62: Forgotten

5.2K 175 18
                                    

"Sorry. I'm sorry.It was my fault. Alam kong hindi mo ako mapapatawad," bulong niya. Umupo siya sa tabi ng kama ni Rap-Rap at bumuntong-hininga.

She's resting. May itinurok na gamot dito ang mga doktor kanina para mapakalma matapos magtangkang tumalon sa building. Nagwala pa ito kanina kaya minabuti ng mga nurses na pansamantalang itali ito para di saktan ang sarili. Pero alam niyang kahit na ganoon ay naririnig siya parin siya nito.

He told her everthing. Lahat ng kasalanan niya. Lahat ng pagkakamali niya.

Hindi siya umaasa ng kapatawaran. Gusto niya lang ibigay ang nararapat dito.

"If you want to end my life, I'll give it to you gladly," hinawakan niya ang malambot na kamay nito. "Ibinibigay ko sayo ang buhay ko kahit alam kong kulang pang kabayaran yon sa nangyari."

Napasandal si Pierre sa couch habang inaalala niya ang lahat.

He left that hospital for a while. May kinailangan lang siyang asikasuhin.

After a few days, bumalik siya. Handa na sana niyang harapin ang kamatayan niya. But all he found was an empty room and an empty bed.

She's gone.

She's suicidal. Inakala niyang itinuloy na nitong magpakamatay habang wala siya.

His world was crushed. Sising-sisi siya nangyari, pero wala naman siyang magawa. Ipinangako nalang sa sarili na hindi na dapat maulit sa iba ang nangyari dito.

Nilinis niya ang punot-dulo ng lahat.

Those f*cking hunters where drugged. Sa Fullmoon. Ginagamit nila ang drogang yon para masabayan ang lakas nilang mga bampira. Pero ang side effect noon, nagiging malademonyo ang pag-iisip nila. Mga demonyo lang naman ang makapag-iisip na gahasain ang isang batang babae at pagtangakaan pang sunugin pagtapos noon.

Inisa-isa niyang ubusin ang lahat ng nagbebenta noon. Lahat ng gumagamit. Mabuti na lang at hindi pa masyadong kumakalat at kakaunti pa lang nakakaalam kaya madali niya itong nagawa.

Nito lang niya nalaman na ang Daddy niya ang may pakana ng lahat. He confessed everything bago ito sumama sa Mommy nila sa kabilang buhay.

Binura pala ng Daddy niya ang alaala ni Elle, ang lahat ng tungkol sa kanya. Naconfine ito sa isang asylum at doon nagpagaling. Hindi na niya ito nagawang hanapin pa. Inisip niyang mas mabuti na yon. Inisip niyang mas tahimik na ang buhay nito ngayon.

But everything went downhill when he met her again on that bar. Noong una, hindi pa siya naniniwalang ito ang batang babaeng iyakin noon.

She changed. Na parang walang nangyaring masama dito. Kung hindi ito nagpakilala at nagkwento nang lahat, iisipin parin niyang hindi ito si Rap-Rap. Na ibang tao si Elle.

And then he fell. He fell hard.

And once a vampire did. Hindi na ito mapipigil. Mas matindi pa ito kaysa naramdaman niya noon kay Isabelle.

Nawalan na siya ng lakas ng loob na sabihin ang lahat. Kailangan niya yon gawin, alam niya. Pero naghihintay pa siya ng tamang pagkakataon. Nang kaunting oras para makasama pa si Elle. It was selfish pero hindi naman niya akalaing aabot sa ganito.

Nadinig niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto. It was his sister, Angelique. Tama si Carina, buhay pa nga ito.

"Pierre," tawag nito sa kanya. She looked disheveled, mukhang kagigising lang. Maikli na ang buhok nito at bahagyang nagkalaman. May kakaiba rin dito, nararamdaman niya. Hindi lang niya madetect kung ano. Hindi na rin niya nagawang lumapit at yakapin dahil galit na nakatitig ang mga mata nito sa kanya. "Where have you been?"

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon