58: Run Riot

5.2K 181 33
                                    

"Naloko na..."

Napahawak nang mahigpit si Raffy sa baril. Iilan nalang ang bala noon pero may reserba pa siya, yung galing sa hunter na nakaenkwentro nila ni Pierre doon sa gas station. Hindi nga lang niya siguro kung kakasya pa dahil mukhang maraming hunters na paparating. Idagdag pa yung mga bampirang rogues sa paligid.

Napatingin siya kay Bulan. Mukhang pinapakiramdaman ang nangyayari.

"Sa kanluran dadadaan ang mga manunubos, doon sana ang mabilis na daan. Kung sa hilaga tayo, may mga nilalang pang uhaw sa dugo ang makakasagupa natin," sabi nito.

Kumunot ang noo niya. Ilang segundo rin ang dumaan bago niya nahimay ang sinabi ng babae.

Ba't kasi ang makata mo!

Mukhang tama naman ito. Yung mga hunters sa likod mangagaling. May mga rogues namang gumagala sa dinaanan nila kanina.

Delikado kung doon sila dadaan sa unahan lalo pa at kasama niya ang babaeng ito. Malakas ang pang-amoy ng mga rogues, mukhang naamoy na ng mga yon ang dugo ni Bulan nang tinanggal niya ang device kanina. Hindi na rin mga takot, siguro dahil wala na nga yung silver nito sa likod. Nadidinig na nga niya ang mga ungol ng mga bampirang gutom na papalapit sa kanila.

"Kung nais mo, maari tayong maghiwalay. Ako ang haharap sa mga manunubos sa hilaga. Maari kang dumaan sa iyong tinahak kanina. Ngunit makakaya mo bang mag-isang harapin ang nilalang na naroroon?"

"Ok lang sakin. Mga rogues yon, sanay na ako sa kanila. Ikaw, kaya mo ang mga hunters?"

Tumango si Bulan at ngumiti "Oo. Isa pa, gutom na din ko."

Napangiwi siya. Oo nga naman, laman tyan din yon. Mabuti nalang pala at di siya ang pinagdiskitahang lamunin kanina.

Sinuot na niya ang backpack niya. Mahirap kung magtatagal sila dito. "Si Isabelle? Asan ba siya? May usapan tayo diba?"

Nakita niyang may kinuha si Bulan na parihabang bagay sa isang estante doon. Inabot ito sa kanya. "Umiilaw ang mahiwang bagay na yan at kapag pinipindot ko ang isang umbok, nakakausap ko siya."

"Cellphone?"

Gusto niyang tumawa ng malakas. Ang inosente sa technology naman nito. Lumang model iyon pero mukhang may battery pa at gumagana. "Saan ba siya pumunta?"

"Pinuntahan niya si Catalina. Maiigi iyon sapagkat nangangailangan ang buhay sa sinapupunan nito ng sariwang dugo."

Tumango nalang siya. Kung ganoon, sa Quiapo ang punta noon. Na kina Chua sina Cat at kasama ni Diego. Sana lang ay makarating si Isabelle ng maayos doon. Didiretso nalang siya pagkagaling dito.

Nakarinig niya ang isang pagputok ng baril. Inihanda na niya ang sarili.

"That's our cue. Tara, malapit na sila." Sabi niya kay Bulan.

"Maraming salamat. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagpapalaya mo sa akin," sabi nito at ngumiti. Lumapit ito at hinawakan ang kamay niya. "Kung nais mong humiling ng kahit anong bagay, tumingin ka lamang sa langit, sa buwan. Matutupad iyon."

Ngumiti na rin siya ng pilit. Hindi siya naniniwala sa mga hokuspokus na ganyan. Pero baka mapahiya naman itong si Bulan kapag sinabi niya yon. "Uhuh, sige salamat. Ingats."

Yun lang at bigla itong nawala sa harap niya. Parang hangin lang na dumaan. Naiwan pang nakabukas ang pinto.

Matapos noon ay nakarinig na siya ng mga putok ng baril sa mga hunters. Kasabay nang mga pagsigaw. Nag-uumpisa na nga si Bulan.

"Ay letse. Excited lang."

Mabilis na rin siyang tumakbo papalabas. Pagbungad palang ay may rogue na agad na humarang sa kanya. Isang bala ng baril ang tumama dito at nangisay agad sa sahig.

Napangiti siya. Matagal na rin siyang di nakakapag hunt ng ganito. Dati paisa-isa lang na rogue ang hinahunting niya at kailangan buhay pang madala sa kliyente. Ngayon pwede siyang magpaka-trigger happy.

Isipin mo, yung manlolokong tukmol yan Raffy!

Dalawa pa ang sumalubong sa kanya. Agad niyang ding binaril sa ulo. Di siya kasing asintado ng kuya niya pero at least tumatama naman siya sa mga ito. Silver bullet naman ang mga bala. Siguradong mamatay ang mababaril niya.

Weird lang. Takot ang mga rogues kay Bulan dahil sa silver nito na nakakabit sa katawan. Pero sa mga bala niya hindi. Lima pa nga ang sumugod sa kanya na natamaan niyang lahat.

Ay teka. Malay ba nila. Siguro narerealize lang ng mga itong silver yon kapag nabaril na at humadusay na ang mga ito sa sahig.

Nakarating siya isang maluwang na parte ng lugar. Nagkamali yata siya ng malilikuan. Di siya dito dumaan kanina. Mukhang itong ballroom na napapaligiran ng debris ng bumagsak na kisame nito. Puno pa ng mga basag na salamin ang paligid.

'Screeech!'

Dinig niyang pagdausdos ng isang lalaking rogue na papalapit sa kanya. Agad niyang pinuntirya ang ulo nito pero nagawa nitong ilagan. Mabilis itong nakadikit sa kanya at nahawakan sa braso. Nakabuka na ang bibig nitong naglalaway at sasakmalin na siya.

"F*ck!" Babarilin na sana niya ito nang biglang tumalsik ang rogue papalayo sa kanya.

"Elle!"

***

Paradiso.

Doon dinala si Pierre ng pakiramdam niya.

He marked Elle. Ramdam niya kung nasaan ang presenya nito. Sinundan niya lang ang instinct niya at doon siya napunta.

Sa totoo lang, kanina pa siya di mapakali. Kung hindi lang ng dahil kay Carina, kanina pa niya gustong umuwi at makita ito. Parang may nararamdaman siyang di magandang mangyayari. Yung tawag ni Dom ang nagkumpirma noon.

"Damn it!" Napamura nalang siya. Di niya akalaing nakaalis ito nang di namamalayan ni Dom. Malalagot sa kanya ang lalaking yon. Pero sa ngayon kailangan niya munang mahanap si Elle.

"Why would she be here?" Tanong niya sa sarili pagbaba niya ng sasakyan.

The place looked haunted. Malayong malayo ito sa dating Paradiso na naging tirahan din niya noon. Sira-sira na ang paligid. Nagpadagdag pa ang katahimikan at ang unti-unting pagdilim ng langit.

Tahimik siyang naglakad. Sinundan niya lang ang pangdama niya. Pumasok sa loob ng isang crack sa pader.

Nandito lang si Elle. Ramdam niya, malapit lang.

May nararamdaman din siyang ibang presensya sa paligid. Mga rogues. Di ito lumalapit sa kanya na parang may kinakatakutan.

Rogues were driven by hunger and by the fear of something that could hurt them. Yung silver collar niya sa leeg malamang ang nadedetect nito.

Kung may mga buhay pang natira dito, maaring totoo nga ang sinasabi Carina na buhay si Isabelle. Pero nasaan naman kaya ito?

Nag-igting ang panga niya. Ayaw niyang isiping nawala na rin ito sa sarili katulad ng mga bampirang nasa paligid niya.

Bigla siyang nakarinig nang mga putok ng baril. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Mabilis niyang kumilos at sinundan kung saan ito nanggagaling.

"Elle!"

Sunod-sunod parin ang putok. Kinakabahan na siya. Di niya kakayahin kung pati si Elle, mawawala sa kanya.

No. Not again.

Lumiko siya sa isang hallway at pumasok sa isang nakabukas na pinto.

And there she was. Nasa gitna ito ng ballroom habang binabaril ang isang rogue na papalapit. Hindi nito agad natamaan at nawakan ito sa braso noon.

"Get off her!" He used his psych. Tumalsik ng malakas ang rogue papalayo dito.

"Elle!"

Napahawak siya sa leeg. Hindi na siya makahinga. He used too much. Lalong kumalat ang silver sa katawan niya

"Pierre?"

Napalingon si Elle. Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha nito. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Hinahanap--"

Di na niya naituloy ang sasabihin ng may balang tumama sa balikat niya.

"F*ck you!"

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon