Bulan.
Bulan daw ang pangalan niya.Kaano-ano ito ni Isabelle?
Ito ang naiisip ni Raffy habang sinusundan niya ang babae. Alam niyang hindi ito tao. Pero hindi rin ito pangkaraniwang bampira.
Vampire nga ba ito?
"Hindi ka dapat dumaan sa unahang tarangkahan. Napakamapanganib pa sapagkat may mga nilalang pang tulad nilang hindi pa nakikitil." Sabi sa kanya ng babae habang patuloy silang naglalakad.
Napangiwi siya. Bakit ba ganoon itong magsalita. Na-stuck na yata sa kopongkopong ang lengwahe ng babaeng to. Mas malala pa kay Diego.
Nakarinig siya ng ungol. Malapit lang. Napansin siya ang isang bulto na na nakatago sa isang gumuhong pinto.
Rogue.
Tao siya at may sugat. Malamang naamoy ng mga ito ng dugo niya. Naglabas na siya ng baril.
"Sandali. Bulan."
"Huwag kang mag-alala. Hindi ka nila lalapitan kapag kasama mo ako,"
"Hah?"
"May isang bagay na nakapaloob sa aking katawan na kanilang iniiwasan," sagot nito. "Halika na." At nagpatuloy itong maglakad.
"Di ko gets. Anong nakapaloob?"
Pakshet na yan. Nosebleed na nga. Ang talinhaga pa.
Sinundan nalang niya itong maglakad. "Saan ba tayo pupunta? Hinahanap ko si Isabelle. Kailangan--"
"Maari bang manahimik ka. Kung hindi ko namalayang ikaw ay katuwang ng anak ni Hanan, kanina pa sana kita hinayaan sa kanila." Malumanay parin kahit na nagbabanta na.
"Aba't... Teka sinong Hanan? Sinong katuwang?" Napakamot nalang siya sa ulo at ngumuso. "Tagalog please. Yung pang tao. Kakaloka ka."
Tumawa ito. "Alam mo bang naalala ko si Hanan sa iyo, nakakatuwa," sabi nito. "Tadhana marahil na makatagpo si Pierre ng isang katuwang tulad mo."
Katuwang. Mate nga malamang ang ibig sabihin noon. Medyo na gets na niya.
"So anak noong Hanan si Pierre? Ang alam ko, Helena ang pangalan ng Queen dati at..."
"Helena ang binigay na pangalan nang kanyang naging kabiyak noong nakipag-isang dibdib ito," putol nito sa kanya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Kaibigan kong matalik si Hanan noong siya ay nabubuhay pa. Magkapatid na ang turing namin sa isa't isa."
Bumalik na ito sa paglalakad. Napailing nalang siya. Wala siyang magawa kundi sundan ito dahil mukhang marami pang rogues na nagmamasid sa kanila.
"Teka nga, sino ka ba talaga?" tanong niya. "Saka paano mo nalaman na katuwang ko si Pierre?"
"Mausisa ka pala," sabi ni Bulan. "Maliban sa pilat sa iyong leeg, naamoy ko ang binhi niya sa loob mo,"
Binhi? Pakshet na yan. Naalala na naman niya yung nangyari sa kanila ni Pierre kagabi. Naligo naman siya para maalis sa kanya ang alaala ng lalaking yon, naamoy parin?
"Kasamaang palad, hindi ito makakabuo ng bunga. Isa ka paring tao, nakakapanghinayang. Kung nais mo maari kitang tulungang na kayo ay--"
"No thanks!" Napangiwi siya. Na gets niya ang gustong sabihin ni Bulan. Ayaw niyang magkaanak sa lalaking yon.
Paksh*t siya! Manloloko!
Sumasakit na naman tuloy ang dibdib niya, pinalala pa kasi.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...