Tinapik ni Raffy sa balikat si Pierre. Pinapahinto niya ito sa isang malapit na gas station. Ang bilis nitong magpatakbo ng motor. Mas pa mabilis pa sa kuya niya noong nakiangkas siya.
"Nawiwi na ako anu ba!" Sigaw niya sa loob ng helmet.
Nadinig niya ang pagbugtong-hininga nito saka dahang-dahang bumabagal ang takbo nila. Naihinto naman ito ng matiwasay.
Isang oras na mula ng makaalis sila sa condo. Wala namang sumusunod sa hunters sa kanila. Isang backpack lang ng gamit ang dala niya. Andun na yung cash, laptop, yung cellphone. Yung baril.
"Letse ka! Papatayin mo ba ako sa kaba!" singhal niya kay Pierre pagtanggal ng helmet. Binato niya ito sa lalaki. Buti nalang at nasalo agad. "Kung ikaw mabubuhay pa kapag naaksidente tayo, malamang ako matitigok!"
Nagtanggal din ito nga helmet at bumaba na sa Ducati. Napakamot lang ito ng ulo.
"San ba tayo pupunta?" tanong niya. Sinabi niya dito napa-Baguio ang daan nila. Susunod sila kay Diego doon sa Headquaters. Mukhang pa-Batangas yata ang direksyon nito. Di na siya nakapagreklamo sa daan dahil sa super bilils nitong pinasibad ang motor ng makaalis sila sa condo. "San mo ba ako dadalhin?"
"Somewhere safe. Malayo ang Baguio mas mabilis tayong makakarating sa lugar ko."
"Lugar mo?"
"Territory ko."
Napailing nalang si Raffy sa sagot na yon. Paanong magiging safe ang teritoryo nito. Wirdo ng manyak na tukmol nato, sa isip-isip niya. Di bale na. Nakabukas naman GPS niya. Naka-monitor si Diego kung nasaan sila.
Kumuha siya ng dalawang libo sa wallet at ibinigay kay Pierre. "Ayan, magpa-gas ka. Tapos bumili ka rin ng matsitsibog doon". May katabi kasing maliit ng twenty-four hours na tindahan ang gas station na yon. Medyo gutom na rin siya.
Tumango lang si Pierre. Nakita rin niyang ang papalapit na attendant kaya nagtanong na siya. "Boss san ang C.R. dito?"
Itinuro nito ang dalawang pinto sa di kalayuan. Naglakad na siya papunta doon.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng C.R. na pambabae. Walang tao sa loob.
Maaliwas ang C.R. na may tatlong cubicle. Malinis at mabango. Halatang bagong gawa din. Dumiretso na siya sa pinakadulo cubicle at doon na umihi.
Bago pa man siya makalabas ng cubicle ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto. May pumasok sigurong iba, naisip niya.
Inayos niya ang sarili na lumabas na. Magsasalamin pa sana siya ng madatnan niya ang isang babaeng nakashades na nakaharap sa salamin.
Wierd. Gabing gabi nakashade? Dumiretso nalang siya sa pinto para lumabas pero...
Nakalock?
Agad siyang napayuko. May balang humaging sa kanya, muntik siyang matamaan kundi siya naka-iwas.
"Pakingsh*t!" Yung babae! Nakita niya may marka ito sa kamay.
Hunter din!
Agad siyang nakakilos, nakahakbang malapit at nahawakan ang pulsuhan nito. Nadinig pa niya ang pagbali ng buto nito sa pwersahang pagpiga niya. Hinila pa niya ang braso nito at sinuntok ng malakas ang siko. Nabitawan na nito ang baril kasabay ng malakas na pagsigaw. Agad niyang naagaw iyon bago pa ito bumagsak sa sahig.
Pakshet na yan! Bading! Lalaki pala! Nahulog ang wig nito nang napahiga na sa lapag ng cr.
"G*go ka ha!"
Namimilipit ito sa sahig dahil sa pagbali niya sa kamay at siko nito.
Nakilala na niya. Ito yung isa sa mga hunters na humuli kay Cat. Sinusundan nga sila.
Pakshit! Si Pierre!
Lalabas na sana siya nang tumayo ang hunter at akmang may bubuntin pa sa likod.
Pinaulanan na niya ito ng sunod-sunod na putok bago nito makabunot ng isa pang baril.
"Pierre!" Sigaw niya paglabas.
Nakita niya ito sa na nakatayo sa sa harap ng isang nakahandusay na lalaki. Duguan si Pierre pero sigurado siya, galing iyon sa hunter na mukhang napatay na nito.
Agad siyang lumapit. Nakita niya ang mga itim na linya na kumakalat sa katawan nito. Gumamit ito ng psych.
"Are you alright?" tanong ni Pierre sa kanya.
Di pa siya nakasagot nang may pumuputok na namang baril. Napangiwi si Pierre, tinamaan ito sa likod.
"Aswang! Halimaw!" Sigaw noong bumaril. Yung attendant. Nakita siguro nito ang lahat.
Mukhang di ito marunong humawak ng baril. Sa tingin niya ay napulot lang nito iyon doon sa Hunter.
Nanginginig pa. Kulang nalang ay mai-ihi ito sa salawal.
"Mamatay kay--"
Binaril na niya ito sa ulo bago pa man ito makapagpaputok uli. Bumulagta itong wala ng buhay sa semento.
Bwisit! Naki-alam pa kasi!
Tumingin siya sa paligid. Wala siyang nakitang security camera o ano pa man. Maliit lang kasi ang gasolinahang iyon. Nasa alanganing lugar pa. Yung hindi puntahan ng mga tao.
Nakahinga siya ng maluwag.
"Hindi ka na makakapag-drive." Sabi niya kay Pierre. Mukhang iniinda nito ang ang tama sa likod ng balikat.
"Kaya ko pa. Wala ito," sabi nito. kinuha na nito ang helmet at binigay sa kanya. Sumakay na ito sa motor at mukhang pinapasakay na siya.
"Why do have to that?" tanong pa ni Pierre Nakatitig ito sa patay na attendant. "Tao lang siya."
"I'm a hunter. Bukod sa pagpatay sa mga tulad niyo, we have a duty to keep our world a secret," sabi niya.
"Saka isa pa--" umangkas na siya na likod nito. Mukhang kaya pa nga nitong magdrive, sa tingin niya.
"G*go siya! Ako lang ang pwedeng bumaril sayo no!"
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...