20: Guilt Trip

7.7K 168 30
                                    

"Hindi mo ginawa? Anong nangyari? Umurong? Hindi tumayo?"

Tumawa nalang si Raffy ng malakas. Yung tawang nang-aasar.

"Parang di naman kapanipaniwala. Sa kamanyakan mong yan?"

Pumunta siya sa kusina. Kumuha siya ng dalawang malamig na beer sa ref at binuksan. Pagkabalik sa sala ay inilagay ang isa noon sa mesa, sa harap ni Pierre. Umupo siya sa katapat na sofa.

Last Drink. Makatao naman siya kahit papaano.

"Wag kang mag-alala, di pa kita papatayin. Makikinig muna ako." Sabi niya dito. Nakalabas na ang baril niya. Nakahanda na.

Nakaawang lang ang bibig nito at di parin inaalis ang tingin sa kanya. Kinuha nito ang bote ng beer. Uminom ng konti saka nagbugtong hininga. 

"Kumusta si Cat?" Tanong nito.

"Still alive."

"Si--"

"Look, Your Highness. If you're not going to confess. I might use all of these babies on you. Isa-isa, dahan-dahan kang mamatay," sabi niya sabay tutok ng baril. "Anong ginawa mo sa babaeng yon? Kay Isabelle?"

"Elle, we have a deal. Hindi naman sakop nito yon." Seryosong sabi nito sa kanya.

"Hindi nga," sagot niya. Tinaasan niya ito ng kilay ang ibinababa ang hawak na baril.

"Let see. One. Hahanapin natin kung sino ang gumawa noon sa Valerius. Two. Hahanapin natin ang kuya ko, which we already did," humugot muna siya ng hangin bago magsalita uli.

"Three. I'm going to kill you," sabi niya dito. Sumandal siya sa sofa at humalukipkip.

"Pwede ko namang unahin ang pagpatay sayo at isunod nalang yung pang-una. Wala ka namang sinabi kung kelan ko gagawin saka kung papaano, hindi ba?"

"Elle.."

"Sasagot ka ba?"

Napasapo nalang ito ng noo at nilamukos ang mukha. "Hindi ko nga magagawa sa kanya yon. Hindi ko kaya."

"Eh? Anong sinasabi noong Cat?"

Nagsasabi yon ng totoo. Walang dahilan kung gagawa naman iyon ng kwento. Isa pa kitang kita naman sa mukha ng tukmol na totoo nga yung paratang dito.

"I-I did hurt her. Nagdilim ang paningin ko nung malaman na may nangyari sa kanila ni Al. It's just...d*mn. Mahirap i-explain."

"Kaya mo siya ni-rape?"

"I didn't. Wala akong ginawa sa kanya. Natauhan ako. Hindi ko kaya. Ni hindi ko kayang hawakan maski ang dulo ng daliri niya," sabi nito. Napasabunot pa ito ng buhok.

"I saw her lying on the floor, unconscious--" saglit itong natigilan, "--and naked. Naalala ko bigla ang kapatid ko at...I just--"

"Kinain ka ng konsenya mo bago mo gawin?"

Di na ito makasagot.

"Bakit di mo sinabi sa kanya ang totoo?" tanong niya. "Pinaniwala mo siya na ginawa mo nga yon sa kanya."

Nakatungo lang ito.

"I get it. Gusto mong gumanti doon sa Head ng Valerius dahil sa ginawa niya kay Ate Raven. And Isabelle is the perfect pawn. Pero akala ko ba mahal mo siya? May 'my reason-my reason' ka pang nalalaman."

"I did love her--but--"

"G*go. Kung mahal mo siya. Hindi mo siya papaniwalaing ni-rape mo siya. Ganoon din yon. Parang ginawa mo na rin," sabi niya. Kinuha niya ang beer niya at uminom. Kahit papaano nabawasan ng init ng ulo niya sa tukmol na to.

"Si Ate Raven. May pakiramdam na ako dati pa na may nangyari din sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pinagdaan ni Isabelle yon? Lalo pa at nabuntis siya--ay f*ck sh*t. Naisip niya siguro na ikaw ang ama noon no? Grabe. Ang tindi mo."

Walanghiya talagang tukmol na to. Naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang reaksyon nito ng nalamang patay na si Isabelle noon. Gusto na ding mamatay. Ang bigat siguro ng loob kaya gusto nalang takasan ang lahat.

"By the way, she's dead, pareho silang namatay ng anak niya sabi ni Cat."

Tatayo na sana siya sa sofa ng makita niya ang pagtulo ng ilang patak ng tubig sa kamay nito.

Tama ba ang nakikita niya? Umiiyak ang Mahal na Hari.

Agad din itong pinunasan ang mga mata. Tumingala at pumikit.

"It's too late then." Nanginginig ang boses nito

Napalunok nalang siya. Ngayon lang na may umiyak na lalaki sa harap niya.

Men and their pride. Kahit Kuya niya di niya nakitang umiyak noon eh. Pero ang isang to...F*ck.

"You know what, let me tell you something," huminga siya ng malalim. "Alam mo ba kung bakit ako apektado?"

Kinuha niya ang bote ng beer niya at inubos na ang laman noon. 

"I was raped too. By six men, mga hunters sila. Twelve years old palang ako noon. May hinahanap sila pero di naman namin kilala. Noong di nagsalita si Kuya, ako ang pinadiskitahan,"

Nakatitig na pala ito uli sa kanya, di niya napansin. Sa pagkakataong ito, hindi niya mabasa ang ekspresyong nasa mukha nito.

"You have no idea how much I've been through. Hindi lang physically, masyado pa akong bata noon. I've spent five years in a mental ward. Nagising nalang ako, seventeen na ako. Paminsan minsan din naalala ko pa yung ginawa nila."

"Elle..."

"Kaya kung iniisip mong wala kang ginawa kay Isabelle dahil di mo itinuloy, nagkakamali ka. Ang alam niya parin, ginawa mo iyon sa kanya,"

Huminga siya ng malalim bago magsalita uli. "Mas malala ang aftermath ng rape. Tingnan mo nga, maski yung Cat galit sayo," sabi niya dito.  "Ganoon siguro kalala ang naging epekto kay Isabelle nang nangyari, maski mga taong nakapaligid sa kanya ramdam yon."

Nanahimik lang si Pierre matapos ang litanya niya. Nakapatungo ito habang hawak ang bote ng beer ng mahigpit.

Tumayo na siya at dinala ang bote niya. Hindi na niya hinintay kung ano pang sasabihin nito. Iiwan nya muna. Hahayaan niya munang mapuno ng guilt ang lalaking yon.

Ibinalik na niya ang baril sa holster sa belt niya.

No quick death for him. Not now.

Papahirapan muna niya.

Pumunta na sa may labahan. Kinuha niya ang may mga mantsang damit ni Cat. Madaming dugo ang nagmantsa doon. Mahirap maalis kapag natuyo.

May nakapa siya sa pants nito. Sa bulsa. Resibo ng drug store. Mukhang kahapon lang.

Ferrous Sulfate. VitaminD.

Weird. Bakit naman nito kailangan vitamins? Kahit naman di pa ito ganap na bampira, hindi naman ito nagkakasakit. Imposible.

Lalo na ng mabasa ang kabuan ng resibo.

Prenatal Milk.

Napailing nalang siya. Nagawa pa palang itago ng babaeng yon ang totoo.

Napag-isip siya saglit.

Magagamit ko ito.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon