Prologue

18.9K 315 58
                                    

"Ano daw sabi niya?" Masayang tanong ni Isabelle.

Natutuwa siya sa hitsura ni Alejandro. Nakapikit pa habang nakadikit ang tenga sa umbok ng tyan habang nakahiga siya sa kama.

Apat na buwan na nang mag-propose ito. Hanggang ngayon di parin siya makapaniwala.

Tiningnan niya ang singsing sa daliri. Red diamond ang batong nakalagay doon na napapalibutan ng mga maliliit pang mga bato. Hanggang ngayon talaga na a-amaze parin siya sa ganda noon at kung papaano iyon bumagay sa mga daliri niya

Kung sana alam ito ng Nanay niya, malamang matutuwa iyon. Lalo na siguro si Isko. Parang naririnig na niya ang tili ng kapatid kung makikita ang engagement ring niyang suot.

Napangiti nalang siya.

Madalas pumunta doon sa kanila si Alejandro. Nakikibalita. Ito ang naging tulay niya sa pamilya.

Nagpakilala pala itong boyfriend noong burol 'niya'. Nang inakala ng pamilya niya na patay na siya. Tinulungan nitong makapagpatuloy na makapag aral ang mga kapatid, binigyan pa ng bagong matitirahan. Sinigurado ni Alejandro na wala na siyang aalahanin pa.

Kahit na miss na miss na niya ang pamilya, alam naman niyang mas mabuti na hindi na malaman ng mga ito kung ano talaga ang nangyari. Na hindi siya yung taong nasunog sa apartment nila dati.

Na naging bampira na siya.

Mas ok na yon. Mas magiging tahimik din ang buhay ng mga taong mahal niya.

"Al, ano na?" tanong niya. Mukang nag-eenjoy ang gwapong mokong na ito sa pinaggagawa sa kanya.

"Shhhh," saway nito. "I can't hear him, my love."

Napangiti nalang siya. Him talaga. Pano kaya kung babae pala ang anak nila?

Medyo halata na talaga ang bilog niyang tyan. Hindi na rin siya masyadong nahihilo o nasusuka. Second trimester na daw kaya ganon. Sa bawat pagtagal ng araw lalo siyang kinakabahan. Paano kung hindi ng niya kayanin at mamatay siya sa panganganak?

Kahit pa laging ipinapaalala ni Alejandro na magiging maayos ang lahat. Na iba na ang antas ng medisina ngayon kumpara noon. Na mas ligtas na ang pangangak ng mga babae sa panahon ngayon.

Kahit na, kinakabahan parin siya. Hindi parin maialis sa utak niya ang mga sinabi noong Victoria at nang asawa nitong si Fritz noong unang na check ang pagbubuntis niya. Na pwede niyang ikamatay ito.

Paano nalang baby niya kung mawawala siya? Nag-aalala siya. Ayaw niyang lumaking walang ina ang anak niya.

"Mia madre è bella."

"Hah?" Bigla niyang tanong kay Alejandro. Naputol noon ang malalim na pag-iisip niya.

"He said it."

Ayos. Marunong nang mag Italian ang baby nila. Naunahan siya. Kahit anong pag-aaral yata, bumabaluktot parin ang dila niya. "Anong ibig sabihin non?"

Ngumiti si Alejandro sa kanya. "Maganda ang Mama niya."

Mahina niyang kinurot ang braso nito. "Ikaw talaga. Nasa tyan ko palang, tinuturuan mo na agad maging bolero."

"I'm teaching him to be honest, my love," tumawa ito at tumabi na sa kanya. Marahan siyang hinalikan sa noo. "You will be the most beautiful bride."

Di niya mapigilang mapangiti uli.

Ikakasal na nga pala sila. Planado na ang lahat. Nauna nang umalis sina Ines at Mario, kasama si Conztanza. Susunod na sila sa makalawa sa Italy para maipakilala na siya sa mga myembro nang ibang branch ng Coven nila.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon