ENDING NA PO ITO
Elle..
Reviens dans ma vie..mon amour..
Nagising si Raffy sa malakas na pagyugyog ng kapatid niya.
"Hoy Rafaella! Malalate ka na naman sa school. Gumising ka na!"
Pumasok na naman ito sa kwarto niya ng walang paalam. Nakakainis.
Kahit ano yatang lock ang gawin niya ay nabubukasan parin nito yon.
"Ehhh. Kuya Kiel naman eh." Kinuha niya ang kumot at nagtalukbong. Gusto pa niyang matulog. Puyat siya.
"T*ng*na. Wattpad ka kasi ng wattpad kaya ka puyat! Gising na!"
"Nuuuuuuu...." Mahabang ungot niya. Ayaw pa niya talagang bumangon.
"Sige ka, ihahagis ko tong cellphone mo."
Napabalikwas siya ng bangon.
Cellphone?
Lumaki ang singkit niyang mga mata nang makitang hawak na nito ang pinakaiingatang note 2 niya. Mabuti nalang at may password yon at..."
"So ito pala ang binabasa mo?" Tanong nito. Nabuksan na naman ng walang kahirap-hirap.
Naku naman! Ibang klase talaga.
Pano ba nito nagagawa yon? May hinala na siya talagang hindi Engineer ang trabaho ng kapatid niya dahil sa mga kakaibang skills nito. Marunong magbukas ng lock. Maghula ng passwords.
Naisip na niya dati na isa itong secret agent. Ninja. O kaya vampire hunter tulad ng mga nababasa niya.
"Napakagat pa ng labi nang hinaplos-haplos niya ang bahaging nakaumbok sa gitna ng pantalon...T*ngina Rap-rap! Ito yung trip mo!"
Lalong nanlaki ang mga mata niya. Binasa ng malakas ng kapatid niya yung isang chapter sa binabasa niyang kwento.
SPG yun. Bedscene. Mahalay.
"Pakshet ka, Kuya!" Mabilis siyang bumangon at hinablot ang cellphone niya dito.
"Ayan. Sige. Yan ang atupagin mo. Lalo kang di makakagraduate niyan.
Ngumuso siya. Dalawang taon lang naman siyang delay. Nagshift kasi siya mula Nursing papuntang ComSci. Narealize niya kasing di niya kaya palang humawak ng dugo. Ilang beses din kasi siyang nahimatay sa mga lab nila bago pa siya nagdecide na itigil na ang pagpapahirap sa sarili niya.
"Gra-graduate na ako. Thesis nalang." Sagot niya.
Ngumisi ito. "Siguraduhin mo yan ha. Ang mahal ng tution fee mo."
Tama naman ang kapatid niya. Lahat ng sakripisyo ay ginawa na nito para sa kanya. Dati nga ay sa kalye lang sila natutulog. Palaboy lang. Nabubuhay lang sa pagbebenta ng bote at dyayrong napupulot nila. Pero isang araw ay sinuwerte ito. Binigyan daw ito ng reward nang isang babae na nailigtas nito sa panghohold-up. Iyon ang ginamit nilang panimula. Nag-aral ang kapatid niya sa umaga, tapos nagtrabaho sa gabi. Hanggang sa makatapos ito.
Eto nga at engineer na. Malaki ang sweldo sa kumpanyang pinapasukan. Kaso wala paring lovelife. Mukhang pati iyon sinakripisyo para sa kanya.
"Tapos ang lakas mo pang lumamon." Dugtong pa ng Kuya niya.
"G*go ikaw kaya! Ubos na yung grinocery ko kahapon, kinain mo na!" Sigaw niya dito.
Nakakainis. Kahit malakas itong kumain puro muscle parin. Samantalang siya. Bansot na nga, chubby pa.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...