"Rap-Rap!"
"Diego!" Salubong niya dito sa pinto. Mahigpit niya itong niyakap pagtapak palang sa loob.
Masayang umakap din nito sa kanya. Nabuhat pa siya pataas. "I missed you bebe girl!"
Ang laking tao talaga ng lalaking to, sa isip isip niya.
Dapat talaga nasa field din para mapakinabangan yung laki ng katawan saka para mabawasan ang taba. Kaso ayaw, pagiging Tracker din ang trip. Minsan Cleaner. Mas gusto raw kasi ng tahimik na trabaho.
"Wait, yung sinasabi ko sayo kagabi. Papakilala ko siya." Sabi niya sabay hila.
"Hah?" tanong nito habang inaayos na makapal na suot na salamin. Kinakaladkad niya ito papunta sa may kusina.
"Huy naman, ilang buwan tayong di nagkita tapos may ipapakilala ka agad na —kliyenteng babae—" bigla itong natigilan. Nakatitig na pala ito kay Cat.
"Hi."
Sigurado siyang nakita niyang namula si Cat at napatungo. Nakalimutan niyang tshirt lang pala ang suot nito. Baka nahiya.
"Ah sorry. Dun ka muna pala sa sala Diegs," sabay hila niya uli dito papalayo. "Pagbibihisin ko muna si Cat."
"Elle, who's that?" Nadinig naman niya si Pierre. Napalingon tuloy siya. Nakita niya itong nakasandal na sa doorframe ng kwarto. Nakahalukipkip. Tinititigang maiigi ang kasama niya.
Patay.
Di niya nasabi kay Diego tungkol sa pagkidnap niya sa isang to.
"Ikaw!" Sigaw naman ni Diego sabay turo sa lalaking topless sa harap niya. Parang di ito makapaniwala.
"Siya! Rap-Rap, nahuli mo siya?!" Napansin siguro nito yung silver collar. "Pero bakit siya nakahubad!"
Napailing nalang siya. Si Diego talaga, kung makareact parang ewan.
"Labas muna dyan, Mahal na Hari," sabay hawi niya kay Pierre papalabas ng kwarto. Agad niyang hinila si Diego papasok at ni-lock ang pinto. Kailangan niyang di marinig ng mga yon ang pag-uusap nila.
"Sorry naman, di ko nasabi sayo Diegs"
"Rap-rap alam mo ang balita ngayon!? Nagkakagulo na yung Council nila dahil hindi dumating yung Hari sa Congregation. Tapos andito pala yan! Ano ka ba!? Ano na namang napagtripan mo! Pag nalaman ni Kiel to mag-aalala yon!"
"Wala na si Kuya."
"Hah?!" Yan na naman yung gulat na gulat na reaksyon nito.
"Wala na Diegs. Patay na daw. Hinahanap ko ngayon kung saang morgue siya dinala."
"Hah, kelan pa? Sigurado ka?" nag-alala na yung boses nito. Marahang hinawakan ang balikat niya. "Ok ka lang?"
"Ok lang ako. Ganun talaga," tipid siyang ngumiti. "Doon ko sa tukmol nakuha yung info. Kapatid noon si Ate Raven, yung kinalolokohan ni Kuya. Nakilala mo na yata yon."
"Kapatid?" kumunot ang noo nito. "Raven?"
"Angelique du Soliel," aniya. "Princess."
"Siya ba yon?! Ayus din si Kiel. Nakadale pa ng prinsesa bago..aw sorry." Nasuntok niya ang tyan nito. Bahagyang umalog ang taba. Napatikom tuloy ang bibig.
Sumandal nalang siya sa dingding nagbugtong hininga. Pambihira. Parang ngayon nagsisi na siya na idinamay pa niya ang tabatsyoy na to sa plano niya
"So paano na ngayon?" tanong nito sa kanya. Naupo na ito sa kama niya at nangalumbaba. Lumubog ito nang husto sa kutsyon niya. "Anong plano mo?"
"Hanapin ko muna yung pumatay doon sa Valeruis tapos—"
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...