15: Sanctuary

8.2K 174 22
                                    

"So this is it, Hunter."

Dad?

Dad!

Dinig na dinig niya ang boses. Alam niyang hindi siya nanaginip, nararamdaman niya ang lahat. Ramdam na ramdam na rin ang bahagyang pag uga ng kinatatayuan niya.

Nasa barko sila. Ito yung gabing yon.

"I'm doing this for her," sabi niya dito.

Tama nga ang hinala niya. Hindi nga ito panaginip. Alaala ito ni Kiel. Boses nito ang lumalabas sa bibig niya. Nakuha na naman niya dahil sa pag-inom ng dugo nito.

Ramdam niya din ang tibok ng puso niya. Mabilis, malakas.

Galit? Bakit nakakaramdam ng ganoon si Kiel?

"And we have a deal."

Anong deal?

Nakita pa niya ang pagngiti ng ama sa kanya.

"I've done my part, I told you what you need to know. Ikaw?"

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Unti-unti naman niyang nagawa iyon.

"One bullet."

"Yes, one bullet," ngumiti pa ito, "and make it quick,"

Tumalikod na ang Daddy niya at humarap sa isang malaking painting ng isang magandang babae.

"Finally. My Helena,"

Si Mommy.

Nakaputi itong damit. Nakalugay ang itim, mahaba at alun-alon nitong buhok. 

And those brown eyes, hindi niya maiwasang mapatitig. Sigurado na siyang dito nila nakuha ni Pierre ang mga mata nila.

Hanggang sa huli, si Mommy parin  ang tinitingan ni Dad.

"Remember your promise, Hunter,"

Tumango siya. Kinuha na niya ang baril sa likod.

"You will love my daughter no matter what," sabi nito. "Make her your queen. Katulad ng ginawa ko sa kanilang Ina."

Itinutok na niya ang baril sa likod ng ulo nito. 

"I will."

Agad niya ding kinalabit ang gatilyo.

***

"Dad.."

Malamig ang paligid pero pawis na pawis siya.

Hindi pa maayos ang senses nya. Nahihilo parin siya. Nanghihina. Ni hindi nga niya magawang maiadjust ng maayos mga mata niya sa dilim.

Epekto yata ng silver bullet na binaril sa kanya. Hanggang ngayon ramdam parin niya ang pagbaon noon sa kalamnan.

Naupo siya ng dahan-dahan.

May naririnig siyang parang tinitupok na kahoy. Firewood?

Agad nakuha ng atensyon niya ang fireplace sa isang sulok ng kwarto. Yun lang tanging liwanag na nakikita niya.

Kung hindi siya nagkakamali, gawa sa bato ang mga dingding. May mga tapestries lang na nakasabit sa ilang bahagi nito para maging dekorasyon.

Where the hell am I? Medieval castle themed ba itong kwartong ito?

Manipis ang pang tulog na suot-suot niya. Nilalamig niyang sinubukang bumababa ng kama. Hinila niya ang makapal na kumot para takpan ang sarili.

"Go back to sleep, Rave."

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon