na silang papunta sa elevator.

"Oh, anong laman niyan?"

"Emergency meal, mon amour." Sagot nito.

Bloodbags malamang. Ngumiti siya. "Gentleman na, boyscout pa. Nag-i-improve ha."

Ngumisi lang uli ito. Maya-maya pa ay hinawakan nito ang kamay niya at tumunog na ang elevator. "Let's go."

Ngumiti siya at tumango. Nakakahiya mang isipin peron kinain rin pala niya ang lahat na masasakit na salitang sinabi dito. Ngayon, parang walang nangyari. Hindi nga lang niya alam kung hanggang saan tatagal ito.

Si Pierre na ang nagbukas ng pinto ng unit niya. Di na siya nagtaka, naiwan niya ang ilang gamit sa bahay nito, pati yung susi ng condo niya.

Ano kaya ang nangyari kung hinintay niya ito at hinayaang magpaliwanag? Hindi siguro lalaki ang gulo nang ganito.

"You should feed, Elle. Alam kong gutom ka na." Paalala ni Pierre sa kanya pagkapasok sa loob. Maalikabok na dahil matagal na rin siyang di nakakauwi.

"Di ba mas kailangan mo?"

Lumapit siya at tiningnan niya ang ayos nito. Duguan ang pang-itaas at maraming punit ang suot. Pero wala na siyang makitang sugat dito. Maski pasa wala na rin.

Pinadaan niya ang kamay sa balikat nito. Hindi na rin ito nasasaktan. "Sinalo mo pa yung bala kanina. Mahilig ka talagang magpabaril no?"

"Elle, hindi ko hahayaang masaktan ka. Kahit ilang bala pa ang saluhin, wag lang maulit ang nangyari noon," sabi nito. Kinuha nito ang kamay niya at marahang hinalikan. "You have no idea how scared I am. Akala ko mawawala ka na sakin."

Yung mga alaala niya. Minsan na nga siyang nawala dito.

Ang ganda nga lang nang timing noon, naiisip niya. Sa gitna pa talaga ng gulo. Na trigger siguro ng sobrang pag-aalala niya. Idagdag pa na nakainom siya ng dugo nito. Bakit di pa kasi naalog ang ulo niya nang mas maaga?

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon