19: Say Something

8.1K 168 13
                                    

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Raven. Kinapa pa niya ang kama para hanapin ang katabi.

"Kiel?" Wala ito doon.

Napalikwas siya ng bangon at tumingin sa paligid. Wala din ito sa kahit saang sulok ng kwarto.

Sh*t! Ang sinungaling. Sabi di ako iiwan.

Bumaba na siya ng kama. Naglakad papuntang bintana at sinilip ang likod ng kurtina. Maliwanag na. Nakikita na niya ang paglaglag ng snow sa labas.

Nakatapat sa courtyard ang bintanang yon. Kitang-kita niya kung gaano kalawak ng Sanctuaire. Madalas ikwento ni Pierre sa kanya ang lugar na ito noon sa mga sulat, laging pinagmamalaki kung gaano kaganda ang lumang kastilyong pinagawa pa ng mga ninuno nila. Ilang taon din ito kasing nag-stay dito noon.

Naalala din niya, magkaibigang matalik pa noon ang kapatid niya at si Alejandro. Dito sila nagkakilala.

D*mmit. Bakit ba sumagi sa utak niya ang lalaking yon?

Hindi ba kaya siya nagpakalayo-layo para makalimutan na ang lahat? Alam niya sa sarili niya na hindi parin niya ito napapatawad.

Ang huling balita niya ay ikakasal na ito kay Ish. Magagawa na ng mga ito yon. Ang alam ng lahat ay patay na siya.

Yes, she felt betrayed. Mismong bestfriend pa niya ang magiging asawa ng lalaking kinamumuhian niya.

Pero mas malaki ang kasalanan niya kay Isabelle. Nang dahil sa kanya, nagawa itong saktan ni Pierre. Muntikan niya ring saktan ang magiging anak nito dahil sa galit niya.

Mas mabuti na sigurong maging ganoon nalang ang kinalabasan ng lahat. Mas minabuti niyang pabayaan nalang sila.

Umatras na siya mula sa bintana. Kailangan pa niyang hanapin si Kiel, naiisip niya. Baka naglakadlakad lang iyon sa labas.

Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nitong mangyari. Kung anong deal nila ng Daddy niya.

Nasaan na ba kasi? Kailangan na nilang mag-usap. Dapat kasi matagal na niya itong ginawa. Masyado lang siyang nadala ng galit.

Kinuha niya ang robe na nakatupi sa may higaan niya at isinuot iyon. Binuksan niya ang malaking kahoy na pinto. Kahit na malakas siya, ramdam parin niya ang bigat noon. Pumasok na doon ang malamig na hangin galing labas.

Hindi ako tatagal dito. Sa isip-isip niya. Pakiramdam niya magyeyelo na siya sa sobrang lamig.

Naglakad siya sa madilim na hallway. Para talaga siyang nasa middle ages. Walang maaninag na switch man lang ng ilaw. Napag-iwanan na ang lugar na ito ng panahon.

Nakarinig siya nang boses sa di kalayuan. Saglit siyang tumigil.

Boses ng babae ang nangingibabaw. Mukhang nakikipag talo ito.

"Ty dolzhen mne, Kiel!"

Russian. Hindi niya maintindihan. Nagtago siya sa isang haligi sa hallway. 

Si Kiel ba ang kausap nito?

"I don't owe you anything Yulia, stop this." 

"Ne ostavlyay menya, Please. I need you more than her."

Doon niya nakumpirma. Boses nga ni Kiel iyon. Kausap niya yung Yulia na kasama nito sa Japan. Di niya akalaing nandito rin pala ang babaeng yon. Maraming pa itong sinabi pero wala siyang ideya kung ano mga yon.

Maya-maya pa ay tumigil na sila. Pero nakarinig siya ng ibang kaluskos. Di nga niya maintindihan kung bakit biglang sumikip ang dibdib niya. Masama ang kutob niya dito. Umalis siya sa pinagtataguan at dumiretso sa hallway. Sinundan niya kung saan nanggaling yung mga boses nila.

Natigilan siya sa nakita.

There they are locking lips. Nakapulupot pa ang kamay ng babaeng iyon sa leeg ni Kiel habang hawak-hawak naman nito sa bewang ang malandi.

Sabi na nga ba.

Tuloy-tuloy lang sila. Ni hindi nito naramdaman ang presensya niya. Nanginig ang buong katawan niya at hindi ito dahil sa lamig.

F*ck them.

"Kiel." Mahina pero sinugurado niyang maririnig ng mga ito iyon.

Kitang-kita niya kung paano ito kumawala sa yakap ni Yulia nang maghiwalay ang labi nila. Itinulak pa ito papalayo.

Halatang nabigla din ang babae dahil sa ginawa nito. Hindi na niya binigyang pansin iyon at nakatuon ang atensyon niya sa papalapit na si Kiel.

Isang malakas na sampal ang sinalubong niya dito.

D*mmit. Parang nasa teleserye lang na paborito ni Isabelle. Ito yung eksena kung saan nangangabit ang asawa ng bida. Gantong-ganto yon. Ganto pala ang pakiramdam noon.

Ang sakit.

Alam niyang wala siyang karapatang masaktan pero di na niya madadaya ang nararamdaman niya ngayon.

Tumalikod na siya bago pa makapagreact si Kiel. Mabilis siyang bumalik ng kwarto pero alam niyang nakasunod parin ito. Nahila pa siya nito papalapit bago siya tuluyang nakapasok.

"Pakinggan mo muna ako." Sabi nito sa kanya. Putok ang labi nito dahil sa sampal. Dumudugo.

Dugo.

Sh*t, hindi dapat siya madistract ngayon.

"What? Anong sasabihin mo?!" sigaw niya dito. Nag-eecho sa hallway ang boses niya.

"Na mas masarap humalik ang babaeng yon? Hindi ako bulag. Kung hindi ako dumating, hindi lang iyon ang gagawin niyo!"

"Rave--"

"Five months na diba? Siya ba ang kapalit ko sa five months na yon? Did she gave you a good f*ck Kiel?! C'mon, say something."

Di na niya napigilan ang sarili niya. Sunod sunod na yong lumabas sa bibig at nasampal na naman niya ito.

"P*tsa naman, Rave!" Sigaw naman nito sa kanya. Nasuntok pa ni Kiel ang batong haligi malapit sa pinto. Nadurog ang ilang piraso noon. Dumugo rin ang kamay nito sa sobrang lakas ng pwersa.

"You don't have the right to accuse me! In the first place, ikaw ang lumayo, ikaw tong nagtago. At sino ba sa atin ang nahuli kong sumasama sa lalaki para lang magkapera?!"

Natigilan siya sa mga narinig niya.

Ang sakit talaga. Mas masakit pa ito sa silver bullet na binaril sa kanya.

Yun nalang ang naramdaman niya. Kahit ang lamig di na pinapansin ng balat niya. Ngayon lang siya napagsalitaan ng ganoon, and worse, kay Kiel pa galing.

As if naman, papatol siya sa lalaking sinasabi nito. She was desperate, ginawa lang nya iyon para mabuhay. Pero hindi naman ibig sabihin noon, pinagamit na niya ang katawan niya sa iba.

Biglang nagbago ang reaksyon nito. From frustration and anger, to regret.

"Raven, I'm sorry..."

Wala na. Nasabi na. Hindi na nito mababawi iyon.

Mabilis lang siyang umatras at pagbagsak na sinara ang makapal na pinto. Iniharang niya ang malaking kahoy para hindi ito mabuksan.

Dinig na dinig pa niya ang mga malalakas na katok ni Kiel, ang mga sigaw nito, ang pagtulak nito sa pinto. Nagpupumilit itong pumasok.

Napuno nang kalabog ang buong kwarto. Mukhang naiskandalo ang iba pang nandoon. Nakarinig pa siya ng papalapit na yabag. Marami.

Napaupo nalang siya sa kama at napayuko.

Maya-maya pa ay tumigil na si Kiel sa pagwawala. Nadinig niya ang pagtahimik sa labas.

I want to die...

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon