Sunset.
Kailan ko ba huling nakita ito?
Sayang nga lang at bahagya itong nahaharangan ng isang malaking billboard sa katapat na building. Kalahati lang nakikita niya.
Napabuntong-hininga nalang siya ng mapansin ang repleksyon sa salamin ng bintana kung saan siya nakasilip. Marahan niyang sinuklay ang buhok. Mahaba na na uli iyon. Tumatakip na sa mata at umaabot na sa batok. Matagal na rin niya yong hindi nagugupitan.
Nasa mumurahing love hotel siya ngayon. Sa Tokyo. Japan.
Malayo-layo narin ang inabot niya. Matapos niyang mag-stay sa Hongkong nang halos tatlong buwan, dito niya naisip na magpunta. Ngayon nagsisisi na siya.
Hindi siya sanay sa klimang ganito. March na pero damang-dama parin ang winter. Masyadong malamig. Baka maghanap nalang uli siya ng tropical country na malalagian. Kailangan lang niyang makahagilap ng maraming pera.
Apat na buwan na rin nang sumabog ang barkong sinasakyan nila. Apat na buwan na rin siyang nagtatago. Nagpakalayo-layo. Ang akala ng lahat ay patay na siya.
Mas pinili niya ang ang ganitong buhay. Mas gusto na niyang makalimot. Masyadong masakit ang nangyari sa kanya.
Nasanay narin naman siyang magtago noon pero mas mahirap ang sitwasyon niya ngayon. Wala na siyang mahihingan nang tulong. Wala na siyang maasahan. Kailangan niyang dumiskarte sa sarili niyang paraan.
"Hey, I'm not paying you to watch the f*cking sunset."
Ang kliyente niya. Pera din ito.
Malaking lalaki. American expat. Medyo matanda na at malaki ang tyan. Nakasalubong niya habang naghahanap ito ng mapipick up na batang lalaki sa kalsada.
Hindi niya alam kung matatawa siya. Napagkamalan siya nitong lalaki at napagkamalan ding bata. Dahil yata sa suot-suot niyang maluwag na hoodie jacket at baggy pants. Pati narin siguro sa maikli niyang buhok.
Naalala niya sa Raffy sa hitsura niya ngayon. Si Raffy na kapatid ni--
D*mn. Nangako siya sa sarili na kakalimutan na niya ang lahat ng may kinalaman sa nakaraan niya. Na tatalikuran na ang lahat.
Kahit ang pangako niya.
Lalong-lalo na ang taong yon.
"Ready," sabi niya dito.
Kitang-kita niya ang pagngisi nito. Ang paglabas ng madidilaw na ngipin. Mabilis itong lumapit at hinila ang leeg niya. Inihagis siya ng lalaki sa kama. Iniwas niya ang mukha ng akmang hahalikan siya.
Sh*t. Marunong ba itong magtoothbrush?
"No kissing."
Ngumisi ito uli at pinadapa siya sa kama. Unti-unti na nitong natatangal ang butones ng suot na pantalon. Alam na niya ang balak nito.
This would be easy.
Hinayaan nalang niyang buksan ang lalaki ang zipper ng pantalon niya. Unti-unti narin nitong itinataas ang suot niyang damit. Naipasok na nito ang kamay sa pants na suot. Naramdaman na rin niya ang unti-unting pagkapa nito sa pagitan ng hita. Pinipigilan talaga niyang matawa. Alam niya ang magiging reaksyon nito.
"The f*ck! You're a girl!" Kita niya ang pagkunot ng noo ng lalaki. Ramdam na ramdam niya ang inis nito.
Gotcha! Humagikgik lang siya.
Ewan niya ba kung bakit pinapatagal pa niya ito. Kailangan lang naman niyang malamnan ang tyan at magkapera.
Signs of boredom. Wala lang siya talagang mapaglaruan ngayon.
"I'm not paying for this!" Lumayo na ang lalaki sa kanya.
Pero bago ito makatayo sa kama, nagkalat na sa bedsheets ang dugo nito. Ang ilang mga piraso ng basag na bungo at utak. Padapa itong bumagsak sa tabi niya. Kitang-kita niya ang malaking butas sa ulo nito.
Sh*t. There goes my dinner!
May bumaril dito. Galing sa labas. Nakikita niya ang butas na gawa ng balang tumagos sa salaming bintana. Nasa katapat na building. Naninag pa niya ang taong gumawa noon bago nito nagawang makapagtago sa isa sa mga poste ng billboard doon.
D*mn it.
Impossible. Hindi pwedeng mangyari ito. Pero alam niyang hindi siya namamalik mata sa nakita.
Agad siyang bumangon, inayos ang damit at kinuha ang mga ilang mga gamit. Kinuha na rin niya ang laman ng wallet ng lalaki. Sinigurado niya munang wala siyang maiiwang bakas sa kwarto bago niya binuksan ang bintana. Sinuot niya ang hood ng jacket at diretsong bumaba fire exit sa likod ng building. Tumalon siya mula sa pangalawang palapag at mabilis na naglakad sa malamig na eskinita.
Pero huli na.
Sh*t nahuli na siya.
Agad siyang napahinto ng tawagin nito ang pangalang matagal na niyang kinalimutan.
"Raven,"
Nag-igting ang bagang niya ng marinig ang panglalaking boses na yon. Ramdam niya ang presensya nito sa likod. Hindi niya alam kung paano siya nito nahanap, kung paano siya nito nasundan.
"I found you."
Dinig na dinig niya.
Malapit lang. Napakalapit.
"Kiel."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...