40. All His

6.7K 192 35
                                    

Nagising si Pierre sa sofa. Nakakumot siya pero wala na ang t-shirt na suot niya kagabi.

"F*ck." Napamura nalang siya nang subukan niyang tumayo. Ramdam parin niya ang sakit galing sa balang tumama sa likod. Buti at nakayanan pa niyang madala si Elle dito nang maayos. Delikado ang ginawa niya sa totoo lang. Pwede silang maaksidente sa daan kung tutuusin pero mas maiigi na dito sila magpalipas ng gabi. Alam niyang mas safe sila sa teritoryo niya.

Napahawak siya sa silver collar. Nasa kanya parin, nakasuot parin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya pumayag kagabing alisin iyon sa leeg.

Siguro ay hindi pa siya handa mawala iyon. Alam niyang kapag nawala sa leeg niya ang collar, hindi na siya uli pa makakaramdam ng ganoong klaseng sakit.

D*mn, bakit nga ba ganoon?

Masokista na yata siya.

"Elle." Tawag niya. Wala ang babae sa paligid. Umupo na siya nang diretso at nakita niya ang malaking backpack nito sa isa sa mga upuan.

Nandito pa siya.

"Please, Chua. I need your help now. Urgent to. Hindi ko parin macontact si Diego." Dinig niyang sabi ni Elle. Mukhang may kausap ito sa cellphone. Naglalakad na ito papalapit sa kanya galing sa kusina. Maluwag na tshirt at maikling shorts lang ang suot. Mukhang pambahay lang ang nadala nitong damit.

Kahit ano pa yatang isuot ni Elle, ganoon parin ang epekto sa kanya.

"Hey."

Nakuha niya ang atensyon nito. Napangiti siya. Ngumiti rin ito pero bumalik ang atensyon sa kausap sa kabilang linya. Boses lalaki ang naririnig niya kaya napakunot siya ng noo.

"Yes, I know you're retired. Please lang pakiayos yung naiwan ko doon. Magbabayad ako," sambit ni Elle.

May bandage ang braso nito. Napatingin din siya sa leeg nito kung saan bumaon ang mga pangil niya.

"Should I tell her?" he thought. Wag nalang muna.

Alam niyang mali ang ginawa niya pero huli na para pigilan pa ang sarili. Masyadong malakas ang hatak ng dugo nito.

Bahala na.

"Alright, five hundred. Ipapawire ko nalang kay Diego kapag na contact ko na." Pinutol na nito ang tawag at lumapit. Umupo ito sa tabi niya. "Ok ka na?"

"I'm alright."

Pinadaan nito ang kamay sa dibdib niya. Parang may ilang libong boltaheng ang dulot noon sa balat. Humugot nalang siya ng malalim na hininga para mapigilan ang ang sarili gawin ang naiiisip.

"Hindi ka pa yata ayos eh. Parang nilalagnat ka. Ang init mo," sabi Elle. Hiniwakan pa nito ang noo niya. Pati ang leeg. Napatitig nalang siya sa maamong mukha nito.

"Nagkakasakit din pala kayo. Akala ko immune kayo sa ganoon." Sabi pa nito sa kanya.

"I'm alright. It's just--" hinawi niya ang kamay nito at umiwas ng tingin. "Just don't touch me." Baka di ko mapigilan ang sarili ko.

"Sungit naman." Ngumuso si Elle sa kanya.

D*mn, don't pout like that. Don't make me kiss you.

Tumayo na ito lumayo. Pumunta ito sa upuan kung saan nandoon ang bag nito. Mukhang mag-aayos ng gamit sa loob noon.

"Who's that guy? Yung kausap mo?" tanong niya.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon