Tumingin siya sa basag na salamin matapos maghilamos. Binasa na rin niya ang buhok para mahimasmasan.
Her smell is all over the place. Amoy na amoy niya ang mabangong dugo nito na parang dumikit na sa kanya. Kailangan niyang magpigil.
The girl tried to kill herself. Mabuti nalang at mabilis niyang nasira ang pinto nang maglock ito sa loob ng CR. Binasag nito ang salamin doon at iyon ang ginamit nitong panghiwa ng pulso.
Napatingin siya sa labas nang nakabukas na pinto ng comfort room. Mahimbing na ang tulog ng bata. Magaling na ang mga dating sugat, ang natitira lang na benda ay ang nasa pulsuhan nito.
Kasalanan niya. Siya ang nag-utos sa mga hunters na kumuha ng impormasyon sa mga ito. Siya ang nagdala sa mga demonyong iyon sa magkapatid.
F*ck that hunter's code.
Ang alam niya, hindi pwede manakit ng inosenteng tao ang mga hunters. Mga taong wala namang kinalaman sa kanila. Kaya nga siya umarkila ng serbisyo ng mga ito kaysa sa mga kalahi niyang bampira. Nag-alala siyang baka gawing pagkain ang magkapatid at patayin.
Pero nagkamali siya. What happened to them was worst than death.
Muntik ng mapatay sa bugbog ang panganay at yung batang babae naman... D*mn. Dapat hindi talaga niya ito iniwan.
"Kuya..." Nadinig niyang tawag ng batang babaeng nakaratay sa kama. Nakapikit pero kitang-kita niya ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nito.
"Rap-Rap." Sambit niya. Natatandaan niyang iyon ang pangalan na binanggit ng kuya nito. Lumapit na siya at marahang pinunasan ang mga luha nito sa pisngi.
She's pretty. Mukha itong japanese doll. Napakaputi ng kutis. Maputla pero natatandaan niya noong una niya itong nakita na mamula-mula ang pisngi nito at natural na kulay pink ang mga labi. Hindi siya nagtaka na mapag-iinterasan ito ng mga g*gong hunters na yon.
But she's only a child. Napakabata pa para danasin ang ganoong klaseng sakit.
Kasalanan niya talaga.
"Kuya..."
Nadinig na naman niya ang pagtawag nito. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata. Sandaling tumitig ang mga iyon bago siya nito itinulak at nagsisigaw.
"Sino ka! Sino ka!? Asan ang Kuya ko!?"
"Shhs. Calm down." Mahinahon niyang sambit. Dahan-dahan naman itong kumalma. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa paggamit ng psych sa bata.
Napahawak siya sa bandang puso. Ilang buwan na ang silver chip sa loob niya. Kailangan niyang masanay. Mukhang magtatagal iyon. Kailangan munang humarap si Angelique sa High Council para maialis ang parusa sa kanya. Pero sa ngayon,hindi iyon ang priority niya.
"S-sino ka?" tanong uli ng bata na nagpabalik nang atensyon niya dito. Umusog ito sa dulo ng kama.
Alam niyang takot ito pero mukhang hindi siya nito nakikilala. "N-nars ka ba dito? Bakit mukha kang pinya?"
Napangiti siya. Yung buhok nga pala niya basa kaya tayo-tayo. Mukhang pineapple. "Oo, wag kang matakot," sabi niya. "Wag mo nang uulitin yong ginawa mo kanina."
Napayuko ang bata at napatingin sa pulso. Nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. "W-wala pa si Kuya? Babalik pa ba siya?"
"Hindi ko alam," sagot niya. Ilang linggo na rin mula ng lumabas ang kuya nito. Hindi na nito dinalaw pa ang kapatid nitong naiwan sa hospital na iyon. Nagpanggap nalang siyang kamag-anak para mabantayan ito. "Pero ako muna ang mag-aalaga sayo. Don't worry."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...