"Isama mo ako."
Hindi alam ni Pierre kung paano siya napapayag ni Elle sa tatlong salitang yon. The next thing he knew, nasa tabi na niya ito, nasa passenger seat na nang kotse niya.
Hindi talaga siya nag-iisip, delikado ang pupuntahan niya.
Hindi pa handa si Alejandro. Paunti-unti niyang binibigyan ito ng dugo nitong mga nakalipas na araw para bumalik ang lakas nito. Paunti-unti, para hindi makahalata sina Sofia. He needs to regain his strength. Mahihirapan siyang itakas ito nang mag-isa kung marami ang mga bantay. Kailangan kahit papaano, sa oras ng pagtakas nila, kaya nitong ipagtanggol ang sarili. Pero hindi pa sapat ang lakas nito sa ngayon, kailangan pa ng kaunting panahon.
Pero wala na siyang oras, manganganak na si Isabelle. Nangako siya.
"Kailangan ko ng back-up, Diegs," nadinig niyang sambit ni Elle. Hiniram nito saglit ang phone niya para tumawag.
That guy again? Oo nga at kailangan niya nang tulong, pero bakit sa baboy pang iyon?
"Wag ka nang magtanong. Sumunod ka nalang." Agad na binigay ni Elle sa kanya ang phone matapos sabihin ang location nila. Umayos pa ito ng pagkaka-upo at ininspeksyon ang dalang baril.
"Silver bullets, bigtime talaga si Kuya," sabi pa nito. "Kaso sablay naman nakuha niyang guards, ni hindi man lang tayo napansing lumabas."
Huminga siya ng malalim. Gumamit siya ng pysch para maitago ang presensya nila para makaalis sila sa lugar na yon ng walang nakakaalam. Pero mali parin ang desisyon niya pasamahin ito. Pwede itong mapahamak.
"You should've stayed, Elle. Delikado ang gagawin ko."
"Alam ko, kaya nga ako sumama," umismid ito at hinawi ang mahabang buhok. "Mukhang bigtime din ang kalaban nila. Hindi naman magsasama-sama sa isang nest ang ganoong karaming bampira kung hindi ganoon kalalala ang sitwasyon. Sabihin mo nga, yung kalaban bang lumusob sa Paradiso yung may hawak kay Alejandro?"
Tumango nalang siya.
"Di ba kasama sa usapan ang pagtulong ko na mahanap ang gumawa non sa Valerius?" tanong nito. Humarap ito sa may bintana ng kotse. "Saka isa pa, sa tingin mo hahayaang kitang mamatay doong mag-isa?"
Hindi na siya makasagot. Hindi tamang maramdaman niya iyon sa oras na ito pero natutuwa siya dahil nag-aalala parin ito sa kanya.
"Why didn't you kill me?" tanong niya habang nagdridrive. "Kanina kaya mo nang--"
"Pwede ako muna ang magtanong." Humarap ito sa kanya at kumunot ang noo. "Bakit mo tutulungan si Alejandro kung ginago niya si Ate Raven? Di ba galit ka sa kanya?"
Huminga siya nang malalim. "Isabelle needs him. Kung yun lang ang paraan pa mapatawad niya ako, gagawin ko."
"Gusto mong magbayad sa kasalanan mo. Ayos yan," dinig niyang may hinanakit ang boses nito. Lumingon siya dito saglit. Nakita niyang nakanguso ito na parang bata. Gusto pa sana niya itong titigan nang matagal pero mabilis na ang patakbo niya sa kotse. Madilim na. Kailangan niyang maging maingat.
"Amin na. Mahal mo parin si Isabelle, kaya kahit anong ipakiusap niya gagawin mo." Sabi pa nito.
"Nagseselos ka ba?" Di na niya mapigilang itanong. Kinagat nalang niya ang labi niya para mapigilan ang pagngisi. Unti-unti nang nabubuo ang pag-asang magkakaayos pa sila.
D*mn this feeling. Ang bilis na naman ng tibok ng puso niya.
"Kapal mo," mahina nitong sambit. "Wala akong dahilan para magselos."
"You already told me you love me, Elle." Sabi niya dito. His heart was fluttering. Dapat ay nag-aalala siya sa gagawin nila pero hindi niya mapigilan ang sarili.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...