BABALA: Medyo SPG
"Magkaibigan kami ni Diego. Matagal na." Ani Raffy habang tinitingan ang mga files sa folder galing ospital na pinuntahan nila. Baka may clue dito kung saan dinala ang katawan ng kapatid niya. Medyo tanggap na niya, ang gusto naman niya kahit papaano ay magkaroon ito ng maayos na libing.
"I don't trust him." Sabi naman ni Pierre.
Kapal ng mukha naman, sa isip-isip niya. Sino kaya yung mukhang di katiwatiwala? Sino kaya yung muntik ng mang-rape?
Lumingon siya dito. Kasalukuyang nakasandal sa pader at nakapamulsa ang tukmol. Ang ganda ng tindig. Feeling model lang, naisip niya.
Bakit naman kasi naisipang tumambay nito sa kwarto niya ngayon? Wala na si Cat sa kabilang kwarto, pwede nang gamitin uli iyon.
"Tatay ni Diegs yung kumupkop na hunter samin noon. Si Tatang Max din yung nagtrain kay Kuya. Saka sa akin, pagkalabas ko sa Asylum." Sabi niya.
Kaso kasamang palad, namatay na si Tatang mga dalawang taon na. Masyadong malakas ang tinarget nilang bampira noon kaya napuruhan. Kaya din siguro ayaw ni Diego mag-field dahil don. Dinamdam ang nangyari.
"I still don't trust him." Sagot nito
"Tss--Bahala ka nga. Walang gagawing masama kay Cat yun. Di yon manyak. Di tulad mo."
Humarap nalang uli siya sa trabaho niya. May pangalan doon ng nag-authopsy sa bangkay ng kuya niya. Naresearch niya na at nalaman na nagresign ito sa trabaho halos six months ago. Three days pagtapos kung kelan namatay ang kapatid niya.
"Elle."
Na naman. Ang kulit. "What?"
"Do you know where he's taking her?"
"Si Cat? Nasa may Batangas area sila. Mukhang malayo-layo ang byahe. Yun yung huling text ni Diego. Hinihintay ko nalang sususunod," sagot niya. Napansin niya rin na kaninang tanghali pa ang text nito. Gabi na wala pang update.
Lumingon siya uli kay Pierre. Isinarado na niya ang folder sa study table niya. Mukhang di na siya matatapos ang ginagawa. May nang-iistorbo na. "Bakit ba parang ang init ng dugo mo doon sa tao? Kanina ka pa."
Bago pa umalis ang dalawa kanina, ang sama na ng tingin ni Pierre kay Diego. Parang gustong litsunin o kaya gawing chicaron.
Kumunot ang noo nito. "Pinapasok mo siya sa kwarto mo ng ganon lang? Naglock pa kayo," anito. Napahawak pa sa batok. Halata ang pagkainis. "And I can still smell him here. Ano ba talaga ang ginawa niyo?"
Tumaas lang ang kilay niya. "Ano bang problema doon? Ikaw nga, pinatira ko pa dito, di kita kilala. And worst vampire ka pa...Ah wait, rephrase.. vampire na manyak ka."
"Ano ba naman Elle! Sagutin mo nalang!" kitang-kita na niya ang frustration sa mukha nito. Parang constipated na ewan, naiisip niya. "May relasyon ba kayo? May nangyari ba sa inyo?"
"Adik, wala!" Tanggi niya. Gusto niya sanang tumawa ng malakas sa kalokohang sinabi nito. Pero saglit siyang natigilan.
"My God! Nagseselos ka!"
Di na ito nakaimik. Napapanganga nalang siya.
Teritoryal ang mga bampira. Possesive din. So malamang, totoo ang hinala niya.
Matindi siguro ang pagnanasa nito sa kanya kaya ayaw siyang nilalapitan ng kahit na sinong lalaki. Naalala pa niya yung mga hunters na nakaenkwentro nila kahapon.
Hanggang dun nalang yun, siguro. Lust lang. Imposible namang itong main-love sa kanya.
Pero mabuti nang makasiguro.
BINABASA MO ANG
Requiem: Redemption
VampirePART 2 of Requiem Kung maari po sana ay unahin niyong basahin iyon para di po kayo malito... salamat po... Hunter #648 Kinikilala na siya sa mundo nila bilang isa sa pinakamagaling na Tracker ng mga rogue vampires. Kaso may malaki siyang problema, m...