1. Innocence

13.1K 250 35
                                    

Maingay.

Maraming tao.

Magulo.

Naalala na naman niya ang kapatid. Alam niyang madalas ito sa mga ganitong klaseng lugar. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit.

Damang-dama niya ang bawat musikang tinututog nang bandang nasa sa stage. Ang bawat pagsasaya ng nga tao sa paligid. Ang bawat galaw. Ang bawat bitaw ng mga salita ng mga ito habang nag-uusap sa dilim at sa impluwensya ng alak.

Buhay na buhay ang lahat. Nakakahawa. Nakakabawas ng badtrip niya.

"Pierre. You're not suppose to be here." Saway sa kanya ni Dominic.

Alam nitong maraming customer ngayon pero heto ang bartender at pinakikialaman siya kaysa gawin ang trabaho.

"F*ck it Dom," sabay lagok ng alak sa basong hawak. "Stop pestering me about my obligations." Tinalikuran niya ito. Sumandal nalang sa bar counter at nagmasid sa paligid.

Kaya nga siya nandito ngayon. Para makapaglibang. Para maghanap ng paglilibangan.

"You are our KING," mahina pero mariin ang pagkakasabi noon. "You have to attend to that."

Nag-igting lang ang bagang niya sa narinig.

Kung bakit naman kasi magpapakamatay nalang ang ama, dinamay pa nito ang kapatid niya. Hindi sana siya nahihirapan ngayon.

Oo, matagal nang plinano nang Daddy niya ang lahat. Matagal na nitong gustong makasama ang asawa sa kabilang buhay. 

Alam na niya iyon matagal na.

At naiintindihan niya.

Tanggap niya na mas pinili nitong tapusin nalang ang buhay kaysa araw araw na madepress at tumitig sa picture ng Mommy nila. At least tapos na ang paghihirap ng ama.

Ang hindi niya matanggap ngayon kung bakit pati si Angelique, kasama nitong namatay. Ang masakit pa nito. Hindi niya nasabi ang totoo dito. Hindi niya naipaliwanag ang lahat.

Napahigpit ang hawak niya sa baso. Umiinit na naman ang ulo niya kaapag naalala ang nagyayari.

That butler told him everything. If it wasn't for their stupidity, she will still be alive.

Ang dapat sana ay dadalhin si Angelique sa Sanctuaire para doon ipasa ng pormal ang posisyon ng ama. Yung ang alam niyang dapat nangyari. Pero hindi.

Bumalik pa ang kapatid sa barko para hanapin ang ama. Pero hindi ito sinundan ng mga tauhan ng Daddy nila, pinabayaan lang kahit alam na nila ang mangyayari. Nagawa pang iwan nang mga ito ang kapatid sakay nang sariling helicopter noong malapit nang sumabog ang cruise ship.

Those bastards. They are running for their lives now. Nagtatago na kung saan dahil kung makita niya ang mga ito, hindi lang pagpatay ang gagawin niya sa mga walang utang na loob na nagpahamak sa kapatid niya. 

Naputol ang pag-alala niya nang madinig niya pagbugtong hininga ni Dominic.

"Kung ayaw mo, bakit mo pa tinanggap yung posisyon mo ngayon?" Tanong nito.

"Kailangan lang." Sagot naman niya.

Dahil wala siya magagawa. Wala siyang choice. Sa kasamaang palad, siya nalang ang natitira sa Coven nila.

The King's only heir.

Kung iiwan niya ito, kanino naman niya ipapasa?

Dalawang pamilya nalang may Ancient Bloodline sa kanila. Isa sa requirement ng High Council para kilalaning hari kung sakaling mawalan ito ng tagapagmana. Bukod sa Soliel, isang Coven nalang pwede pagpilian. Ang Valerius.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon