89: Fading Light

5.2K 173 50
                                    

Alagaan mo si Kuya Kiel, Ate Raven. Mahal na mahal ka niya.

Inimulat ni Raven ang mga mata. Alam niyang nadinig niya ang boses ni Raffy pero nagtataka siya na hindi niya ito makita sa buong kwarto.

Dahan-dahan siyang umupo sa kama. Binilinan siya ni Vicky na magpahinga, kailangan niya daw iyon para masigurong maayos ang pagbubuntis niya. Mukhang kailangan na niya talagang maging maiingat sa pagkilos ngayon. Ang totoo, takot na takot siya nangyari kanina. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may mangyayaring masama sa mga magiging anak niya.

Maliwanag na ang sikat ng araw. Umaga na pala. Nakakapaso na rin ang sinag na tumatakas sa siwang ng kurtinang nagtatakip sa bintana.

Dahan-dahan siyang tumayo para isara iyon. Maya-maya pa, nadinig niya ang marahang pagbukas ng pinto.

"Raven."

"Kiel," bati niya rito. Alam niya ay sumunod ito kay Pierre para iligtas si Raffy. Lumingon siya dito at ngumiti. "Anong nangyari? Si Raffy an--"

Di na niya naituloy iyon. Ilang hakbang ang layo nito sa kanya ngunit ramdam niya ang bigat ng nararamdaman nito.

"Raven," Lumapit ito at yumakap sa kanya. Napalunok siya. Alam niyang may nangyaring masama.

"S-she's gone. Raf's is gone." Ang mga salitang iyon ang nagkumpirma ng hinala niya.

Papaanong nangyari yon? Nandito siya kanina?

Iginabay niya ito sa kama at marahang pinaupo. Umupo na din siya sa tabi nito. Hindi siya makapaniwala sa balita ni Kiel.

"I was late. Kitang-kita ko siya habang yakap ng kapatid mo. Kitang-kita ko siya habang unti-unting nagiging abo." Sabi nito. Nakasaklop ang mga kamay nito na nakatapat sa bibig.

His face was blank. Hindi niya mabasa. Pero ramdam na ramdam niya ang pagkadurog ng puso nito. Ang sakit. Ang hirap. Lahat.

"Kiel..I'm sorry..."

"Kasalanan ko. Kung binantayan ko sana siya ng mabuti. Kung sana naging mas mabilis ang kilos ko, hindi sana siya makukuha ng mga hayop na yon," sambit nito. Ipinatong nito ang mga kamay sa noo.

"She was raped, Rave. Alam mo na ang pinagdaanan niya. Inulit nila iyon. Winasak nila ang kapatid ko. Mga hayop sila." Damang-dama niya ang galit sa bawat salitang lumabas dito.

Napaawang nalang ang bibig niya.

Awang-awa siya kay Raffy. Siya ang huling kausap nito. Nangako pa siyang magiging maayos ang lahat.

Pero wala siyang nagawa.

"Kiel," tawag niya. Hinila niya papalapit at niyakap. Sumubsob ang mukha nito sa balikat niya. "Let it go. Ilabas mo na ang lahat. Mahihirapan ka lang."

"Rave.."

Marahan niyang hinaplos ang likod nito. "I'm your wife. Nandito ako para damayan ka kahit anong mangyari."

Unti-unti niyang naramdaman ang pagyakap nito. Ang panginginig nito. Ang pagbilis ng tibok ng puso.

"Ang laki nang kasalanan ko sa kanya. T*ngina, ang g*go ko. Kung hinayaan ko nalang sana siyang umalis. Kung di ako nagpadala sa galit ko. Kung nakinig lang sana ako, buhay pa sana ang kapatid ko, t*ng*na talaga..."

Naramdaman niya ang pagbasa ng suot niya. Hinaplos-haplos nalang niya ang likod nito. "Rave, iniwan na niya ako. Wala na siya. Wala na si Raffy."

Napapikit nalang siya. Parang bata itong umiiyak sa balikat niya.

Kusang na ring tumulo ang luha niya. Iyon lang ang kaya niyang gawin sa ngayon bukod sa damayan ito.

"She's in a better place now, Kiel. Wala nang mananakit sa kanya doon."

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon