"What were you thinking Angelique! You're pregnant. Bakit ka lumabas ng ganoon, alam mong delikado dito?!" Singhal sa kanya ni Vicky. Nakatayo ito sa malapit at nakapamewang pa. "Pano kapag may nangyari sayo?!"
Bumuntong-hininga si Raven. Kanina pa siya pinapagalitan ng babae. Akala pa naman niya, matutuwa itong makita siyang muli.
"Nandito ang mga Schwarze, ang alam na namin sa Pilipinas sila nakabase ngayon. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ni Kiel at pumayag na umuwi kayo dito." Dugtong pa nito.
Hindi niya ito pinansin at umayos ng upo sa couch. Napatingin siya kay Isabelle. Tulog na tulog ito habang sinasalinan ng dugo. Mas minabuti niyang dito sa bahay-slash-mansion ni Kiel dalhin ang kaibigan. May nangyari daw sa building nila Vicky kanina. Ngayon nga, dito rin muna daw ito tutuloy. Bitbit nito ang mga maleta nang damit ng pumunta dito.
"You don't know how worried I am, Angie. Alam mo naman ang nangyari noon kay Helena. Ayokong mangyari sayo yon."
Alam niya yon. Ilang beses na rin naikwento sa kanila ni Pierre kung paano namatay ng Mommy nila. Halos kakatapos palang ng gera noon. They've won that war, pero marami parin na natitira at nagkalat na mga kalaban mga ilang taon pagtapos noon. Bago pa sila ipinanganak, ilang beses ding nanganib ang buhay nito dahil sa pagtatangka ng mga yon. And because of the stress and all, their mother didn't survive their delivery.
And now she's more worried on Isabelle's condition than hers. She's a trueblood, si Ish hindi. Isang himala na nga na nakatagal ito ng ganto.
Sh*t. "I need to find Alejandro. Sana buhay pa siya."
Pinanlakihan siya ng mata ni Vicky. "Oh my Angelique. Ikaw ba yang nagsasalita? That's your ex."
"And Isabelle's mate," sagot niya. Malaki ang kasalanan sa kanya ng lalaking yon pero para kay Isabelle naman gagawin niya.
"Kailangan nilang magkita ni Ish bago siya manganak." Tulad nang gustong mangyari ng kaibigan niya. Umaasa siyang makakaligtas ito sa panganganak pero may tyansa paring hindi. Yun lang ang pwede niyang gawin sa ngayon.
Dinig niya ang paghinga ng malalim ni Vicky. "My goodness. Bakit naman kasi sunod-sunod kayo? Timing pa na may mga kalaban," sabi ito at humalukipkip.
"Ano bang meron yang mga matres nyo at nakakabuo pa sa gitna ng gulo? Pwede bang mahiram, baka mapanis na ang mga ovaries ko."
Natawa nalang siya at tumayo. Same old Vicky, naisip niya. Lumapit siya dito at yumakap.
"I missed you, Vicky."
Yumakap na rin ito. Sabi na nga ba, di rin siya nito matitiis.
"I missed you too, little girl. Nakakainis ka ba't di ka nagsabi na--" kumalas ito sa kanya. Nakita niya ang mga mata nitong nakatitig sa bandang puson niya. Nakakunot ang noo at nag-aalala.
"Vicky?"
"I can hear them..."
"Them?"
"You are carrying twins."
She gasped. Hindi niya alam kung saan ilalagay saya niya.
Twins. Sa kanilang dalawa ni Kiel.
"R-really?" tanong niya dito. Gusto niyang tumawa sa sobrang tuwa. Pero unti-unti rin yong nawala ng makita niya ang reaksyon ni Vicky. Takot. Lungkot. Nakita niya agad iyon sa mga mata nito.
"Something is wrong, isn't it?"
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Hindi ko pa sigurado. We really need to check first, Angie. I can't--"
"Just tell me what is it, Vicky. Please."
"Two heartbeats. Around five to six weeks--" saglit itong tumigil. "Mas malakas ang isa, and the other one... I can't really tell, Angie. Mas maganda talaga kung mache-check up ka."
Napahawak siya sa sinapupunan niya. Bigla siyang natakot. Ang ibig sabihin ba ni Vicky, pwede isa lang ang mabuhay sa dinadala niya?
Naputol ang pag-uusap nila bumukas ang pinto. Si Fritz ang iniluwa noon. Mukhang haggard na at stressed. Hindi pa ito nagpapahinga sa tingin niya. Kaninang paghatid nito sa kanila ni Isabelle sa bahay ay umalis ito agad. May aasikasuhin daw.
Diretso itong tumungo kay Vicky na parang di napansin na nandoon siya.
"Sorry, Gummibärchen," sabi nito. "I've cancelled Yulia's flight. She can't go back to Sanctuaire in her condition and--"
"Fritz!" Saway ni Vicky sabay tingin sa kanya. Napaawang bibig ng lalaki ng makita siya. Hindi nga talaga siya napansin nito pagpasok.
"Yulia?" Anong ginagawa ng malanding babaeng yon dito? "What condition?"
She heard Fritz cursed in German. Sunod-sunod pa. May mali talaga. Kaya ba nito sinabi kanina na dapat nag stay nalang sila sa Sanctuaire? Yung Yulia ba ang sinasabi nitong kasama ni Kiel?
"Answer me! Now!"
"No, Angelique you should rest now..." Malumanay na sabi nito sa kanya na para bang batang pinapatulog. Akmang hahawakan nito ang braso niya pero agad siyang pumiglas.
"I'm pregnant, not sick! Answer me!"
"I'm sorry Angie. Mas mabuti kung wag mo nalang alamin. Masasaktan ka lang. Makakasama sayo." Sabat naman ni Vicky.
"Pati ba naman ikaw, Vicky?"
She's sick of these. Lahat nalang may tinatago sa kanya. Bigla tuloy siyang nahilo.
"Gottverdammt! I can't take this anymore!" Si Fritz na ang sumuko. Kinusot nito ang buhok at humarap sa kanya. "We have tons of things to worry about than this f*cking intrigues!"
"Freidrich!" Si Vicky naman. Mukhang nag-aalala ito sa sasabihin ng asawa.
"I got shot, stabbed and then strangled by psych by that-- that--" itunuro pa nito si Isabelle na tulog parin at walang malay sa nangyayaring kaguluhan. "I don't care if the King will kill me for this, I had enough. My Queen, listen--"
Sasawayin pa sana ito ni Vicky pero sinenyasan ito ni Fritz na wag makialam.
"Say it." And she braced herself. Napahawak pa siya sa edge ng lamesita doon.
"Yulia Orlova is with child. She's three months due. And your mate--"
Si Kiel.
It all came crashing down on her.
I need you more than her... Natatandaan niyang sinabi ng babaeng iyon yon kay Kiel noong nahuli niya ang dalawang yong magkahalikan sa Sanctuaire.
Three months. Mas nauna pa ito sa kanya. Inamin naman ni Kiel na nagkaroon ito nang relasyon noon dito pero di parin niya matanggap.
Kaya pala. Kaya pala ganoon nalang ito kadesperado noon. Kaya pala gumawa ito ng paraan para pigilan ang kasal nila. Kaya ito nandito.
Tuluyan na siyang nahilo. Nanghina na rin ang mga tuhod niya. Mabuti nalang at nahawakan agad siya ni Vicky.
Tuluyan siyang napapikit ng marinig ng buo ang gustong sabihin ni Fritz.
"...fathered it."
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...