"Everybody here?"
Napangiwi nalang si Kiel sa sinabing iyon ni Fritz. Parang nagro-rollcall lang ng mga estudyante.
"T*ng*na. Hindi ito fieldtrip." Bulong niya sa sarili habang inaayos ang baril. Nakita niyang humalukipkip si Alejandro sa habang nakasandal sa isang puno at mukhang naghihintay din ng signal niya. Ang iba naman ang kasama nila ay nakaupo lang sa damuhan at nag-uusap-usap.
Madilim na ang paligid. Buwan nalang ang nagbibigay liwanag sa kanila.
Half kilometer away mula sa perimeter ng Paradiso. Dito muna sila namalagi bago sila lumusob sa mga sa mga kalaban. Ito ang pinakasafe na distansya pwede makalapit ng hindi nadedetect ang presensya nila.
Nasa loob pa ng lugar na iyon ang namumuno ng faction ng Schwarze na si Sofia.
Kailangan nang matapos ito.
"Sir, nakahanda na po ang lahat." Dinig niyang sabi ng isa sa mga bampirang naroon. Bata pa ito, sa tingin niya mga late teens lang o early twenties. Nakasuot ng bulletproof vest at armado na din.
Napatingin siya mga kasama nito. Around two dozen of them. Mga kasing edad din nito. Mga tauhan ni Vicky.
Hindi niya akalaing marami pala itong tinatagong alagad. Pinakalat ng babaeng yon ang mga ito sa buong territoryo nito para makihalo sa mga tao. Mga dating rogues na nabigyan ng pagkakataong mabuhay pa.
Kinalabit siya ni Fritz. "What did that kid say?" tanong nito sa kanya.
"He said 'They are ready', Friedrich." Si Alejandro na ang sumagot.
Kumunot nalang ang noo niya. Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit sumama pa ang lalaking ito. Oo nga't dati nitong teritoryo ang Paradiso pero pwede naman itong magpaiwan nalang kasama ng anak at ng mate nito doon sa bahay niya. Kahit kasal na sila ni Raven, mainit parin ang dugo niya dito. Hindi parin niya nakakalimutan ang ginawa nito dati sa asawa niya.
"But I don't think we can use them to fight." Tuloy pa ni Alejandro. Mukhang diskumpyado ito sa mga kasama.
Huminga siya ng malalim. Tama naman ang sinabi nito, masyadong malalakas ang mga bampirang kakalabanin nila. Mga truebloods, walang laban ang mga batang ito.
"You're using expendable soldiers, Fritz," sabat niya. "I don't want them here." Nanghihinayang siya, mukhang bago palang nagiging bampira. Masasayang lang ang pangalawang buhay.
Tumikhim lang ang tauhan ni Vicky at humarap sa kanya. "Sir--"
"I'm your King boy, adress me properly." Putol niya dito. Alam niyang bumaba ang tingin nito sa tattoo niya sa kamay. Nagtataka siguro ito kung bakit dating hunter ay pinuno na nila.
"Ah, sir..um...your excellency...err your highness..your grace. Mga fifty po ang mga bampirang nasa loob. Mga dalawang daan naman po yung mga hunters na hi-nire nila."
Kumunot ang noo niya. Madami. Masyadong marami. Mahihirapan sila.
"How did you know?" Tanong niya. Wala iyon sa impormasyong nakuha nila kanina.
Napakamot lang ito. "Eh sir. Hindi po nila kami nade-detect. Tri-nain po kami ni Madame Victoria para di maramdaman ng mga pureblood o mga hunters ang presensya namin. Marami na pong nakalapit pa sa base nila. Mga trained snipers, Sir. Ready na po sila. Hintay lang po namin ang signal niyo."
"I told you, I planned it all." Singit naman ni Fritz.
"Saka Sir, nakahanda po kami na pagsilbihan si Madame Victoria, siya po ang dahilan kung bakit nabubuhay pa kami ngayon. Alam din po namin na kapag ang mga yon ang magiging hari, delikado din ang magiging lagay namin. Marami din po kasi silang pinapatay na turned vampires na tulad namin na walang kalaban-laban."
"I don't need you speech, boy," umiling nalang siya. Wala na siyang magagawa. "Suit youselves. Wag lang kayong magiging pabigat at sagabal sa amin, kundi tatapusin ko kayo." Banta niya sa mga ito.
Napalunok nalang ang tauhan. "Yes, Sir."
Nakarinig siya nang paparating na kotse. Tumigil ito malapit sa kanila.
"Pare. Sorry late kami," sabi ng sakay pagbaba.
Mabuti naman at nakarating si Diego, naiisip niya. Malaki ang maitutulong kung kasama nila ito. Humarap siya at kinamayan ang kaibigan.
"Isasama ko sana si Bulan pero sa tingin ko mas mabuti kung may isang magbabantay sa mga babae. Delikado daw ang lagay ng mga anak mo--"
Alam niya. Sinabi sa kanya iyon ni Vicky kanina. Kaya nga di rin niya pinaalam kay Raven ang gagawin nila ngayon. Sinabi lang niyang meeting lang ang pupuntahan niya para di ito mag-aalala. Natatakot din siyang baka bigla nalang nitong maisipang sumama.
"--kaya siya nalang ang sinama ko dito." Tuloy ni Diego. Bumaba na rin ang kasama nito.
"Kiel." Tawag nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "Pierre."
Sa totoo lang di niya alam kung paano ito haharapin. Alam niya ang malaking pagkakamali niya. Kung hinayaan lang niya itong itago si Raffy, buhay pa sana ang kapatid niya ngayon. Naunahan siya ng matinding galit.
"You're not in good shape." Wala na siyang maisip na masabi.
Namumutla ito. Hindi pa din gumagaling ang sugat. Alam niyang kulang ito sa dugo.
"I can still fight." Tumitig ang mga pulang mga mata nito sa kanya at naglahad ng kamay. He can feel it. Handa nga itong mamatay para lang makapaghiganti lang.
Kung nagluluksa siya ngayon sa pagkawala ng kapatid niya, alam niyang mas matindi ang sakit na nararamdaman nito. HIndi niya ito malapitan kanina noong sumunod siya ng hotel na yon. Nahuli na siyang makarating. Nakita nalang niya itong nakaupo sa parking lot habang akap ang bangkay ni Raffy. Kitang-kita niya rin kung paano nitong pilit na isinasalba ang kapatid niya. Kung gaano karaming dugo ang nawala dito sa pagpipilit nitong isalin iyon.
Pero wala rin itong nagawa.
"Kailangan niyo ang tulong ko hindi ba?" Tanong pa nito. Tumango siya at nakipagkamay.
Nakita pa niya ang pag-igting ng bagang nito. "Just please, don't die this time. Kailangan ka ng kapatid ko. Ayoko na siyang makitang umiiyak."
Tumango siya. "Wag ka ding mamatay, iiyakan ka rin ni Raven."
"Tama na bromance, Putsa!" Sigaw ni Diego sa kanila. Alam niyang kinausap nito sina Fritz at Alejandro.
"Asa loob si bebe loves ko?! Bakit kayo pumayag na bumalik si Cat doon sa loob?!" Tuloy pa nito. Mukhang mainit na ang ulo dahil sa nalaman.
Ang babaeng yon kasi ang nagbigay sa kanila ng impormasyon sa kanila. Mukhang nag-aalala na si Diego dito.
"Anong plano?!" Galit na tanong nito.
Napatingin ito kay Fritz. "Well we--"
"I have a better plan, Schwarze." Singit ni Pierre. Kinuyom nito ang kamay. "Let's get on with it."
Iyon lang at bigla itong nawala sa kinatatayuan. Mabilis ang kilos nitong tumakbo papalapit sa Paradiso.
"I like his plan better." Sagot naman ni Alejandro. Mabilis din itong nawala.
Napangiwi si Fritz at sumenyas na sa mga kasama. "D*mn, youngbloods."
"Anong youngbloods?! Makupad ka lang kasi, Tanda!" Sumunod na din si Diego.
"What did he just say?! They will ruin our plan!"
"Well that's our plan." sagot niya kay Fritz. Ikinasa na rin niya ang dalang baril.
"Attack."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...