"Ikaw ba talaga si Isabelle?" tanong ni Raffy sa kaharap.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan. Naalala niya na naman niya yung pagbanggit ng pangalan nito pagkatapos nilang magjugjugan ni Pierre.
"Ha? Oo, ako nga. Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Ahhmm.. ahmmm.." Bigla siyang nalito, di siya makapagsalita ng maayos.
Bakit nga ba? Sumisikip ang dibdib niya kapag nakakakita o nakakarinig siya ng kahit anong nakakapagpaalala ng tukmol na yon. Ilang araw naring paulit-ulit na nangyayari.
Hindi lang yon, bigla siyang nakaramdam ng panliliit ng matitigang mabuti si Isabelle.
Literal na panliliit. Malay ba niyang ganito ito katangkad. At saka ganito ito kaganda.
Naiinis siya. Naiinis din siya sa sarili niya dahil sa pagkainis niya.
Wala talaga siyang panama dito kahit saang angulong tingnan. Oo, alam niyang may hitsura naman siya kahit papaano. Pero kung di siya nag-eeffort na magpaganda at magpasexy, lagi nalang siyang napagkakamalang bata. O lalaki. Or worst, batang lalaki.
Pakshet.
Itong babaeng kaharap niya, magandang maganda kahit walang bahid ng make up. Nakasimpleng damit at nakalugay lang ang buhok, dyosa na.
Unfair ang buhay. Kakainis.
"She's a newly change vampire, she's probably hungry," biglang sabat ni Freidrich. Nakakatulala na naman pala siya ng matagal.
Lumapit pa ito at bumulong sa kanya. "Don't piss her off too, Mein Schatzi. She tried to kill me once. Well, she almost."
"Nadinig ko yon," sambit naman ni Isabelle. Mukhang di naman ito galit, nakangiti pa nga habang hawak ang umbok sa tyan. "Sorry ha, akala ko kalaban ka din eh," dugtong nito sabay peace sign.
Napatango nalang siya kahit niya masyadong naintindihan.
"A... wait, gutom ka na rin? Pupunta kasi ako sa kitchen, gusto mong sumama?"
"You should go, Rafaella," sabi ni Friedrich Lumapit ito uli at bumulong. "Remember. DON'T. PISS. HER. OFF."
Ngumuso si Isabelle at hinila na siya ng malakas. Muntik na siyang ma-out of balance sa pwersa. "Wag kang maniwala sa kanya. Di ako nangangagat. Konti lang." Sabi nito.
Napalingon siya kay Friedrich. Kinawayan lang siya nito habang kinakaladkad siya ng babae. Inalabi pa nito uli na wag na wag niyang gagalitin si Isabelle.
"Ang laki ng bahay no? Nakakatuwa. Halos kasing laki nang Paradiso," sabi pa ng babae habang naglalakad sila. "Ay, kapatid ka ni Kiel diba? Yung mate ni Raven?"
"Oo." Sagot niya.
Maiinit ang kamay ni Isabelle na nakahawak sa kanya. Pero alam niya hindi naman ito true blood. Papaanong nangyari yon?
Binuksan nito ang malaking ref nang makarating na sila sa kusina. Bumungad sa kanila ang mga daan-daang nakasabit na blood bags. Napalunok nalang siya nakita.
Dugo. Pakshet. Ano bang lasa noon?
"Ito o." Sabi ni Isabelle sabay abot sa kanya ng isang blood bag. Malamig yon pero mukhang fresh pa. Napalunok uli siya.
"First time mo?" tanong nito at ngumiti. "Ok lang lang masasanay ka rin. Sa umpisa wierd ang lasa,"
Tiningnan niya kung papaano ito uminom ng dugo. Kinagat lang nito ang isang dulo ng bag at doon sumipsip. Parang batang umiinom lang ng icetubig, naiisip niya. Pinunasan pa nito ang tumulong dugo sa bibig gamit ang likod ng kamay nang maubos iyon. Dumighay pa ito ng mahina. "Oops. Sorry." Sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...