Napabugtong nalang si Vicky ng humarap kay Fritz. Ibinaba na niya ang cellphone sa lamesa.
"They're coming home."
"When?" tanong nito na nakakunot ang noo. Mukhang di din nito nagustuhan ang balita.
"Today."
Nalaman na ni Raven ang totoo. Kasasabi lang ni Erze sa kanya sa tawag. Alam niyang mangyayari din iyon pero sana ikinasal muna ang dalawa bago naisipang umuwi.
Problema na naman.
Kagabi lang ay nakatanggap din siya ng tawag galing kay Pierre.
He's alive. Nasa Manor at may kasama. Pinatawag pa si Dom para bantayan ang mate pansamantala.
Di talaga siya makapaniwalang na-inlove din ang lalaking yon sa isang hunter. Magkapareho pala ang taste ng magkapatid, naisip niya. Mabuti na rin iyon at nakamove-on na kay Isabelle. Siguro alam na rin nito ang nangyari sa Valerius.
Hindi pala niya nabanggit dito na buhay si Raven at si Kiel. Magiging magulo ang pagkikita nila uli malamang.
Mas minabuti kasi nilang hindi sabihin kay Pierre na si Kiel ang totoong hari nila habang hinahanap pa noon si Raven. Ang alam parin nito ay hawak nito ang posisyon ng ama. Kailangan nila kasi ng tatayong pinuno pansamantala habang di pa secure ang posistion ni Kiel.
Maraming ibang Coven ang magproprotesta kapag nalaman nilang hindi trueblood ang pinuno nila. Kung natuloy sana ang kasal nito noon kay Raven tulad ng balak ng ni Julien, wala sana silang problema ngayon. Mabibigyan ng madaling paliwanag dahil 'asawa' ito ng anak ng dating hari.
Nadinig niya ang pagbugtong-hininga ni Fritz. "That's not good. We're currently at ground zero. The enemies are all here."
Umupo sa siya sa swivel chair. Nakalatag na sa table niya ang mga listahan ng mga namatay na mga purebloods nitong mga nakaraang buwan lamang. Halos na-massacre karamihan sa mismong teritoryo nila.
Naalala niya tuloy ang nangyari sa sariling pamilya. Ang Coven na dating kinabibilangan niya. Ang Sang-Real.
They were killed. All of them. Ang mga magulang niya at ang mga nakatatandang kapatid. Halos pareho din ng strategy ng mga kalaban ngayon. Ang mga taong naglilingkod doon ang mga pumatay sa mga ito. Ilang taon ang hinintay bago trinaydor. Kinuha muna ang tiwala.
"Victoria," nadinig niya ang maharang pagtawag ni Fritz. "We'll get through this,"
Napatingin siya sa lalaki at napangiti. Kung di siya nagawang itakas nito noon, malamang nakasama na siya sa mga namatay.
Hindi pa nila sigurado kung saang parte ng Pilipinas nagtatago ang may pakana ng lahat. Basta may ideya na sila kung sino. "I wonder how Sofia did all of these?"
"She had help, of course," sabi ni Fritz. "The Cuervos and the Orlovs had servants from the former Schwarze, so is the Valerius. They were sent there as punishment."
"So you knew them?" tanong niya.
"I remember what my father use to call them, Victoria. The Zwilling, the twins. They were the main advisers of my father before the war broke." Lumayo ito sa kanya at sumilip sa labas ng bintana ng opisina niya. Tanghaling tapat kaya lalong naging maputi ang blond na buhok ni Fritz dahil sa liwanag.
I wonder how our child will look like. Kamukha ko o kamukha niya?
Napakagat siya ng labi. Dapat ang iniisip niya ang problema ngayon, hindi ang magiging anak nila.
"Sofia's my sister's daugther, and your brother's too. She had both bloodlines on her veins. Maybe they want her to be their queen." Aniya.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...