Nakinig lang ng mabuti si Raffy sa kwento ni Cat habang nakaupo sa silya. Inintindi niya ang lahat ng sinabi nito. Mabuti nga at nakumbinsi niya itong magsalita sa nangyari.
Dating asawa pala ni Ate Raven ang head ng Valerius. Kasamaang palad ay naghiwalay sila. Napabuntong hininga nalang siya nang malaman niya kung bakit.
Kaya pala gustong-gusto nitong tulungan siyang hanapin ang mga lalaking iyon noon. Ito pa mismo ang nagprisinta kahit wala na siyang balak ipagpatuloy pa.
Kaya pala.
She was raped too. By her own husband.
Malamang naalala ni Ate Raven ang sarili sa nangyari sa kanya. Natural na maki-sympathize ang biktima sa kapwa biktima.
Nagsisi daw ng husto yung Alejandro sa nagawa. Sinundan si Ate Raven kung saan-saan, makahingi lang daw ng tawad. At siguro, para makipagbalikan na rin.
Doon nakita noong Alejandro si Isabelle. Kinidnap nito ang bestfriend ni Ate Raven para mapilit itong makipag-usap. Yung nga lang ay naaksidente sila kaya napilitan gawing bampira.
Nakakuha ng tyempo si Pierre para maipahiganti ang kapatid. Nakita daw nito na sobra ang pag-alala noong Alejandro sa babae. Ginamit nito ang pagkakataong iyon na mapapayag si Isabelle na akitin ang head ng Valerius. Pagkatapos noon sana ay itatakas na ito papalayo.
"Kaso nainlove na si Isabelle sa head niyo?" tanong niya kay Cat.
Paksh*t kasi. Ang lakas ang saltik sa utak ng tukmol na yon. Akala niya mahal noon si Isabelle. Ba't mo naman ipapain ang taong mahal sa isang taong galit na galit ka? Mahal mo nga eh. Di ba kahit anong mangyari, uunahin mo ang kaligtasan niya?
Tumango si Cat. "Pierre was furious. Nagalit siya kay Isabelle sa nangyari kaya niya ginawa yon." Tuloy nito sa kwento. Ngumiwi itong bahagya. Hindi pa nga gumagaling ang sugat nito.
Napabugtong hininga nalang siya matapos mag-isip. Parang teleserye plot ang kwento nila. Ang gulo. Di niya akalaing may mga isyung ganto ang mundo ng mga bampira. Akala niya bukod sa pagpaparami ng lahi, puro pag-inom ng dugo at pagtatago ang pinagkakaabalahan nila.
"What happened then? Pano ka nakatakas? May buhay ka pa bang kasama?"
Pangangiwi uli si Cat bago nagsalita. Hinawakan ang tiyan. Nakita niya ang pagkalat ng pulang likido noon sa puting tshirt na suot nito.
"Wala."
Pakingsh*t. Napatayo siya sa upuan para daluhan ito. Pinagpapawisan na ito ng malamig.
Kailangan nitong magpahinga. Hindi gagaling agad ang sugat kung mananatili itong gising.
"I-I was the only one left," hirap nitong bulong. "They are all dead.."
"Cat, stay still." Pinahiga niya ito sa kama. Mabilis siyang pumunta sa drawer para kumuha ng mga tinatago niyang pampatulog. Kinuha niya ang syringe at nilagyan ito ng gamot.
"I-Isabelle's dead. Kasama nang anak niya. T-tell that to that bastard," sambit pa nito kahit hirap na hirap.
Napatikom nalang siya ng bibig.
Kininuha niya ang braso ng babae at dahang dahang tinusok ang karayom doon.
"What's that for?" Tanong nito. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Tranqz. Kailangan mong matulog." Sabi niya.
"No--" Hinawi pa nito ang kamay pero madiin ang pagkakahawak niya. Nagawa na niyang maipasok ang gamot sa katawan nito.
"Wag kang mag-alala. May deal kami ng tukmol na yon. Hindi ka mapapahamak pag nasa poder kita."
Nakita niya ang pagpungay ng mata nito. Unti unti nang tumatalab ang pangpatulog.
"I-it was his fault," mahina na ang boses nito. "H-he was part of their pl-an--."
"Plan?"
Napapikit na si Cat. Wala na. Nakatulog na nga. Effective talaga yung mga tranquilizer na nadekwat sa Victory Pharmaceutical. Malakas talaga kapit ni.Diego doon.
Speaking of Diego. Kailangan na naman niya ang lalaking iyon ngayon.
"Plan huh?" Nasabi nalang niya sa sarili pagtayo sa kama. Kinumutan niya ito at inayos ng higa para maging komportable.
Hinayaan nalang niya ito. Mas marami siyang makukuhang impormasyon kung manatili itong buhay. Hindi nga lang niya alam kung kelan ito magigising. Mukhang malala ng tama.
Huminga siya ng malalim. Kinuha niya ang baril.
Lima pa ang balang natitira. Silver.
Hindi siya mangingiming gamitin lahat ng yon ngayon.
Lumabas na siya ng kwarto. Nakita niya si Pierre na nakaupo sa sofa. Nakatungo. Mukhang hinihintay siya.
"We need to talk." Bungad niya dito.
Umangat ang tingin nito at tumitig sa kanya. Nakikita niya ang pagsisi sa mga matang iyon.
It's too late.
Humigpit ang hawak niya sa baril.
This is it then.
"I didn't do it."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...