66: Unrequited

5.5K 180 48
                                    

"That bastard! Hindi talaga niya ako papalabasin dito, Ish."

Padabog na bumalik si Raven sa kama mula sa bintana. Sinilip niya iyon. Bantay-sarado ang lahat ng pwede niyang labasan. Mukhang wala talaga siyang lulusutan ngayon. Hindi siya makakatakas.

"Nag-aalala lang sayo ang asawa mo, Rave. Delikado kung lalabas ka."

"He's not my husband." She corrected.
Umupo siya sa kama. Kumuha siya ng unan doon at nilamukos sa sobrang inis.

"Oo na," umirap si Isabelle sa kanya. "Yung 'mate' mo," diniinan pa talaga nito ang salitang mate.

"Di ba ganoon din yon? Magkakababy na nga rin kayo diba?"

Bumuntong-hininga nalang siya nang umupo na rin si Isabelle sa kama. Ito lang kasi ang pinayagan niyang pumasok sa kwartong tinutuluyan niya. Maski si Vicky at Fritz ayaw niyang kausapin dahil malamang si Kiel ang kakampihan nang mga yon. Si Raffy naman—hindi pa niya ito makausap, hindi pa niya alam ang sasabihin niya matapos ang bagong kalokohang ginawa ng kapatid niya. Isa pa, hindi pa ito masyadong nakakapag-adjust sa pagiging bampira.

"Sabi ni Vicky twins daw ah, nakakatuwa naman," sabi ni Ish sa kanya habang nakangiti at kinikilig. "Akin yung isa ha, yung babae para may mate na agad ang baby ko. Basta walang batik."

Nanlaki nalang ang mga mata niya. "Oy, anong akala mo sa mga anak ko? Tuta?!"

Hindi niya alam kung naalog ba ang utak ng kaibigan niya sa pag-atake sa Valerius. Minsan nga, nahuhuli niya ito na parang may kausap mag-isa.

Ano bang ipinapakin dito ni Alejandro dati?

"Joke lang. Ito naman kasi. Hindi ka pwede ma-stress Rave. Dapat good-vives lang lagi para healty ang mga baby."

"Paano ako di ma-istress, Ish. May nabuntis na iba si Kiel!"

Ngumuso si Isabelle at inagaw ang unan sa kanya. "Kawawa ang unan. Patay na oh."

Wasak na nga yon. Kalat na nga mga piraso ng foam sa sahig at punit-punit ang cover. Napailing nalang siya.

"I hate him. Sandali lang akong nawala noon pero tapos may Yulia na agad siya."

Naikwento na niya kay Isabelle ang mga nangyari. Alam na nito ang lahat. Yung pagsabog nang cruise ship pati na ang pagtatago niya ng ilang buwan sa Hongkong at Japan. Maski yung nangyari sa Sanctuaire nasabi na niya.

"Kasalanan ko nga na nagtago ako noon. Yun yung panahon na magkasama sila ng malanding babaeng yon. Yung akala ng lahat, patay na ako. Pero sh*t lang Ish, ang sakit parin."

"Ba't di kaya kayo mag-usap? Nasa isang bubong lang kayo," ani Isabelle sa kanya. Nakita niya ang paghinga ng malalim ni Isabelle. "Maswerte ka nga at nasa tabi mo lang ang mate mo."

Natamaan siya. Dapat pala, di siya dito nag oopen up, mas malaki ang problema nito sa kanya.

"Ish, sorry. Hindi ko lang alam ang gagawin ko. Ayoko siyang harapin, galit na galit ako sa ginawa niya."

"Pero mahal mo parin ba siya?" Tanong nito.

Di siya makasagot. Mahal parin niya si Kiel, hindi naman nawala iyon. Kaya nga siya sobrang nasasaktan ng ganito.

Ngumiti si Isabelle at hinawakan ang mga kamay niya. "Wala namang perfect na lalaki. Kahit na eight packs pa ang abs nila, kahit sing tigas pa yon ng bato, kahit nakakahulog panty pa ang kagwapuhan ng mga yan, nakakagawa parin sila ng mali. Minsan, ang sarap nang batukan sa pagkagago nila pero ganoon talaga... love rules daw eh," sabi nito sabay tawa. Natawa narin tuloy siya.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon