Sorry. I'm sorry.
It was my fault.
Alam kong hindi mo ako mapapatawad.
Unti-unting nagmulat ng mata si Raffy. Nakatulog na pala siya.
Inangat niya ang ulo mula sa pagkakatungo sa desk. Nakastand-by parin ang laptop niya at nagkalat ang files sa lamesa.
Paksh*t. Ilang oras ba ako nakatulog?
Dapat sana ay magtratrabaho siya pero hinila na siya ng antok.
At ano bang panaginip yon? Parang hanggang ngayon nasa utak parin niya ang boses na nagso-sorry sa kanya.
Boses lang. Wala siyang maalala sa mukha ng nagsasalita.
Paksh*t, baka kuya niya. Minumulto na yata siya ng kapatid niya sa panaginip.
"Kuya, ipapagtitirik nalang kita ng kandila sa Quiapo bukas."
Bakit naman mag sosorry ang kuya niya sa kanya? Wala namang atraso yon bago mawala. Saka malinaw naman ang usapan nila noon. Walang malulungkot pag nawala ang isa sa kanila. Kasama yon sa trabaho. Kasama sa mundo nila.
Weird. Di kaya ala-ala yon? Yung parteng nawala sa utak niya?
Uminat siya at may naramdamang kumot sa balikat. Nahulog iyon sa upuan.
Sino naman naglagay nito?
Doon niya naalala may mga kasama nga pala siya sa bahay.
Hala!
Napatayo siya at napatakbo papalabas. Yung manyak-slash-muntik-nang-rapist na tukmol baka nirere--
"Good Morning." Bati ni Pierre sa kanya ng makita niya ito sa kusina.
Paksh*t na bati yan. Parang walang nangyari kagabi.
Walang itong pangtaas pero nakapink na apron. Nagluluto. Nagkangisi pa sa kanya habang hawak nito ang isang spatula.
Napatingin siya sa kwarto kung nasaan si Cat. Sarado parin. Walang bahid na piniwersang binuksan. Alam niya ni-lock niya iyon mula sa loob pagkalabas niya doon kagabi. Nasa bulsa pa niya ang susi.
"You have nothing to worry about," dinig niyang sabi ni Pierre. "Wala akong balak gawin yang nasa isip mo."
Napanguso siya. Naninigurado lang naman. "Anong ginagawa mo?"
"Breakfast," sagot naman nito. "Nakatulog ka na sa desk mo kanina kaya kinumutan kita. Work?"
"Sort of," sagot niya. Yung tukmol pala ang naglagay noon.
Pero bakit? Nasapian ng pagkamabait?
Napatigin siya sa wall clock. Ala-siete palang pala ng umaga.
Napansin din niyang hindi pa pala siya nakakapagbihis simula kahapon. Suot parin niya yung damit niya noong pumunta sila sa ospital. Inamoy niya ang sarili, mukhang maasim na siya. Nakakailang tuloy. Baka mabahuan na naman si Pierre.
"Tuloy mo lang yan. Maliligo lang ako." Sabay balik uli ng kwarto.
Sinigurado niyang nakalock ang pinto niya bago pumasok sa banyo at naligo. Pagtapos noon mabilis na siyang nagbihis. Shorts lang at oversized na tshirt. Pinusod nalang niya ang basa-basa pang buhok. Wala naman siyang balak puntahan ngayong araw kaya nakapambahay lang siya.
Nag-aayos na ng lamesa si Pierre nanig makabalik siya sa kusina. Mukhang marami itong nailuto.
Pancakes. Bacon. Sunny side up eggs. May fries at french toast. May brewed coffee pa. Kumalam ang sikmura niya. Di nga pala siya nakakain buong araw kahapon.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...