81: Star-crossed Lovers

5.3K 158 32
                                    

Napasinghap si Raffy nang makita ang laman nang velvet box.

Singsing. Malaki ang diamond sa gitna. Mamahalin. Mahal ang sangla malamang.

Totoo ba ito?

Dahil sa mga nangyari noon, inalis na niya sa pangarap niya na may matinong lalaki pang seseryoso sa kanya. Na may luluhod pa sa harap niya na may dalang singsing. Na mag-aalok sa kanya ng kasal katulad nang ganito.

Well, di naman niyang masasabing matino si Pierre. May pagkagago nga sa totoo lang.

Pero pakshet! Pakshet talaga! Mahal na mahal niya yung  gagong nasa harap niya ngayon. Na handa sumugal na samahan ito kahit alam pa niyang itatakwil siya ng sarili kapatid.

Parang lumipad na tuloy ang kaluluwa niya sa alapaap sa sobrang saya.

"Elle?" Napabalik siya sa earth sa tawag nito.

"Sandali. Are you really asking me? Bakit 'marry me' lang? Walang 'will you'? Di ka talaga marunong makiusap ano?"

"Do I have to?" Ngumisi lang ito habang nakaluhod parin. "Mabuti na yon para di ka na humindi."

"Sira ka talaga!" Hinila na niya ito papatayo. "Isuot mo na nga yan sakin."

Sumunod naman ito agad. Gusto niyang magtatalon nang mailagay na ang singsing na yon sa daliri niya.

"Seryoso na to?! Papakasalan mo ba talaga ako?!"

Pero sa halip na sagutin siya ay hinila siya nito papalapit. Naramdaman niya ang pagdampi nang malambot na labi nito sa kanya.

Marahan at masuyo ang halik. Na unti-unting lumalim at naging mapusok. Na parang ayaw nang tumigil at bumitaw sa kanya. Napikit siya.

Nawala na siya ng tuluyan sa sarili habang sinagot ang bawat paggalaw ng labi nito. Kulang ang mga salita para i-describe ang kung gaano siya nito binabaliw sa klase ng halik na yon. Parang wala nang bukas. Parang iyon na ang huli. Napasandal na siya ng tuluyan sa pader at napakapit sa batok nito.

Tumigil lang sila ng kailangan na nilang kumuha ng hangin. Dahan-dahan siyang nagmulat at sumalubong sa kanya ang mapupungay nitong mga mata.

"I love you Elle," sambit nito. "Hindi na kita hahayaan pang mawala sa akin."

"Hindi ako mawawala sayo,"

Dumulas ang kamay niya pababa sa dibdib nito. Ramdam na ramdam niya doon ang lakas ng pintig ng puso. Napangiti siya. "Hindi kita iiwan, promise."

Ngumiti ito. "So is that a yes?"

"Sabi mo nga, hindi na ako makakahindi."

Kinagat niya ang labi at marahan itong itinulak papalayo. "Tara na kaya. Malalate na tayo sa flight."

Tumawa lang ito at kinuha nito ang bag nilang pinaglalagyan ng kakaunting gamit. "So, excited ka na talaga sa honeymoon?"

Honeymoon? Maldives nga pala sila pupunta. Pang honeymoon destination talaga. Nanadya ang manyak.

"Loko ka talaga, di pa tayo kasal."

Ngumisi ito at kinuha ang kamay niya. Marahan itong hinalikan. "We already did every married couple does." Sabi pa nito sabay kindat.

"L-let's go na. Baka lalo tayong di makaalis." Baka manaig ang urge niyang hilahin ito sa kwarto, magkulong nalang doon nang tuluyan habang gumagawa ng kung ano-anong kahalayan na ginagawa nga nang mag-asawa. Loko talaga. Nahawaan na siya ng mapagkamanyak.

Kaya ganoon nalang ang gulat niya nang biglang bumukas ang pinto. Malakas. Halos masira iyon. Agad siyang hinila papalapit ni Pierre at niyakap. "Stay here."

"K-Kuya--" Napalunok nalang siya nang makilala ang may gawa. Humakbang na ito papalapit.

"Rafaella,"

Lalo siyang napalunok. Buong pangalan niya ang binanggit nito. Galit na galit na nga, kitang-kita niya rin iyon sa pulang mga matang nakatitig sa kanila. May dala pang baril at alam niyang mga silver bullets ang laman.

"Umalis ka sa tabi niya."

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya napaghandaan ito. Gusto pa sana niyang palipasin ang panahon dahil alam niya, sa ngayon, hindi nito matatanggap ang desisyon niya.

"Kuya, hayaan mo na kami. Mahal ko siya." Napahigpit tuloy lalo ang yakap sa kanya ni Pierre dahil sa nasabi.

Pakshet na yan! Kung hindi ganto kaseryoso ang sitwasyon, matatawa siya ng malakas sa sarili. Daig pa ang pangteleserye primetime sa linya.

Pero kahit na. Iyon ang totoo. Mahal niya talaga si Pierre kaya di siya talaga aalis sa tabi nito. Paninindigan niya yon.

"Rafaella," may pagbabanta na ang tawag ng kapatid niya. Nakita rin niya ang paghigpit nang kapit sa baril nito. "Bumitaw ka sa kanya!"

"Ibaba mo yang baril mo. Mag-usap tayo ng matino, Kuya." Delikado na. Alam niya kung paano magalit ito.

Napailing ito. Dahan-dahan nitong ibinaba ang baril sa lamesa sa tabi.

Nakahinga siya nang maluwag. Tumingin siya kay Pierre at marahang tumango. Lumuwag din ang akap nito sa kanya. Lumayo siya dito pero di parin niya binibitiwan ang kamay.

Bumalik ang mga mata niya sa mapanuring titig ng kapatid.

"You're leaving? Saan naman kayo pupunta?" tanong nito. Mukhang nakita na nito ang bags nilang bitbit.

"Somewhere safe, Kiel. Sofia is on her. Elle accidentally killed her mate," sagot ni Pierre. "Delikado kung hindi kami aalis agad."

Napalingon siya sa nasabi nito. Ano ibig sabihin noon? Yung pagpunta nilang Maldives, hindi pang-honeymoon. Para lang magtago? Excited pa naman siya. Gusto sana niya itong batukan kaso may mas malaking problema pa silang kaharap ngayon.

"You don't have the right to decide what's good for my sister, you bastard."

Napalunok pa siya kahit wala na siyang laway pang mailulunok. 

English yon. Madiin pa ang pagkakasabi. Nakita niya ang pag-igting ng panga ng kapatid niya. Masamang mga senyales. Talagang handa itong pumatay ngayon.

"Kuya please. Tama na sasama ako sa kanya kahit anong gawin mo."

Alam niya kung gaano kalakas ang kapatid niya lalo na at bampira na rin ito. Alam niyang di siya nito magagawang saktan. Pero si Pierre--

"Raf, alam mo ba ang ginawa ng lalaking to? Kung gaano kalaki ang kasalanan niya sayo?"

"Alam ko," halos papiyok na siya sa takot pero inilabas parin niya ang boses. "Alam ko na ang lahat, Kuya. Pero balewala na sakin yon. I love him. Please...just let us go."

Bumaba ang tingin ni Kiel. Huminga ito nang malalim. "Is that what you really want, Raf? Handa ka ba talagang kalimutan ang lahat para sa kanya?"

Tumango siya.

Umiling lang ito. "Wala na akong magagawa kung ganoon."

Makakaalis na sila?

Magpapasalamat na sana siya nang may malakas na pwersang nagtulak sa kanya papalayo kay Pierre. 

Nabitawan siya nito. Tumalsik siya nang malayo at tumama ang ulo niya sa pader. Ramdam niya ang hilo at ang sakit pero pinilit niyang tumayo ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

No. Please. No...


Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon