"Walang may batik sa kanila ano? Buti nalang."
Napangiwi si Raven sa sinabing iyon ni Isabelle. "Hindi sila tuta, ano ba?!"
Tumawa lang ang kaibigan at naupo sa bench sa tabi niya. Ngumiti ito habang pinagmamasdan ang mga anak nilang naglalaro sa playground.
"Hindi ka ba naiinitan?" Tanong niya. Malapit nang magtanghali. Naka-sleeveless pa ito. Hanggang ngayon nag-aalala parin siyang masunog ito kapag lumalabas ng ganitong oras.
Umiling ito at ngumiti. "Sabi ni Luna, permanente na daw to," itinaas pa nito ang braso para lalong masinagan ng araw. "Kaso di parin ako makakakain. Kaya kapag nagluluto ako para kay Al saka kay bunso, laging sablay. Di ko kasi matikman."
"Kahit naman noon sablay talaga ang luto mo." Bulong niya.
Bigla nalang niyang naramdaman ang pagpalo nito sa braso. "To talaga, parang di kita friend. Wala kang ka-support-support."
Tumawa nalang siya kahit masakit ang ginawa nito. Hanggang ngayon hindi parin nito kontrolado ang lakas ng pagiging bampira kahit ilang taon na. Kung sabagay, sandaling oras lang naman iyon para sa kanila.
Maya-maya pa ay tumahimik siya at bumuntong-hininga. Bumalik ang mga mata niya sa mga anak. Ang mga matitinis na halakhakan nalang mga ito ang naririnig nila.
"Ang bilis lumaki ng mga bata, parang kailan lang." Sabi ni Isabelle na bumasag ng katahimikan.
"Oo nga." Sagot niya dito. Naghahabulan ang mga ito kasama ang anak na lalaki ni Isabelle.
It's been exactly four years. Tandang-tanda niya ang gabing iyon. Ramdam parin niya ang sakit ng pagkawala nito hanggang ngayon.
"Kung makikita ka niya ngayon, magiging masaya siya. Mahal na mahal ka niya."
Ngumiti siya. Oo, alam niya.
"Isabelle." Dinig niya ang pagtawag sa kaibigan niya. Di na niya kailangan lingunin, alam niyang si Alejandro yon.
"Hay, ayan na ang sundo namin," sambit ni Isabelle. "Rafael! Lika na, tawag na tayo ni Daddy."
Tumigil ang batang lalaki sa pagtakbo at ngumuso. "Mommy, laro pa kami ng kambal."
Lumapit na si Isabelle dito at pinunasan ang pawis. "Hay nako, lagot tayo sa lola mo. Ayan madungis ka na, aamyuyin ka non. Sige ka, kakagatin ka non pag mabaho ka."
Napangiti siya.
Bumista lang sina Isabelle sa Pilipinas. Babalik na ito ng Sanctuaire mamaya. Nandoon na nakabase si Luna na naging miyembro na ng High Council. Doon muna ang ito kasama ng pamilya, inaayos pa kasi ang mga teritoryong naiwan matapos ang gera.
Tama. Tapos na.
Natapos na din sa wakas.
Sina Vicky at Fritz, nakabase na sa Germany. Masaya na ang mga ito dahil sa wakas, nagkaroon na rin ng anak na lalaki. Buo na ang pamilya nila.
Si Dominic naman ay naging myembro na rin ng High Council. Panahon na daw para magkaroon ng representative ang mga turned vampire sa council nila. Kaso nitong mga nakaraang buwan, puro reklamo ang ibinabalita ni Dom sa kanya. Mababaliw na daw ito sa mga antics ng mga matatandang bampirang nasa paligid. Naiintindihan niya. Ganoon din naman ang unang impression niya noong nag-uumpisa palang siyang umattend ng mga meetings kasama ang mga iyon.
Hindi na niya alam ang nangyari sa kaibigan ni Kiel. Wala na siyang balita dito matapos ang pagsugod ng mga ito sa Paradiso.
Naputol ang pag-iisip niya ng makita niya ang paglapit ng batang lalaki. Yumuko ito at nagbigay-galang. "We are leaving now, Your Highness."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...