34. The Hunt

6.8K 158 12
                                    

Napakunot nalang ng noo si Pierre habang ipinapasok ang dalawang supot sa basurahan. Ang baho ng amoy, di niya matagalan.

"Itapon mo yan basura ha, nakahiwalay na yan. Biodegradable saka non-biodegradable ha." Nakakarindi na ang paalala ni Elle sa kanya kanina.

Hinubad niya ang disposable na plastic gloves at hinagis narin iyon sa loob.

The hell with this sh*t, he thought. Sa Valerius nga, kahit pa alipin ang estado niya doon, ni hindi siya nakakahawak ng basura. Ni hindi hindi siya nauustusan nang ganito. Nakapadegrading para sa isang Haring tulad niya ang ginagawa niya. Wala bang shute ang building na ito para doon at kailangan pa talaga niyang bumaba at magtapon ng basura? O talagang pinagtritripan siya ni Elle dahil alam nitong malakas ang pang-amoy niya?

Napailing nalang siya habang naiisip niya iyon. Wala siyang magagawa, hawak ng babaeng yon ang buhay niya.

Hindi lang yon.

Napahawak siya sa leeg. Doon sa silver collar. Wala rin naman siyang dahilan para takasan pa ito.

Hindi siya muna bumalik sa unit pagkatapos magtapon ng basura. Naglakad-lakad muna siya sa paligid. May isang convenience store sa may labas lang ng gate. Doon muna siya magpapalamig.

Buti at may pera pa siyang naitabi kahit kinon-fiscate na ni Elle ang wallet at ibang gamit niya. Ni hindi na nga rin niya malaman kung anong ginawa nito sa cellphone niya.

But come to think of it, siya nga lang kinidnap na malayang nakakapag-gala. Maswerte na rin talaga siguro siya.

Papasok na siya nang bahagya siyang natigilan sa payphone booth na katabi ng pinto.

He can call Vicky to tell her where he-- a hindi pwede. Napailing siya sa ideyang yon.

Kilala niya si Vicky, walang-awa ang babaeng yon. Malamang magpasugod yon ng madaming kampon dito at mapahamak si Elle. 

Alam niyang magaling itong hunter pero hindi nito kakayanin kapag sumugod ang daang-daang tauhan ni Vicky.

Saka ok na ang ganito. At least wala siyang gaanong inaalala sa pamumuno niya.

Pumasok na siya sa convenience store at tumingin-tingin nang mabibili. Maghahating gabi na at kakaunti lang ang tao sa loob. 

Hindi nga pala niya natanong kay Elle kung anong mga paborito nito. Nanghuhula lang siya kung ano ang magugustuhan nitong pagkaing iluluto niya. Sumasakto naman.

Chocolates. 

Napangiti siya. She loves sweet, sigurado siya doon. Lagi niyang nakikita na sumasaya ito kapag nakakatikim ng desserts na gawa niya. Tapos nawawala pa ng mga mata ni Elle kapag ngumingiti ng husto.

She's so cute, he thought. She looks so innocent, fragile. Walang makakahula kung ano talaga ang trabaho nito. Wala ring makakahula kung ano mga pinagdaan nito.

Huminga siya ng malalim.

"This is my chance to redeem myself." Sabi niya sa sarili. Para mapagbayaran na niya ang lahat.
Hindi niya dapat nararamdaman ang kabog ng dibdib niya.

Alam niya kung ano mang nagawa niya noon, hindi na mababago ngayon. Pero atleast, kahit papaano, he would do something that would gave her peace.

Hindi siya nakabawi kay Isabelle, babawi siya kay Elle.

Mabilis niyang nabayaran ang pinamili sa counter. Paglabas na paglabas niya ay nakakita siya ng dalawang lalaking nakaitim na leather jacket sa di kalayuan. Nakaabang lang sa tapat ng dalawang motorsiklo. Pamilyar ang mga mukha nito.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon