57: Discord

5.1K 173 18
                                    

Mabilis nabitawan ni Pierre si Carina mula sa pagkakasakal. Napaatras siya ng ilang hakbang mula dito habang napaluhod ang babae sa sahig.

Buhay si Isabelle?

Hindi siya makapaniwala. Paano nangyari iyon? Sinabi ni Cat na patay na nga ito.

"How..."

"I was not expecting that, my prince. Tila yata hindi mo nagustuhan ng balitang isiniwalat ko?" Tanong ni Carina sa kanya. Tumayo itong nakangisi pero bakat sa leeg nito ang marka ng pagkakasakal niya.

"You bitch... Ano ba talaga ang kailangan mo?"

Tumaas lang ang kilay nito na para bang nanunuya pa. Ubos na ang pasensya niya pero kailangan niya munang magtimpi at hayaan itong magsalita.

"I already told you. Alejandro's bastard, your son."

"It's not mine." Madiing niyang sambit. Naniniwala parin pala ang babaeng ito na siya ang ama ng dinadala ni Isabelle.

Ngumuso lang ito si Carina. Naglakad papaikot sa kanya. Naramdaman niya ang pagdausdos ng kamay nito sa balikat niya.

"So you're disowing your own heir?" tanong nito. "Sofia was right. He's better off with us. We could use his influence...and his blood. He still had a quarter of Ancientblood on his vein whether you fathered him or not."

Pati inosenteng batang hindi pa pinapanganak dinadamay pa. "Ano ba talaga ang balak niyo?!"

She's crazy. They all are. Noon pa man ay may hinala na siyang may hindi magandang nangyayari sa loob ng pamilya ng Valerius noong naninilbihan pa siya sa mga ito. Pero dahil wala naman siyang karapatang makialam, bukod sa wala naman siyang pakialam talaga, hinayaan nalang niya ang mga ito noon. Hindi niya akalaing aabot sa ganito.

"We want something you thought you have, my prince," ngumiti uli si Carina sa kanya. "Alam mo bang dahil sa matagal mong pagkawala, napakarami ng nangyari."

Kumunot ang noo niya. "Get to the point. Wala akong panahong makipaglaro ng hulaan sayo."

Humalakhak ito ng malakas. Hinawakan nito ang leeg na mukhang nangingitim na sa pasa dahil sa pagkakasakal niya kanina.

"Answer me!"

"Your father denied you of your throne, my prince. Ibinigay ng hari iyon sa iba, ni hindi din iyon napasakamay ng iyong kapatid," sabi nito. "Pero mas mabuti na iyon hindi ba? Hindi na namin kailangan pang tapusin ka at si Angelique."

Ikumpas niya ang kamay niya. Tumalsik si Carina papalayo at napadapa sa sahig.

Naramdaman din niya ang epekto ng paggamit ng psych sa silver collar niyang suot. Hindi naman iyon kasing sakit ng silver chip niya noon sa dibdib pero parang pinipigilan parin nito ang paghinga niya. "Wag mo akong pinagloloko Carina. Nanahimik na ang kapatid ko."

Tumawa lang uli si Carina habang pinipilit tumayo. May ilang patak ng dugo itong dumaloy sa bibig.

"N-nagsasabi ako ng katotohanan, buhay pa si Angelique," sabi nito. "But the king gave his position to someone else."

Si Isabelle kanina, ngayon si Angie. Sino pa ba ang susunod na sinasabi nitong buhay? Si Kiel?

Pero kung totoo ang sinasabi nito, mas ikatutuwa pa niya iyon. Maski si Angelique, alam niyang wala ring interest sa pulitika ng lahi nila.

"Ayaw mo bang maniwala?" dugtong ni Carina. "C'mon prince, drink my blood. I can show you." Alok nito. Ito na rin ang kusang lumapit.

Memory transfer sa pamamagitan ng dugo. Oo, pwede nga niyang gawin yon.

Hinila niya ang braso nito at marahas niyang iniangat. Napangiwi ito sa sakit. Naamoy niya ng malapitan ang dugo nito. Kumunot ang noo niya. Pamilyar siya sa amoy na nanggagaling doon.

Damn it. Muntik na.

Ibinalibag niya si Carina sa sofa. "Are you trying to poison me, whore?!"

Fullmoon. That drug. He destroyed it ten years ago. Sinira niya ang lahat ng formula nito. Maski nga ang nakaimbento noon ay pinatay na din niya para di na maituloy pang maikalat.

Alam niya ng epekto noon. Harmless iyon kapag naiinject sa dugo ng isang bampira. Pero malalason naman ang sino mang uminom ng dugo ng carrier nito.

Iba rin ang epekto noon kapag tao gumamit. He remembered it very well.

Those bastard hunters.

Kumunot ang noo ni Carina at ngumiwi. "So you know about this Pierre?"

Mukhang balak nga nitong lasunin siya. Kaya pala ganoon nalang ito makalingkis. If he had succumbed to her advances, maaring nakahigop na siya ng dugo nito ng di niya sinasadya. 

"More than you know, Carina," He hissed. Ibinalik niya ang kamay sa leeg ng babae. Sa pagkakatatong iyon, nakalabas na ang matutulis na kuko niya. Bumabaon na ito sa balat. Hindi ito makasigaw pero alam niyang nasasaktan ito. 

She deserve it, dammit. Hindi niya alam kung paano ito nakagawa ng Fullmoon pero hindi siya papayag na kumalat uli yon. 

"Did Sofia sent you?" tanong niya.

Mahina itong tumango.

"I won't kill you this time, just send this message to that little bitch..."

Alam niyang hindi lang ang pagtatangka ni Carina na lasunin siya sa pamamagitan ng dugo nito. May gustong ipaalala si Sofia kaya ipinadala nito ang babae.

Napalingon siya sa buong bahay. He got it. Very clear. It's about the deal that he made with her.

"Ibibigay ko sa inyo ang kailangan niyo," diniinan pa niya lalo ang sakal. Malapit na itong maubusan ng hangin. 

"Pero ibibigay niyo rin ang gusto ko. Tell that to Sofia."

Habol-hininga si Carina na napaupo nang bitawan niya. Tumutulo pa ang masaganang dugo nito sa leeg. "Y-yes.. I'll tell her."

Tinalikuran na niya ito at nagmadaling lumabas ng bahay. Mabilis siyang sumakay ng kotse at huminga ng malalim.

Napahawak siya sa leeg, hindi siya makahinga dahil sa silver collar na nasa leeg nya. Pero hindi lang iyon ang dapat niyang alalahanin ngayon, may malaking gulo na palang nagaganap ng di niya nalalaman.

Pinasibad niya ang sasakyan papalayo sa bahay na yon. Kailangan niyang makabalik agad sa Manor. Maya-maya pa ay narining niyang nagring ang cellphone niya. Agad din niya itong sinagot.

"Dom?" tanong niya.

Matagal bago ito nakapagsalita. "Master..." Mahinahon ang boses nito pero nakakaramdam siya ng kaba.

Master? Kailan pa siya tinawag na master ni Dom? Ang ama lang niya ang tinatawag nitong master.

May masamang nangyari?

 "What happened to Elle?"

"She left."

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon