"Wag kang gumalaw." Saway ni Raffy kay Bulan.
Nakaupo ito ng patalikod sa kanya habang sinusubukan niyang tanggalin unti-unti ang device na nasa likod nito.
Hmmm...para talagang scorpion na gawa na silver, naisip niya.
Anim ng mga paa ng device na iyon ang nakayakap sa ribs nito, nakabaon sa balat at malamang nakadikit na sa buto. Samantalang ang pinakabuntot ay nakabaon naman sa spine. Pre-world war one ang yari. Mukang matagal na nga. Buti walang kalawang.
Nagtataka lang siya. Paano nito natagalan ang silver na ganito kadami sa katawan? Ikamamatay na ito ng ordinaryong bampira.
Hindi ba allergic ang mga ancient blood sa ganito?
"Sandali... Nakakakiliti ang iyong mga daliri. Maari bang huwag mong hawakan ang aking balat?"
Gusto niyang magfacepalm sa sinabing yon ni Bulan, kung di niya hawak ang mga maliit na screw driver at tinatanggal ang mga maliliit screws ng device. Adik lang, naisip niya. Paano niya matatangal yon kung di niya hahawakan.
"Ang arte mo. Wag ka na kasing malikot." Ibinaba niya ang niya ang hawak na screw driver at kumuha ng mas maliit.
Mabuti nalang talaga at nabitbit niya ang backpack niya. Andoon ang mga kailangan niya. Yung kit niya at yong mga screw drivers. May dala rin siyang snips at kung ano-ano pang pang gupit ng matitigas na bagay. Usually nga lang, ginagamit niya iyon sa pagtu-torture ng bampira hindi sa ganito.
Sayang nga lang yung, ibang gamit niyang di nadala. Hindi na niya babalikan yon. Hindi na siya babalik doon.
"Hindi kasi ako sanay na may humawak sa akin, lalo pa at wala akong saplot," sagot ni Bulan. Napaigtad na naman ito ng subukan niyang alisin ang nakadikit na parte sa may tagiliran nito.
"Ay, pambihira! Nakikiliti talaga ako."
"Ano ba?! Pa-vigrin naman eh." Singhal niya.
Eh ano kung walang damit. Meron din naman siya noon. Mas malaki pa.
Nakababa kasi ang pang manang na damit ni Bulan hanggang bewang. Topless at buhok lang nito ang tumatakip sa boobs.
Ah kaya pala, kaya pala sa kanya humingi ng tulong kasi babae din siya. Naalala niya na pumunta rin si Diego noon dito sa Paradiso. Pero wala namang nabanggit na may natrap dito. Na gets niya na masyadong mahiyain ang babaeng ito.
Hinawakan niya unti-unti ang metal sa pinakagitna nito. Nakarinig siya ng pagclick na sign na unti-unti na niyang nababaklas ang parteng iyon.
Pakshet ang bigat pala.
Mga ilang kilo yon. Dahan-dahan niya itong kinalas at inilapag sa malapit na lamesa. Nagulat nalang siya ng bigla itong gumalaw. Tumalsik ito at sa pinakagitna ng library bumagsak.
"Whoa! Ano yun magnet? Dito sa loob ng library?"
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ako'y nakapiit dito. Ang batubalaning iyon ang humihila sa akin,"
Literal palang hinihila pabalik. Ang sakit siguro, naiisip niya. Lalo pa at sa likod nakakapit.
"Maari mo namang tanggalin ang bagay na iyan ng isang iglap. Bakit mo kailangang unti-untiin pa?" Tanong ni Bulan sa kanya.
"You mean hihilahin ko nalang? Pag ginawa ko iyon, mamamatay ka,"
Delikado. Doon pa naman sa leeg nakabaon yung buntot. Doon ang pinakamahinang parte ng katawan ng mga bampira. Sure na sure na maling galaw lang, matitigok ito. "Tiwala lang. Matatangal ko to ng din ito na walang mangyayari sayo."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...