45: Wedding Crasher

6.3K 161 38
                                    

"What time is it?" Tanong ni Raven sa katabi.

"Ten," sagot ni Kiel. Nararamdaman na naman niya ang mainit na labi nito sa batok niya. Lalong pang humigpit ang akap. "It's too early, Rave."

"Too early, my *ss," tumawa siya at bumangon na. "Get up, Kiel. Malalate tayo."

"Wait. Mamaya pa naman yung ceremony, dito ka muna," nakangisi na naman ito sa kanya. "Sandali palang kitang nasosolo."

Ngumuso nalang siya. Ilang araw na ng magpropose ito. Wala paring alam ang High Council sa kasal nila maliban kina Erze lang at Fritz. Patago pa din itong pumupunta sa kwarto niya.

"Get up, tara na," aya niya. "Baka dumating na yung mga maids."

Umupo na ito at dinampian siya ng halik. Nauna itong bumaba ng kama niya.

In his naked glory, d*mn. Napakagat nalang siya ng labi.

"Enjoying the view, my Queen?" Pinulot nito ang mga damit sa lapag at nagbihis nang nakangisi sa kanya.

Mamaya na ang ceremony ng kasal nila pero ngayon palang tumatakbo na sa kaba ang puso niya.

Sh*t. Ganto ba ang pakiramdam non?

"Later, Rave." Yumuko ito sa kanya at dinampian siya ng halik. Saka mabilis na lumabas sa kwarto.

Huminga nalang siya ng malalim. Naalala na naman niya, ano bang sinasabi ni Kiel na hindi ito kayang saktan ng High Council? At bakit mukhang close ito kay Erze?

Tumayo na siya sa kama. Ipinulupot nalang niya sa katawan ang kumot. Sa totoo lang madami pa siyang inaalala.

Wala pang magandang balita sa ngayon. Noong isang araw, nakatanggap siya ng tawag kay Fritz. Isa daw sa mga tauhan ni Vicky ang nagtangkang magnakaw nang dugo ng mommy niya. May hinala na rin sila kung sino ang may kagagawan sa nangyari sa Valerius. Ganon pa man, nababagalan parin siya sa pag-iimbestiga nila. Kung sana, nandoon siya para makatulong.

Mamaya pa dumating na ang dalawang maids. Tulad ng dati, nagtinginan ang mga ito bago ngumiti sa kanya. Alam ang mga ito sa nangyayari sa kanila ni Kiel pero alam din niyang walang ang mga itong pinagsasabihan. Ngumiti siya pabalik sa mga ito.

Matapos niyang makapaligo ay tinulungan na siya ng mga maids na mag-ayos at mag make-up. Tanghaling tapat ngayong araw ang napiling oras ni Erze para gawin ang ceremony. Tulog na ng mga panahong iyon ang karamihan sa mga ministro at iba pang naroroon sa Sanctuaire. Nagsialisan na rin ang iba pang natirang myembro ng High Council. Si Erze nalang ang nagpaiwan.

Hindi parin siya makahinga ng maayos. Kinakabahan talaga siya. Sa sobrang kaba, pakiramdam niya nasusuka na siya.

"Relax, my lady," ngisi ni Nisa sa kanya. Nararamdaman siguro nito ang pagkabalisa niya. "We're sure your groom is just as excited as you are."

"Am I really suppose to wear this?" tanong niya. Puting velvet gown iyon na may gold trimmings sa bandang dibdib. May sleeves na manipis na tela at mahaba.

Pati ba naman damit na susuotin niya, medieval din ang tema?

Masikip. Mahirap kumilos. Baka isang galaw niya lang biglang mapunit.

"You look really pretty in it," sabi ni Lira na inaayos ang buhok niyang medyo humaba na. Lampas batok na niya iyon. "It's a bit tight on the hips and on the chest though. Did you gain some weight, my Lady?"

"Lira, you forgot the veil." Sabi ni Nisa pagkatapos tumikhim.

"I'll get it--"

Nagulat nalang sila ng biglang bumukas ang pinto. Malakas yon at halos masira sa pagkakatulak.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon