4. Trapped

9.9K 222 15
                                    

Hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan si Raven ng lumapit si Kiel sa kanya. Ilang pulgada nalang ang layo ng katawan nito. Hindi parin siya lumilingon.

"Come with me," bulong nito. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa batok.

Totoo nga ang lahat. Hindi siya nanaginip.

Sh*t. Pano nangyaring buhay pa siya?

She killed him. She was sure of it. Kitang-kita niya kung paano tumama ang bala ng baril na pinaputok niya sa dibdib ni Kiel bago pa sumabog ang barkong sinasakyan nila. At kung tutuusin, wala ng mabubuhay sa pagsabog na nangyari. Maski siya, hindi siya makapaniwalang nakaligtas pa. Ilang araw din siyang nagpalutang lutang sa dagat bago nasagip ng mga dumadaang bangka ng mangingisda.

Dahan-dahan siyang humarap dito. Hindi parin nagbabago ang hunter na nakilala niya noon. Same leather jacket. Same messy hair

Pero pula na ang mga mata ni Kiel na ngayon ay nakatitig sa kanya.

"Rave..."

Mukhang ito nga ang bumaril doon sa lalaking iniwan niya sa motel. Hawak-hawak pa nito ang baril. Mainit pa. Natatandaan niyang ito rin ang ginamit ni Kiel sa pagpatay ng Daddy niya. Nabawi rin pala nito ang baril na yon

"Halika na.."

Hindi na niya ito pinagsalita pa uli. Mabilis niya itong naitulak ng malakas. Nadinig pa niya ang pagyupi ng trashbin na binagsakan nito. Kundi pa natuluyan ito noon, sisiguraduhing niyang matatapos na niya ang buhay nito ngayon.

Pinatulis niya ang mga kuko at pinuntirya ang dibdib nito.

"Sh*t!" Mabilis din itong nakaiwas, bumaon lang ang mga kuko niya sa lata. Naramdaman nalang niyang nasa likod na niya ito.

Umatras siya. Nagawa niyang makalayo bago pa siya nahagip ng mga kamay nito.

Ang bilis talaga.

Noong pang-tao si Kiel, ibang klase na ang bilis at lakas nito. Ngayon pa kayang bampira na.

May baril din ito. Kailangan niyang mag-ingat sa susunod na kilos. Lalo pa ngayon, ilang linggo na siyang di pa nakakainom ng dugo. Hindi niya pwedeng sagarin ang kakayahan niya.

"Stop this, Rave. Sumama ka na sakin,"

Mabilis at malakas ang tibok ng puso nito. Dinig na dinig niya kahit malayo siya nang ilang hakbang dito.

Saglit siyang natigilan. Bakit ganoon?

Hindi. Baka nagkakamali lang siya. Hindi pwedeng ganoon parin ang nararamdaman nito sa kanya.

All this time?

"Ang tagal na kitang hinahanap Rave, please," pakiusap nito. Itinago na nito ang baril sa likod. "I don't want to hurt you."

Unti-unti na itong lumalapit sa kanya. Unti-unti rin siyang napapaatras.

"And what makes you think na sasama ako sayo?" she flexed her hand. Handa na uli siyang umatake. "You killed my father!"

Agad siya sumugod pero nagasgasan lang niya ang dibdib nito, nakaiwas ito agad.

She can smell his blood. That sweet blood. Nanunuyo ang lalamunan niya.

Sh*t.

She was distracted kaya nahagip ni Kiel ang hood ng jacket niya. Agad nitong naikawit ang braso sa leeg at malakas siyang itinulak sa sementadong pader.

Bahagya siyang nahilo dahil sa pagkakauntog ng ulo. Hindi na niyang magawang makaalis pa nang makuha nito ang parehong kamay at ipitin sa taas ng ulunan niya. 

"Let me go!" She hissed.

Mahigpit. Hindi siya makawala. Balewala ang pagpipiglas niya.

"No way, Raven," lalo pang hinigpitan ni Kiel ang pagkakahawak.

Sh*t, balak pa yata akong balian ng buto.

Lumapit ang mukha nito sa kanya at bumulong. "Hindi na kita papakawalan pa uli."

Psych. Ginamitan siya nito. Natigilan siya sa mga salitang iyon. Hindi na niya maigalaw ang buong katawan niya. Hindi na niya malabanan.

Papaanong naging ganto siya kalakas?

Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa leeg. Lumalapat na ang labi nito sa balat niya. Unti-unti nang lumuluwag ang pagkakahawak sa kanya pero di parin siya makakilos.

"Rave..."

Parang dumaloy ang isang libong boltahe ng kuryente sa katawan niya nang bumulong ito uli.

"You're mine."

She felt the pain. Damang-dama niya ang mga pangil nitong nakabaon na ng madiin sa leeg niya. Ang unti-unti nitong paghigop dugo.

Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng sakit, may kung anong init na unti-unting kumakalat sa buong katawan niya. Bumubuhay uli sa kanya.

Kusang bumitaw ang mga kamay nito sa kanya. Napakapit siya sa likod nito ng mahigpit, halos bumaon ang mga kuko.niya dito. Hindi na niya maiwasang mapaungol.

"Kiel..."

Bumibilis ang tibok ng puso niya. Lumalakas.

Hindi tama ito. Matagal na niyang pinatay ang nararamdaman niya noon.

Napapikit nalang siya ng mariin hanggang unti-unti nang naging blangko ang lahat.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon